35. #WalangMagpapaiyakSaBabeKo

Start from the beginning
                                    

That day, sinabi ko sa sarili kong hindi ko kailangan ng kaibigan. Kasi kahit na kaibigan ang tingin ko sa kanila, useless din kung hindi naman kaibigan ang tingin nila sa akin. Friends are for the weak.

Nadala ko 'yon hanggang high school. Wala akong kinaibigan. May nag-try, pero later on, nagsawa din sila. Masyado raw kasi akong maarte saka maldita. And if I didn't want to be friends with them, hindi naman daw ako kawalan. Okay lang. Hindi rin naman sila kawalan. Paki ko.

Hanggang sa umabot ako sa rebellious period ko na lahat sila, for me, mga kontrabida sa buhay ko, kahit sina Daddy—kaya ako naglayas. Against sila sa lahat ng gusto ko, at ayoko na rin ng nape-pressure ako dahil buong gradeschool at high school days ko, pressured na ako sa kamalditahan ko.

But my rebellious period made me realize something. Doon lang ako nag-back to zero. Yung mataas na wall na binuo ko for myself, bumaba. Na ipinagkait ko pala sa sarili ko ang childhood na deserve ko. That's why I ended up na parang hinog sa pilit. Kunwaring mature pero hindi pa talaga mature. Na later ko lang nabawi ang mga taon na nasayang dahil sa ruined childhood ko. But still, I got trust issues sa friendships.

Nagkaroon lang ng exception kay Justin at sa Dream Catchers. Kahit paano, they changed something in me na sobrang laki, lalo na sa mindset ko. Though, hindi ko naman talaga ka-close nang sobra ang mga taga-office, but I talk to them paminsan-minsan and I tried to be nice as long as I could manage.

If there's too much solitude in your life 'tapos may isang nakawasak ng wall na binuo mo para sa sarili mo, it feels like ang taong 'yon na ang destined to be the one mo—na kaya mong ipagpalit ang halos lahat para lang sa kanya kasi deserve niya. Kasi hindi joke ang effort to break the wall and to tame the lioness in you. Na kahit ipinagtutulakan na siya palayo, nag-stay pa rin siya. Ganoon ang naramdaman ko kay Justin. Kaya nga sobrang boto sina Mommy sa kanya kasi ako ang pinakamahirap tibagin sa pamilya.

Pero sobrang hirap pala na kapag natibag na ang wall mo, hindi mo na alam ang gagawin kapag bigla ka na lang iiwang wasak. Nakikita ng lahat ang weakest point mo kasi you let your walls be destroyed because you trusted someone.

Iiwan kang sira 'tapos babalikan. Akala mo, aayusin ka, 'yon pala, binalikan ka lang para sirain ulit. Tine-testing lang pala kung gaano ka katanga.

Ang mas masakit lang siguro sa part ko, ang ending nito, ang sakit na nararamdaman ko, kasalanan ko pa. Kasi kahit na anong bago ko sa sarili ko, kapag inisip nilang ganito na ako, ganito na ako habambuhay.

And that was so sad.

Ang hirap humanap ng tamang tao para mag-stay sa darkest hours ko.

"Ang kalat mo kumain, babe." Pinunasan agad ni GT ang pisngi ko gamit ang tissue na hiningi niya sa cashier ng convenience store. Nilibre niya kasi ako ng Magnum. Sabi niya, huwag daw akong magkulong sa bahay para hindi ako nalulungkot.

"Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko," sabi ko habang pinipili ang side na kakagatin ko sa ice cream. "Ano'ng nangyari kay Fatima?"

"Babe."

"Nakaligo na 'ko. Sige na, GT, kuwento mo na."

Nagba-brunch siya sa convenience store kasi ginutom nga. Para lang malaman ko ang sagot sa nangyari kay Fatima, kung ano-ano na ang sinabi at inutos niya, makakuha lang ako ng sagot.

Na maligo raw ako.

Na huwag akong magsuot ng black.

Na huwag naman T-shirt ang suotin ko.

Pati ang regalo ni Kuya Pat-Pat na floral dress sa akin noong 16th birthday ko, isinuot ko pa, kasi sabi niya, magsuot ako ng dress na hindi black. Buti na lang at kasya pa rin. Kaso, feeling ko, parang tumaba ako kasi medyo sumikip sa bandang dibdib. Twelve years na itong dress, apat na beses ko pa lang nagagamit.

The F- BuddiesWhere stories live. Discover now