"Is there any point of answer?" putol ni XiaXia na nakangiti. Ano daw? Nagtaas kilay naman kaming lahat sa pagtataka. Ano daw yun? Point of Answer? Ay anu ba yan! Mahirap sa matatalino at Low Gets!

"Anong ibig mo----"

"Jett, sa totoo lang, nung mabangga kita nung binully mo yung isa sa mga students, the time when you got detentioned, na-inlove na ako sayo"

"You serious? So... Mahal mo rin ako"

"Mahal na mahal" sabi ni XiaXia na pahina nang pahina. Napangiti naman si Jett saka dinamba ng yakap si XiaXia.

~~~~~~~~~~🍎~~~~~~~~~~

PRINCESS LUCY'S POV

Happy ako for Jett! Na-crush back siya! Sana all, ay hindi, hindi naman ako magugustuhan ng crush ko.

A/N: Sino ba? Si Kestrel?

O_O what?! No! Naman author eh!

A/N: Joke! Alam mong bespren kita

Yiieeehh!!! Okay, as I was telling...

"So... Tayo na?" sabi ni Jett na ikinanganga namin. Agad-agad? Wala pang ligawan?

Tumango naman si XiaXia at tumalon naman si Layn sa saya. Ang KHAP Boys pati si Giselle ay tuwang-tuwa sa naririnig at nakikita nila. Saktong dumaan naman si Fiona at kakaway sana kay Jett pero siniil ng halik sa labi ni Jett si XiaXia na ikinagulat both ni Fiona at XiaXia.

Umiyak si Fiona paalis saka ako napangisi. Napatingin kami sa dalawa na PDA na, pinagtitinginan na sila hanggang sa kumalas si XiaXia. Nagdikit pa ang noo nila saka sila nagngitian.

"YEY! JettZi for life!" sigaw nila Layn, Andrew and Giselle. Napangiti na lang kami saka kami nag-group hug, well except kila Hades and Kestrel na nakipag-fist bump kay Jett at nakipag-shake hands kay XiaXia. May bago na kaming kaibigan.

P.A: All Students! The Sport Fest will start soon! We want both Nobles and Commoners' Campus President and Vice President to proceed to their VIP seats

Wow, pa-VIP pang nalalaman eh noh?

Si Kestrel naman, niyaya si XiaXia na sumama na sa kanya. Nag-eye to eye pa si Jett at Kestrel.

"Tol! Bantayan mo girlpren ko!"

"Oo sir! Mas nauna ka pa kay Andrew! Nililigawan pa lang niya si Giselle eh"

"Oo nga! Daya mo Jett" sabi pareho ni Giselle at Andrew. Is there any answer? Malamang magkakatuluyan sila yan! Sila pa eh halata sa way ng actions, obvious na obvious.

Lahat kami ay pumunta sa Gymnasium at naupo sa judging seats or we should call VIP seats sila XiaXia at Kestrel. Nasa pinakaharap kami ng seats para mas malapit daw si Jett kay XiaXia. Di niya daw kayang pagkatiwalaan si Kestrel.

Tumayo naman ang Campus Presidents ng Nobles and Commoners at bawat isa ay may speech.

"Hello Loyal College's Student! Welcome to the Sports Fest! Thank you for coming and please... Enjoy the fun" ani ng Nobles' President.

"Good morning everyone! Welcome to Mobile Legends! Char! Don't take it seriously! Welcome dito sa ating Sports Fest ng Loyal College! Enjoy the fun and spent your free time!" usal ng Commoners' President.

And then tumayo si XiaXia. Agad naman sumigaw itong si Jett. "Love you, babe!" sigaw ni Jett na ikinanganga at gulat ng lahat. Malamang, ngayon lang nila nalaman.

"Hi everyone! I'm Xiazi Gomez, Vice President of the Commoners! We will now have the first game! Volleyball boys between Commoner Class 1 and Nobles Class 1! Goodluck!" sabi ni XiaXia at pumasok naman na si Prince Larry kasama ang team niya.

Hindi kasama si Prince Lucifer dahil nasa ibang games siya. You'll know it later.

Naghiyawan naman ang lahat saka nag-cheer ang mga bleachers na nasa gilid lang ng resting place ng players.

Princess In DisguiseWhere stories live. Discover now