Our usual

311 30 7
                                    

May time kung kailan gusto ko nalang magkulong sa kwarto ko at manuod nalang ng TV. 'Gaya ngayon, dapat hindi nalang ako sumama kina Daddy at Mommy na mamasyal. 'yan tuloy, nakasama ko pa si Zyren. Sa lahat kasi ng pupuntahan naming mall, dun pa kung saan namasyal din sina Zyren kami napadpad! Kailangan ko tuloy pagtiyagaang kasama tong si Zyren habang sina Daddy, Mommy, Tito Joven at Tita Meili ay bumibili ng gamit para sa kapatid niya.

"Ang tagal naman nina Daddy." Maktol ko habang nakaupo sa isang bench sa loob ng mall. Bumaling ako sa katabi ko na tila walang pakialam sa mundo at naglalaro pang sa iPod niya.

"Hoy Zyren, bakit ba hindi ka nalang sumama kina Tito Joven ha? Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo!"

"

Wow! Ikaw na nga itong sinamahan ikaw pa itong nang-iinsulto diyan. Ayaw akong isama ni Mama kasi daw, baka mawala yung mahal na prinsesa. Tatanga-tanga kasi yun minsan eh!" Sabi niya na binigyan diin ang 'mahal na prinsesa. Tumayo ako at namaywang na humarap sakaniya.

"Ah gano'n? Isumbong kaya kita Daddy!" He smirk nung narinig niya ang sinabi ko. Ipinatong niya ang kaniya ulo sa kaniyang kanang kamay.

"Di magsumbong ka, 'yan lang naman alam mong gawin eh. What's new?" Mas lalong uminit ang ulo ko sa sagot niya. Aba't ang mayabang na 'to!

"Hindi naman kita isusumbong kung hindi mo ako inaaway ah!"

"Bakit, ako ba ang nagsisimula, di ba hindi naman? Ikaw nga itong kung makapanlait akala mo naman sobrang ganda! Alam mo dapat nga pasalamat ka pa, ang dami kayang girls sa school na nagpapakamatay para lang makausap ako." Mayabang na sabi niya.

"May sakit yung mga 'yon! Ewan ko nga ba kung anong nagugustuhan nila sayo. You're not that handsome you know?!" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at inisnaban.

"I'm not that handsome as my Dad but the artists and models can't beat me." Sabi niya bago bumalik sa paglalaro sa iPod niya. Napatanga naman ako sakaniya.

Gosh! 9 years old palang yan pero ganyan na kayabang ha! Ang sarap sampalin. Grrr.

--

Words in Italic format are flashbacks.

TrouvailleWhere stories live. Discover now