Chapter 4

85 17 10
                                    

Chapter 4

Terry's POV

"Hindi ka ba talaga sasama? You'll leave me with him?"

Naglalakad kami pauwi nina Czar and Zyren at itong best friend ko, gumana na naman ang pagkamakulit. Inaaya niya kasi akong magmall, may party daw silang pupuntahan ng family niya and of course pati family ni Zyren. Maghahanap siya ng damit sa mall.

"May lakad ako Czar. Kayo na lang ni Zyren, bibili lang naman kayo ng damit eh."

Actually wala naman talaga akong lakad. Ayaw ko lang talagang sumama dahil for sure magbabangayan lang ang mga yan sa loob ng mall.

"That's what my problem is. Hindi ko kayang tumagal sa pagsa-shopping na siya yung kasama ko. Ang daming reklamo ng isang yan."

I sighed.

"Czar, I really need to go. Importante to," tumingin ako kay Zyren, "Please, pagtiyagaan mo nalang ang isang 'to Zy."

He nodded. Tumakbo ako palayo sakanila, mahirap na.

Naka-upo ako sa isa sa mga benches dito sa park habang pinagmamasdan ko ang mga batang naglalaro. Malapit lang dito ang apartment na tinitirahan ko.

Yes. I live in an apartment. Kasama ko doon ang Kuya ko at isang pinsan ko. Runaway daughter? Proud to be. But like any other people like me, I have my reasons. At suportado ako ni Kuya sa desisyon kong pag-alis sa bahay.

"Rine?"

I stiffed. That voice, kilalang-kilala ko kung kanino ang boses na 'yon. Unti-unti akong lumingon para tignan ang tumawag sa akin. Well, siya lang naman ang tumatawag sa akin ng gano'n.

"Kuya Ty."

"It's really you." He smiled.

"Uhm. Anong ginagawa mo dito Kuya?" I asked as he sat beside me.

"Napadaan lang. How 'bout you?"

"I live near here. Just two blocks away."

"Hmm."

Silence took over us.

"Ah do you want to eat.. ice cream?" Tanong niya bigla.

"Huh? Ah, sure." Tumayo kami at pumunta sa convenient store. Actually may nagtitinda ng dirty ice cream dito pero sa ganitong oras ay nauubos na kaya sa may convenient store sa harapan mismo ng park kami pumunta. Siya ang bumili ng ice cream, ako naman ay naghintay sa mga upuan dito sa harap ng store.

Pagkabigay niya sa akin ng ice cream ay nabigla pa ako. How did he know that I like vanilla ice cream?

Mahigit isang oras din kaming nakatambay sa labas ng convenient store. Ito yung pinakamatagal na naka-kwentuhan ko si Kuya Ty ng kami lang. Minsan kasi pag magkausap kami ay kasama namin si Czar at masyado kaming pormal. Pero ngayon, I felt that we've gotten close.

"Gabi na pala Rine. Tara hatid na kita sainyo."

Napatingin ako sa relo ko. 6:45 na pala, hindi ko namalayan ang oras at mukhang gano'n din siya. Haaay! Pag siya na talaga ang kasama ko, nakakalimutan ko ang mga bagay-bagay.

"Pasok ka muna Kuya." Nasa tapat na kami ng apartment.

"Hindi na. I just made sure na safe kang makaka-uwi. I gotta go. Bye Rine, goodnight. See you again." He smiled.

Oh! Damn that smile for making my heartbeat run fast like a racing horse.

"Uhm. Si-sige. Goodnight. I-ingat sa pag-uwi."

I waved tapos nagmamadali akong pumasok sa loob. Pagkadating ko sa kuwarto ko ay dumiretso ako ng higa sa kama. Kinuha ko ang salamin sa study table ko. Pulang-pula ang pisngi ko.

TrouvailleWhere stories live. Discover now