Chapter 7

75 14 7
                                    

Chapter 7

Isha's POV

It's been days since the party happened. Magmula noon ay halos iwasan ko na si Zyren. Kapag papasok at pauwi ng school ay lagi akong nakasuot ng headset para hindi kami mag-usap. I'm also trying my best not to argue with him from time to time and I must say, I'm doing a good job.

"Czar, wanna have some fun?" Tanong ni Nina, I smiled when an idea crossed my mind.

"Sure, saan tayo?" Niligpit ko ang gamit ko at dali-daling lumapit sakanila. Kakatapos lang ng klase.

"Mall, lang. Doon na din tayo mag-dinner." Nakita kong lumapit na din ang iba sa amin.

"Sounds good, tara na." Nauna na ako sa paglalakad ng may humablot ng bag ko.

"Where are you going Ayisha?" Shit! Hinarap ko si Zyren na ngayon ay nakataas na ang kilay at nakasimangot na nakatingin sa akin.

"Uhm, mall?" Trying to get away from you jerk, can't you see that?

"No, we're going home." Hinila niya ang kamay ko at kinaladkad palabas ng classroom. Nagpumiglas naman ako at dahil hindi naman masyadong mahigpit ang hawak niya ay nakawala ako.

"You don't tell me what to do, Lozano." Kunwari ay seryoso kong sabi. Mukha naman hindi umepekto sakaniya dahil tinaasan niya lamang ako ulit ng kilay. Nang hindi ko matagalan ang mga titig niya ay umiwas ako ng tingin. Tumalikod ako at naglakad pabalik ng classroom ng magsalita ulit siya.

"I said, Ayisha, we'll go home." He said with a strict voice. Dali-dali akong humarap sakaniya at sininghalan siya.

"You are not my Dad so stop telling what to do. You are just my friend, and you are nothing more than just that!" Asar na sabi ko. Nakita kong natigilan siya. An emotion crossed his eyes but it was too sudden for me to distinguish what it is. Bigla naman akong natauhan sa ginawa ko.

Shit Czar!

Wala parin siyang imik at nakatingin lang sa baba. "I-I mean... you s-shouldn't... tsk." Nang hindi ko malaman kung ano ang sasabihin ko ay tumalikod nalang ulit ako ngunit hinablot niya ang kamay ko at pinaharap ako sakaniya. His face is now emotionless.

"You want to go go the mall? Fine. Pumunta tayo ng mall." Sabi niya bago naunang lumabas sa room. Did I hear it right? Kami? Pupunta 'kami' ng mall? Sasama siya?! Napasabunot ako ng buhok at padabog na nagpapadyak.

What the hell Zyren, iniiwasan nga kita kaya ako magm-mall tapos sasama ka naman?

"Uh-oh. Paano ba 'yan Czar, sasama eh." Pang-aasar ni Nina

At dahil wala akong magawa kung hindi sumama at pagtiisan kasama si Zyren, buong oras na naglilobot kami sa mall ay nakasimangot ako. Ito naman si hudyo parang wala lang sakaniya, tatawa-tawa lang habang sumsunod sa akin. He never left my side darn it! Para tuloy akong may kasamang body guard. Haist.

Hindi ko namalayan na magdi-dinner na pala kami, hindi ko man lang naenjoy ang paglilibot. Nauna nang umuwi si Evan at Terry kanina. Habang kumakain ay panay ang kulitan nina Nina at Chlide. Si Nicole ay tahimik lang sa isang side, itong katabi ko naman ay panay ang kuha ng pagkain sa plato ko na siyang mas lalo kong ikinabwisit.

"Bakit hindi nalang din ganito ang in-order mo, siya ring panay ang kuha mo sa pagkain ko?" Tanong ko ng hindi ako makatiis, kinibitan niya lamang ako ng balikat at nagapatuloy sa pagkain. Nakita kong hiniwalay niya ang mga mais sa plato niya kaya kinuha ko ang mga ito at ako na mismo ang nag-alis sa natira sa side dish ng steak niya.

"Arte."

Matapos namin kumain ay naglakad pa kami ng ilang mimuto bago napagpasyahang umuwi. We said our goodbyes bago pumunta sa mga sasakyan namin, yung dalawang lovers maglalakad muna daw. Magde-date lang ang dalawang 'yon eh, sus!

Nang umandar ang sasakyan ay ipinikit ko ang mga mata ko. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagdantay ng kung ano sa balikat ko. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita si Zyren na nakasandal sa akin.

"What are you doing?" Tanong ko.

"Ssshhhh, I'm tired Ayisha. Let me take a rest." Nakapikit na sabi nito. Pinakatitigan ko siya at napansin na namumula ang kanyang mukha, bakas rin ang matinding pagod dito. Wala sa sariling iniangat ko ang isang palad ko at idinantay sa noo niya. Natigilan ako ng maramdaman sobrang init niya. He is sick, darn it?!

"Manong, pakibilisan naman po. Nilalagnat po si Zyren eh, tapos papatay na din po ng aircon." Sabi ko sa driver. Tumango naman ito at binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Inayos ko naman ang pagkakahiga ni Zyren sa balikat ko.

You're still stubborn as ever Zy, why didn't you just tell me that you're sick?

Nicole's POV

"Ah...una na ako." Pagpapaalam ko kina Chlide pag-alis nina Czarina.

"Huh? Nood muna tayong sine, Nicole. Libre ni JC." Sabi ni Nina sabay akbay sa akin.

"Next time nalang, Nina. Kapag kumpleto tayo." Ngumiti ako dito. Nagbago ang ekspresyon nito at inalis ang pagkaka-akbay sakin. Hinawakan nito ang kamay ko.

"Sige, ingat ka ha? See you sa Monday." Ngumiti din ito sa akin

"See you" sagot ko bago bumaling kay Chlide "Bye, Chlide."

"Bye, Lili. Ingat." Iyon lang at nagsimula na akong maglakad palayo sakanila.

I'm not a masochist okay? Kaya ko pang tiisin ang sakit kapag nandyan ang iba, pero ang manatili kasama nilang dalawa nang kami-kami lang? Hindi ko aalam kung kakayanin ko pa iyon.

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso kaagad ako sa greenhouse. This is my escape, kapag hindi maganda ang mood ko o sobrang lungkot ko, makita ko lang ang mga magagandang bulaklak ay magiging ayos na ako.

"Nicole?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Tita Archel, nakaupo ito at nag-aarange ng mga bulaklak.

"Tita." Lumapit ako ditto at niyakap siya.

When I was a child, my mom was kidnapped. It was Tita Archel who helped my mom escaped. She and my mom became friends and that's when my mom found out Tita Archel's condition. She lost her memories, ang tanging naalala lang nito ay may anak itong babae but she can't remember her face nor her name. Mom decided to help her and from then on, she started living with us. No one knows about it though, kahit ang mga kaibigan ko ay alam na may nagligtas nga kay Mama noon at iyon ang ipinangalan namin sa shop pero hindi nila alam na she's with us.

"You look sad." Pinaupo ako nito sa tabi niya at hinaplos ang pisngi ko

"I just...miss Mom, Tita." I said. It's true though. Ilang buwan nan g huli kong makita si mama dahil busy ito sa business namin. She's a single parent so, she's working really hard to provide my needs and I understand that. That's not the only reason why I'm sad but I don't want to tell her about my love problems.

"I'm sure your Mom feels the same, Nicole. Ilang lingo nalang din naman at uuwi na 'yon." Ngumiti lang ako at tinignan ang ginagawa niya kanina.

"Wow. This is beautiful, Tita." Inilapit ko ang vase sa akin at iniki iyon para makitang mabuti ang gawa niya.

"Because the one I'm giving I to is also beautiful." Ngumit ito ay tinapik ang ul ko. "Tuyo na iyong huling ibinigay ko sa'yo diba?" Nanlaki ang mata ko ng matanto ang ibig niton sabihin. Sa sobrang tuwa ay niyakap ko ito.

"This looks really great, Tita. Thank you."

"It's nothing, Nicole. Just a few flowers and ribbons." Tatawa-tawang sabi nito.

Pagdating sa kwarto ay inalis ko kaagad ang vase na nasa lamesa at ipinalit ang bago, kinuha ko ang mga ttuyng bulaklak at inilagay iyon sa lumang box na nasa ilalim ng kama ko.

Narinig kong tumunog ang phone ko mula sa bag, kinuha ko iyon at binasa ang mensahe.

Archenina:

Can we talk tomorrow, Nicole?

TrouvailleTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang