Chapter 2

111 16 15
                                    

Chapter 2
The start of our war in love

Nina's POV

"Nina, Nina."

"Hoy, Nina."

"Psssst! Nina."

"Nin-"

"Ano? Ano na naman kailangan mo Evan? Kanina ka pa ah." Singhal ko sa lalaking kanina pa tawag ng tawag sa'kin.

"Ay, highblood kaagad te?" Humawak ito sa dibdib habang tumawa. "Itatanong ko lang sana kung nasaan si Nicole."

"Alam mo Evan, hindi ako body guard ni Nicole para malaman ko ang bawat galaw niya. Kung gusto mong malaman edi tawagan mo." Kalmado kong sabi kahit sa kaloob-looban ko ay gusto ko na siyang batukan. Napakamot naman siya ng ulo.

Di naman ako alalay ni Nicole na kailangan sumunod sa lahat ng pupuntahan niya. Ba't ako tinatanong niya? Kabanas! Kesa si Nicole atupagin iya, bakit di nalang kaya niya pag-aralan maging tahimik. Ang ganda ganda ng umaga ko nasisira na naman dahil sakanya. Sino ba kasing naglagay samin sa iisang klase? Ni-request ko pa nga ng personal sa principal, kahit na hindi ko naman siya ka-close, na 'wag kaming gawing magkaklase eh.

"Nina, nakikinig ka ba?"

"Mukha ba?"

"Tss. Sige na naman kasi, Nina. Ikaw na tumawag, nahihiya ako eh."

"Oh, may hiya ka pala, saan mo napulot?" Nahihiya daw. Patawa to. Kay Nicole nahihiya pero sakin hindi.

"Dali na! Baka mamaya nasiraan na pala yun, para masundo ko, dali."

"Hindi mo ko utusan, may sarili kang cellphone at may sarili ka din kamay kaya bakit hindi ikaw ang tumawag? Hiya hiya. Sus, wala ka na man nun. Wag ako, Evan"

"Hoy, parang isang tawag lang naman, tamad nito."

"Nahiya naman ako sa'yo Carl Evan Montecillo."

"Tamad, tamad, tamad! Parang isang tawag lang eh."

"Ayaw ko nga sabi. Hirap ka bang makaintindi ng salitang tao?"

"Ang aga-aga ang iingay niyo, mahiya naman kayo!" Napahinto kami sa pagbabangayan ng marinig namin ang boses na iyon. Sabay kaming napalingon sa nagsalita.

"Terry, Czar, Zy! Woah, dito rin room niyo?!"

"Obviously." Sagot ni Czar

"Halata ba, Evan?"

"Terry, patawag naman oh."

"Wala akong load."

"Czarina!"

"Lowbatt."

"Zy!"

"Shut up."

"Mga walang kwentang kaibigan. Tatandaan ko ang araw na 'to!" Pagmamaktol ni Evan at umupo nalang.

Natapos ang first at second subject na hindi ako tinitigilan ni Evan. Nang magbreak time na ay dumating si Nicole.

"Nicole! Ba't late ka kanina? May nangyari ba? Accident or something? Teka, nag-breakfast ka na ba? You look pale, nagdi-diet ka ulit? Naman! Dapat kumakain ka parin ng breakfast. Wait lang, bibilhan kita ng snacks. What do you want? Break and milk or rice nalang kaya? Oh kaya-"

"Pwede ba tumahimik ka? Naririndi na ako sa'yo." Sabi ko ng hindi makatiis. Mag katext ako pero nadidistract ako sa lakas ng boses ng lalaking ito. Sarap lagyan ng tape ang bibig

"Ikaw ba kausap?"

"Hindi pero nasa tabi mo lang yang kausap mo. Kailan ba talagang sumigaw? Ni wala pa ngang nasasagit kahit isa sa mga tanong mo, salita ka parin ng salita. Ano ka, living walkie talkie?"

TrouvailleWhere stories live. Discover now