Sa mga ganitong pagkakataon, para siyang si Daddy kausap. Pabitin 'tapos ang sakit sa ulo ng susunod na tanong. Pero hindi siya nagtanong. Inabangan ko pa naman.

Nakatitig lang siya sa 'kin. Yung klase ng titig na parang nakakita ng natutulog na baby sa harapan niya.

Nagpalit na naman ng kanta sa speaker. Hindi ko na napansin ang oras, basta ang alam naming pareho, gabi na.

"And live our lives . . . stigmatized." Sinabayan na ni GT ang kanta.

He had that medyo deep, sexy voice na nagma-match sa height niya. Close to Kit Thompson's speaking voice kaya hindi na ako nagulat na kayang dalhin ng boses niya ang kanta ng The Calling. Pero nakakainis kasi kaya niyang dalhin. And I really couldn't believe that after ng successful annulment niya sa ex-wife niya, wala na siyang naging girlfriend pa. As if he were a destitute writer for starters. That I wouldn't buy. Most writers are broke, sige, I'll take note of that fact. Dama ko e. But not him. He earns a lot of money through writing.

Oh. I was talking about Gregory Troye pala, not Vincent Gregorio. Sige, I'll take the bummer image of him kahit na mas mukha siyang boss ko kapag magkasama kami.

"Can I request something, babe?"

Saglit ko na naman siyang sinulyapan bago ko ibalik ang atensiyon sa kinakain namin. "What?"

"Can I sleep with you tonight?"

That moment, I was torn between cursing him because of shock and cursing him because of confusion. Whatever way, still that idea fucks.

And guess who said yes? 


♥♥♥


Someone asked me before what was the difference between suspense and cliffhanger.

Suspense naman kasi is the state or condition of being suspended. Kumbaga, may time interruption to hold that certain feeling. May it be intentional or not. Compared with cliffhanger na intentional and calculated for the purpose of giving a suspenseful feeling about a story's certain point, or end per se. Cliffhangers work well with unanswered questions. And I think it's a fact that most people know how much they long for answers na alam nilang kaya naman nilang malaman ang sagot. That's why at the end of every chapter, some questions must be left unanswered para may reason ang readers to turn to the next page. Surprisingly, the cliffhanger of my day has not yet happened after GT left me an answered-yet-uncertain-about-it question.

Hindi naman sa komportable akong may lalaki sa bahay just because I said yes to GT. Maybe Justin made me comfortable with the idea. But GT insisted na it wasn't because of Justin kundi ang longing ko for love and intimacy. Ang bullshit pakinggan kaya hindi ko tinanggap ang explanation niya. Anyway, about his question na puwede ba siyang makitulog sa bahay ko, I fucking agreed and I didn't regret it. Feeling ko talaga, may lahing mangkukulam 'to si GT.

Siguro ang weird lang din na ang nai-imagine ko noong sinabi niya 'yon e magre-request siya ng cuddle time or what, and that I tried to erase sa utak ko kasi . . . di ba?

Ano'ng kagagahan naman 'yon, Eunice? Hello? Hindi pa rin kayo break ni Justin. Take note: may bukas pa.

Good news, hindi gano'ng klaseng lalaki si GT. Kasi si GT ang klase ng lalaking hindi ka mamanyakin sa sarili mong bahay kundi makikibahay lang din siya sa sobrang kapal ng mukha niya. At hindi ako nagkamali. Nasa kama na naman ako, nakapagbihis ng malaking Tribal T-shirt na minana ko pa kay Kuya Pat, at sobrang ikling boxers na lagi ko namang pantulog. And I always thought, I looked provocative in it gaya ng nakikita ko sa TV. Unfortunately, it was not. Mukha lang akong batang mamamalimos sa simbahan, kulang na lang ng lata. Not sexy enough to seduce guys. And GT laughed at me saying siya na raw ang maggigitara habang naka-shades siya 'tapos tatambay kami sa may Grotto para may pang-lunch kami next time. As if namang mapaninindigan niyang mukha siyang bulag. E kapag nag-shades siya at kumanta, mas mukha pa siyang rockstar na a-attend ng major concert. That was so fucking unfair. Mukha talaga akong chimimay kapag nagtabi kami, nakakainis.

