"Wala naman si Aaron sa kwaro niya eh." Bungad ni Karlo pagkarating niya sa kusina.

"Eh saan naman kaya pupunta yung lalaking iyon?" Kabadong wika ni Tin.

"Ikaw ang girlfriend kaya dapat alam mo kung nasaan siya." Wika ni Mark na katabi na naman si Mia.

"Oo nga!" Pagsang-ayon pa ni Mia.

"Girlfriend ka ba talaga niya? Bakit hindi ka man lang nabahala o kaya'y hanapin siya?" Tanong ni Arianne na nakataas pa ang kanang kilay na nagmamataray.

"Akala niyo lang na hindi ako nag-aalala pero deep inside, kinakabahan na ako na nadali na siya ng killer." Wika niya na kalmado lang. Natahimik ang lahat sa sinabi niya. Hanggang sa dumaloy na ang kaniyang mga luha sa kaniyang mukha. Niyakap na lamang ni Xiara ang kaibigan para kalmahin ito.

Biglang naagaw ang atensiyon nila sa usok na umabot na hanggang sa kisame.

"Oh no! May nasusunog!" Sigaw ni Ginny na unang kinapitan ng pagkataranta sa takot na masunog ang bahay nila. Napansin nilang nagmumula ang sunog sa microwave oven na nakaligtaan.

"Calm down Gin, we're here." Wika ni Arianne na nakayakap dito.

Kaagad naman rumisponde ang mga kalalakihan at nagsitabi na muna ang mga kababaihan sa sulok.

Kaagad na kinuha ni Ethan ang pitsel sa may lamesa at ibinuhos ito kaagad sa may Oven na nasusunog. Si Mark naman ay tinungo ang lababo at kinuha ang plangganang naglalaman ng tubig at ibinuhos din sa apoy. Ginamit naman ni Kian ang tubig na nasa vase para mapatay ang apoy ngunit hindi pa rin ito sapat. At dahil si Karlo ang pinakamalapit sa may dingding, siya ang kumuha ng fire extinguisher para mapula ang apoy.

Makalipas ang limang minuto ay nakahinga na sila ng maluwag sapagkat napula na ang apoy at wala ng dapat pang ipangamba.

"Thank you God!" Wika ni Ginny na nakakahinga na ng maluwag.

"Siguro ay nakalimutang patayin ng kung sinuman ang oven at pati yung niluluto niya ay nasunog tuloy." Wika ni Mia.

"Hindi siguro, iba kasi ang amoy nung usok eh. Para bang amoy na litsong kambing?" Wika ni Agatha.

"Don't tell us na..." hindi na naituloy pa ni Kian ang kaniyang sasabihin sapagkat mukhang nagkakaintindihan na silang lahat.

"No!" Sigaw ni Tin at napaupo na lamang siya sa sahig at napahagulgol sa iyak.

Upang masiguro nga ang kanilang teorya, binuksan nila ang microwave oven.

Gayon na lamang ang panlulumo ng lahat sa nakitang nakakasulasok na kalagayan ni Aaron. Ipinagsiksikan siya sa loob ng oven at tiyaka tinorture ng walang kalaban-laban. Sunog na sunog siya at halos hindi mo na makikilala pa.

"Aaron!" Sigaw ni Tin na tuluyan ng nagdadalamhati habang inilalabas ng mga lalaki ang bangkay ni Aaron sa loob ng oven.

Hindi na napigilan pa ni Tin ang kaniyang emosyon. Nagwawala siya na para bang kinakatay na baboy sa karumal-dumal na sinapit ng kaniyang kasintahan. Niyakap niya ito ng mahigpit habang patuloy na nagsusumamo. Wala siyang pakialam kahit na sunog na ito, hindi mo siya makikitaan ng mandidiri. Bakas sa kaniyang mukha ang lubusang pagsisisi.

Hindi maatim ng bawat-isa ang sinapit ni Aaron. Maski sila ay nagsiiyakan dahil ang pait ng sinapit ng kanilang kaibigan. Napakabait at hindi pa naman maloko si Aaron na talagang mamimiss nila. Kaniya-kaniyang punas na lamang ang bawat-isa sa kanilang mga luha at uhog na walang pakundangang bumabaybay sa kanilang mukha.

Ayaw pa sanang ipadala ni Tin ang bangkay ng nobyo sa dapat na kalagyan nito, dahil hindi pa siya tapos magdalamhati at hindi pa rin niya napapatawad ang sarili niya, sapagkat iniisip niyang hindi siya naging mabuting nobya rito. Ngunit, kailangan iyong gawin kaya wala siyang choice kung hindi ang sumunod.

"Nakakalungkot lang dahil ang naging death word niya ay Microwave oven." Wika ni Agatha na napapailing lang sa may sala.

"Sandali, maaari kayang siya ang nagbake ng cake na ito para sa atin?" Wika ni Roxette habang nakaturo sa cake na inilagay nila sa lamesa ng sala. Napaiyak muli si Tin sa tinuran ni Roxette.

"It means, sinamantala ng killer na patayin si Aaron habang gumagawa ito ng cake?" Tanong ni Ethan na nakasandal sa likuran ni Roxette na ikinaselos naman ni Mark.

"Mukhang ganun na nga." Wika pa ni Mia.

"Wait guys, napansin ko lang na may letra ang bawat cake na mayroon tayo. Ano kayang mensahe na nais iparating ni Aaron?" Tanong ni Karlo na lumalakas na rin ang pagiging kuryosidad.

Kaya ang ginawa nila ay pinagdikit-dikit ang piraso ng cake hanggang sa mabuo nila ang nakasulat dito.

"I Love You Tin."

Napangiti sa saya ang lahat dahil damang-dama nila kung gaano kamahal ni Aaron si Tin. Taliwas naman ito sa naramdaman ni Tin. Mas lalo siyang nalungkot at para bang sinisisi ang sarili sa pagkamatay ni Aaron dahil alam niya sa sarili niya na hindi niya ito nabigyan ng importansiya at malaki ang pagkukulang niya rito, mas lalong napaiyak at napahagulgol na para bang hindi niya na alam ang kaniyang gagawin.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon