Chapter 11

349 11 0
                                    

Kathryn's P.O.V.

Naglalakad kami ngayon ni Daniel sa mall. Hinahanap namin yung tatlong babae. San na kayang lupalop napunta yung mga yun?

"Uy Daniel! Text mo nga yung mga yun." sabi ko sa kanya habang tumitingin-tingin sa paligid.

"Wala na akong load." sagot nya. Ano ba yan!

"Oh eto sakin. Text mo sila." sabi ko sabay binigay sa kanya yung cellphone ko. Huli na ng maalala ko na...

"NOOO!" sigaw ko pero huli na ang lahat. Nakita na nyaaaa!

"Kath! Ano to?" gulat nyang tanong habang nakatingin sa cellphone ko.

Yumuko ako dahil sa kahihiyan.

"Kath ha. May pagnanasa ka sakin 'no?" nakita na nya. Yung... yung... yung wallpaper ko T__T

Yung wallpaper ko kasi yung picture naming dalawa kanina sa Forever21.

Di ko nga alam kung bakit ko ginawang wallpaper yun. May sarili atang isip yung kamay ko kanina.

Alam mo yung feeling na gusto mong lapain ka na lang ng lupa? Eto yun eh. Feeling ko mas mapula pa sa strawberry yung mga pisngi ko.

"Pagnanasa ka dyan!" nauutal kong sabi.

Narinig ko naman syang tumawa ng mahina kaya pinalo ko yung braso nya.

"Oh eto na. Na-text ko na sila." sabi nya habang tumatawa parin sabay bigay sakin nung cellphone ko.

Agad ko naman yung kinuha at nagsimula ng maglakad.

"Kath.. Aminin mo na kasi. Crush mo na ako 'no?" natatawa nya parin sabi.

"Che! Hindi kaya." pinalo ko ulit yung braso nya pero this time mas malakas.

"Aray! Haha! Hindi daw. Indenial pa." napahawak sya sa braso nya pero tumatawa parin. Ay baliw lang?

"Hindi nga sabi eh!" sabi ko tapos tiningnan sya ng masama.

"Cute-cute mo talaga." sabi nya tapos pinisil yung right cheek ko na lalo naman kinapula ng mukha ko.

"Tumigil ka nga!" sabi ko tapos pinalo na naman sya sabay nag-pout ulit ako.

*tsup*

"Daniel Padilla bumalik ka ditoooo!!" sigaw ko bigla tapos tumakbo na naman sya.

Dejavu? Parang nangyari na to. Naghahabulan kami sa loob ng mall.

"DANIEEEEL!" sigaw ko ulit tapos hinabol sya.

Ang bilis talaga tumakbo ng lalakeng yun kahit kelan. May lahi atang bampira yun eh.

Hinahabol ko parin sya ng hinahabol.

Aba't nakuha pa nyang mag-hi dun sa mga babae! Yung mga babae naman tuwang-tuwa! Lagot ka sakin pag naabutan kita!

Binilisan ko pagtakbo ko pero sadyang mabilis talaga sya. Bigla-bigla nalang syang nawala sa paningin ko.

"Hmmp! Nasan na ba yung mokong na yun? Lagot talaga yun sakin pag naabutan ko!" hingal kong sabi kaya huminto muna ako saglit.

Tumingin ako sa paligid at sa wakas! Nahanap ko na sya. Nandun sya sa kabilang side at may kausap na tatlong babae. Pero sure ako na hindi sila Andria ang kausap nya.

Inayos ko yung paper bags na hawak ko tapos naglakad papunta sa pwesto nila nga may matalim na mga tingin.

Nang malapit na ako sa kanila, sumigaw ako.
"Daniel Padilla!!" sigaw ko tapos sabay-sabay silang napatingin sakin.

"Hoy ikaw lalake ka! Anong ginagawa mo?! Nalingat lang ako ng tingin may kausap ka nang iba ha! Nakooo!!" sabi ko tapos piningot ko ulit yung tenga nya pero mas malakas na ngayon.

"Araaaaay!" sigaw naman nya dahil sa sakit.

Naglakad kami palayo dun sa mga babae or let's say na hinila ko sya palayo.

"Nagtatanong lang naman yung babae kung saan yung department store!" sigaw nya tapos nakita kong mapula na yung tenga nya.

"Pwede naman syang magtanong sa guard! Jusko. Pwede din sa directory!" sabi ko.

"Wait...." sabi nya tapos huminto kami. Tiningnan ko sya tapos ngumiti sya ng konti.

"Are you jealous?" nakita ko syang nag-smirk.

Nanlaki naman mata ko sa sinabi nya. "Hindi ah!" feeling ko namula na naman ako pero sobra naaa.

Tinalikuran ko sya at naglakad palayo.

"Kaath!" sigaw nya tapos hinila nya yung isa kong kamay tapos bigla akong niyakap.

"Hey. Don't be jealous. Alam mo namang bukod sa nanay ko at kay Mama Mary, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko at pasasayahin habang buhay." bulong nya tapos pilit ko syang nilalayo.

"Hindi nga sabi ako nagseselos!" depensa ko. Tapos pinapalo-palo yung dibdib nya.

"Hindi?" sabi nya tapos kumalas sya sa yakap at tiningnan ako sa mata.

"H-hindi." mautal-utal kong sabi.

"Di nga?" tumawa sya tapos pinalo ko ulit yung dibdiba nya.

"Oo na! Oo na! Nagseselos na ako!" sabi ko tapos sinubsob yung mukha ko sa dibdib nya.

"Kath? Daniel?" napatigil ako dahil sa nagsalita.

Don't tell me narinig nila yun?

OH NOOOOOOO!

====

Oyea. Sorry kung maikli lang. Peace out! :) Kamusta kayooo?

-Maria

Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNielWhere stories live. Discover now