And speaking of GT, nakapambahay rin siya. Loose washed shirt, comfy shorts, and slippers. At balak talaga niyang mag-sleepover kasi kumuha talaga siya sa bahay niya ng unan at kumot. Like . . . seriously, bruh?

He was in front of my desktop, typing—as in sobrang bilis. Sana ganiyan din kabilis ang writing pace ko. Ako naman, sa tablet ko nakatutok.

Yung "Can I sleep with you tonight?" pala niya kanina, tungkol pala talaga 'yon sa trabaho. Ngayon siguro bumawi kasi inabala ko siya buong araw. Wala namang issue. Mag-type siya magdamag, I don't give a shit.

Nag-check ako ng oras at mag-aalas-dose na. Feeling ko, sobrang haba ng araw ko ngayon kasama siya.

"Hoy, GT, stop na muna 'ko, ha?" sabi ko at nag-save na ng files. Ang usapan naman namin, polishing ng outline at magsusulat ng generic scenes na puwedeng i-insert kahit saan sa loob ng novel proper.

Alam ko namang mas madaling mag-execute si GT ng frames kaysa sa akin. He's a pro, so why worry?

Kanina pa siya tahimik. And I didn't bother to disturb him dahil noong huling beses ko siyang inistorbo sa pagsusulat, biglang nagdilim ang lahat—literally and figuratively. Top of the list ng Dos & Don'ts ko na ang huwag siyang abalahin kapag nagsusulat.

Hindi siya sumagot. I would take that as a yes.

Nag-check agad ako ng FB pagkahigang-pagkahiga ko sa kama.

Lalong nadagdagan ng isandaan ang friend request sa akin. At flooded na naman ang notification ko dahil kay GT.

kuya beans gf mo po?

kuya beeeeaaans lumalablayp ka naaaa

kyah Beans! mah hart fusu fusu ♥♥♥♥♥♥

china oil may jowa kuya beans

Yung ibang comments, puro tag and mention. Napataas lang ang magkabilang kilay ko nang may makita akong kakaibang comment saying:

"kilala ko yan xa! c U-Niz po xa!"

'Tapos may mga reply sa comment na 'yon.

Oo nga nuh

Sya ba un?

Ung basher?

Dba basher un ni Frank?

Nkita ko yan sa event ng DC nung January

Cla ba ni kuya beans?

Then biglang minention si GT sa reply section habang tinatanong kung girlfriend daw ba ako ng idol nila.

A, bahala kayo diyan.

Nag-check na lang ako ng iba pang notification. Binisita ko ang bago kong DP na kuha ni GT. Umabot na ng two hundred plus ang reactions at ang daming comment—na halos lahat, mga nakilala ko dahil sa Dream Catchers. Mga online friend na hindi ko pa naman nakikita ever.

Uy dalaga na si Niz.

Gondoooh ♥♥♥

Miss. Digits naman pls hahaha pretty mo Niz miss you

Pretty <3 <3

Kasya pa rin sayo yang gift ko bunso?

Natawa ako sa comment ni Kuya Pat kaya nag-reply agad ako ng "Masikip na nga, Kuya Pat. Baka namaaan hahaha!"

Nagbasa pa ako ng ibang comment hanggang sa makita ko yung comment ni Justin na "Nakadress ka ba love? Ganda mo jan. love u."

Ewan ko sa 'yo.

Biglang nag-pop up sa notification ang chat ni Justin. Mukhang online siya ngayon kahit hatinggabi na. Akala ko ba, ayaw nito ng late night talk? Bakit gising pa?


Justin San Miguel

love galit kpa? mukhang ok kna. kita q dp mo. punta q sa inyo ngaun ha. dala ko icecream. ILY

Just nowSeen 11:57 PMSent from Messenger


Ano raw?


♥♥♥

The F- BuddiesWhere stories live. Discover now