"Oo. Okay lang. Natanggap naman namin kasi nung pinsan ko 'yung para sa'yo. So it's quits."

"Oh I see."

"Anyway, I'm Lancie. What's your name?" Napaka friendly naman pala nito.

"Reginy. But you can call me Rej." Inilahad niya ang kamay niya at inabot ko ang sa akin sakaniya.

"Nice meeting you then." She said. "Swimming tayo?" Aya niya.

"Sure." Naka ngiti na sagot ko.

Hinila niya ang kamay ko at tumakbo kaming dalawa papuntang malalim na part. Huminto kami nang umabot kami sa may bandang dibdib namin. She smiled at me again at ganoon din ako sakaniya.

Mygosh! I didn't expect na makaka usap ko nang ganito ang mahal ng crush ko. Like hello? So unexpected!

"Saan ka nag aaral?" Tanong ko.

Ma interview nga para malaman ko kung may jowa na siya or what.

"Shin-Woo University. Senior high. Last year ko na."

"Oh? First year ko naman sa Senior High. Sa Rockwell University ako."

"That's an expensive school din. Ayaw mo sa SWU?"

"Mas malapit kasi 'yun sa amin e. Medyo malayo SWU sa bahay namin."

Gusto ko rin sanang mag aral don sa SWU. Dahil 'yung ibang mga kaibigan ko ay doon nag aaral. At ang sabi nila maganda ang school na 'yon. Ang dami pa nga raw gwapo e! I tried to talk to Kuya kaso ayaw niya dahil nga malayo. Sayang tuloy 'yung mga gwapo.

"Oh I see. Sayang naman."

"Oo nga e. Balita ko marami raw gwapo ron."

"Ay naku! Sinabi mo pa! Kaya nga inspired na inspired akong magpa bibo." She said at humagalpak naman ito ng tawa.

"Talaga? Wala ka pa bang boyfriend?"

"Ako? Wala! Mapapagalitan ako sa Dad ko. Tsaka na raw kapag college na ako. So baka next year may boyfriend na ako. Ikaw ba?"

"Naku. Wala! Baka patayin ako ng Kuya ko."

"Kuya? Bakit Kuya? Hindi parents mo papatay sa'yo?"

"Ah hindi. Kasi sila na ang patay e."

"Oh. I'm sorry to hear that."

"Okay lang." I said.

Ibinaling niya ang tingin niya sa kabilang banda at bigla itong tumawa.

"Evan! Kennedy! Come here guys!" Sigaw niya.

Iwinagayway pa niya ang kamay niya. Napa tingin ako sa mga tinatawag niya at mabilis silang tumakbo papaunta rito sa amin.

I stared at those two guys, at jusko! Ang gwapo naman nila! Kaibigan niya ba mga 'to?!

"Huy, Lancie. Ang gwapo nila." Bulong ko.

Feeling close na kung feeling close but hell! I don't care. Ang landi ko. Bata bata ko pa e!

"They're my friends and classmates at the same time. Get to know them."

"Bakit mo kami tinatawag? Hindi ka naman nalulunod." Tanong ng isang lalaki.

Tinitigan ko siya at shete. Ang inosente ng mukha niya. Para siyang anghel. Pero bakit ganon ang sinabi niya? Parang ewan.

"Hi Miss. Anong pangalan mo?" Tanong naman sa akin ng isang lalaki. Lumapit ito sa akin at mabilis niyang hinalikan ang pisngi ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya.

His Story To Tell (R-18)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant