46. GT's Main Conflict

Zacznij od początku
                                    

Fuck! Vincent have that image of Vincent Gregorio or Beans Talk, pero alam kong hindi siya papayag sa book signing as GT.

Paano kung malaman ng ex-wife niyang siya ang author ng The Anthem of Sorrow? Mas concern niya ito, malamang, kaysa sa mukha niya. Wala bang kaluluwa ang management ng Grey Feather Press?

"Good morning, Dream Catchers!"

Sabay kaming naalerto ni Boss Armie.

"Nandiyan na si Karen."

Lumabas na agad kami ng cubicle at sinalubong namin si Boss Ayen na kararating pa lang.

"Eunice! At last, you're here!" Then she hugged me.

Bakit kung makayakap sila sa akin, parang ang tagal kong nawala? Parang namang hindi sila sanay na lagi akong MIA sa opisina.

"Where's Vince?"

Ako lang ba o pareho sila ng tanong ni Boss Armie? Bakit hinahanap nila sa akin si Vincent? Ibinahay ko ba?

"She's not with him," sagot ni Boss Armie para sa akin. "Anyway, I showed Niz GFP's poster for Gregory Troye."

"Vince hated that stunt," dismayadong sinabi ni Boss Ayen at saka siya dumeretso sa cubicle niya. Sumunod naman kami ni Boss Armie.

"Akala ko, magkasama kayo sa research?" tanong pa ni Boss Ayen.

Bagay talaga silang mag-partner ni Boss Armie. Pareho sila ng takbo ng utak.

"Nitong mga nakaraang araw, palaging nandito si Vince to check up on the book signing issue," kuwento ni Boss Ayen. "Then he'll go home pagkatapos. Sinasabi niyang babalikan ka raw." Tapos tiningnan niya ako.

Ako ba iyon? Paanong babalikan ako? Si Vincent? Babalikan ako ni Vincent? Ni hindi ko nga siya nakita nang isang buong linggo!

"He looked so tired and strained," sabi ni Boss Armie. "Naaawa ako kay Vince."

"I feel you," sagot pa ni Boss Ayen habang nag-aayos ng gamit.

Hindi ako makasunod sa usapan. May alam ba silang hindi ko alam?

Eunice, pabobo gaming ka na naman. Malamang, may alam silang hindi mo alam kasi MIA ka nang isang buong linggo dahil kay Justin, duh!

"What happened to GT?" tanong ko na lang na ikinatigil nina boss—na ikinatigil ko rin kasi natigilan sila.

Uh . . . okay?

Pinagkaisahan ako ng mga tingin nila. Parang sinasabing ano'ng pinagsasasabi ko.

"Di ba, magkasama kayo palagi?" usisa ni Boss Ayen.

Oh my gosh. Kapag nag-combo talaga sila ni Boss Armie, parang nag-e-echo lang sila sa isa't isa.

"Actually . . ." Paano ba ako magpapaliwanag?

Kasi one week akong brokenhearted dahil nag-cheat ang ex-boyfriend ko sa akin? Kaya ayun, malay ko na sa mundo. Nagsariling mundo kasi ako.

Hindi nila tatanggapin iyon. Personal issues ko na iyon e.

"I tried to call Vince but he was not answering," sabi ni Boss Ayen.

"Nag-deactivate siya last time ng FB niya, a. What was the reason behind that?" tanong ko pa.

Hindi naman sa assuming ako, pero akala ko talaga, kasalanan ko kaya siya nag-deactivate. Malay ko ba?

"He needed to deactivate his official FB account dahil sa issue niya about the book signing. Ginamit ng Grey Feather yung photo niya without his consent."

ANO RAW? "But that's illegal!"

"Not really. And he's gonna sue GFP dapat, kaso nasa contract din niya ang Convent Not to Sue kaya bawal niyang kasuhan ang publisher niya. At may isang clause doon sa contract na allowed ang GFP to use his photo basta hindi ire-reveal ang real name niya. I think, na-overlook niya 'yon, and nagtiwala naman kasi siya sa GFP. Ten years din siyang walang mukha as GT kaya no wonder kung pare-parehas kaming nagulat."

What the actual fuck? That was . . . stupid.

"Now, readers go gaga because of his visuals. Beans Talk is famous already, but GT is another level. Lalong tumaas ang sales ng GFP bago pa man ang end of contract ni Vincent sa kanila dahil sa itsura niya. Now, readers bought the book for book signing sa Sunday. Trending na naman ang case ng bumili ng libro dahil guwapo ang author. And he's earning hundred thousands again kahit na ayaw na niya. Sold out ang thousand copies ng 26 novel books niya and he needed to sign all that."

"But that's . . ." Oh shit. I don't know what to say. That was overwhelming.

"I'll visit him. Kakausapin ko si Vincent about this," sabi ko na lang. This is not good for him.

"Niz, ayaw ni Vince nang pinupuntahan siya sa bahay niya. He's not letting people invade his personal space, okay? Kahit na gusto namin siyang bisitahin, hindi puwede kasi magagalit siya."

"Pero nasa bahay niya 'ko kagabi, Boss."

And I didn't like how they looked at me. Parang may ginawa akong himala.

"No shit, Niz?"

"Pinayagan ka niya? Totoo?"

"I . . . I gotta go," sabi ko habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "Boss . . . Ayen, Boss Armie."

Ang awkward. Ganoon ba kaayaw ni Vincent na dinadalaw siya para magulantang sina boss sa sinabi ko?

Pero hindi iyon ang kaso e. Kaya ba mukhang broken si Vincent kagabi? Dahil dito? Bakit hindi niya sinabi agad?

All this time, akala ko talaga, kasalanan ko at ng punyemas na love life kong shunga-shunga kaya mukha siyang broken! Tapos biglang . . .

Desperado na ba ang GFP at ginawa nila iyon kay GT?

Napakamumukhang pera naman talaga, oo.

I know, guwapo si Vincent para maging author, pero bakit kailangang gamitin pa ang mukha niya para lang makabenta ng libro? Hindi naman sila palugi, a! Sikat si GT kahit wala siyang mukha, so what's with all this fuss? I don't think na desperate measures lang nila e. Wala naman sila sa point of desperation.

This is bullshit.

Uuwi na naman tuloy ako nang di-oras dahil dito.

The F- BuddiesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz