30. So Real, So Good

Magsimula sa umpisa
                                    

May closet and drawers before that door. Nakapatong doon ang dalawang bote ng mineral water.

Napaisip ako sa mineral water. Naiinom ba 'yan?

What the fuck is that question? Malamang naiinom kasi tubig, hello? Pabobo ka, Eunice?

Pero, di ba? Bakit may tubig? Alam ba nilang pagod kami para alayan agad kami ng maiinom?

Siguro, kung magsi-stay kami rito nang one month, magpapasalamat ako sa drawers at sariling closet. Homey ang feeling, ang organized, parang kuwarto ni Kuya Pat.

Ah! Kaya siguro ang sinop ni Kuya sa kuwarto. Nasanay sa trabaho niya. I see, I see. Ang ignorante ko sa part na 'to.

Hindi naman naka-lock ang sumunod na pinto after ng pintong nauna. Ang weird ng feeling na ang daming pinto. Parang pagpasok mo, nasa labas ka pa rin.

Another madilim na lugar pagbukas ng pinto. Great! Nasa labyrinth ba kami?

Kinapa ko na naman ang gilid ng pintuan para buksan ang ilaw. Tatlo ang switch. Inuna ko ang itaas. Nagbukas ang ilaw sa harapan ng kinatatayuan ko. May table doon. At may tubig na naman. Walang pagkain. Wina-water therapy ba nila ang mga client nila? Dinette 'tong area na 'to ng suite. Pagbukas ko ng second switch, ilaw naman sa may bedroom area.

Nanlaki ang mga mata ko sa itsura ng bedroom. California King bed, white mattress and pillows. Red ang wallpapers na Japanese-themed at may mga pink sakura blossoms, at ang daming salamin. May salamin sa magkabilang gilid at may salamin sa kisame. Katabi n'on ang black nightstand sa kanan at mahogany side table sa kaliwa kung saan nakapatong ang telephone.

Pumasok pa ako sa loob para tingnan ang paligid.

May malaking wooden cabinet sa pagitan ng dining area at bed part. Magkakatabi ang pinto na pinanggalingan namin mula sa labas; dresser na may mga nakapatong na gamit na naka-plastic; yung 45-inch flat screen TV; at yung pinto ng banyo, malamang.

"Para siyang apartment," sabi ko kay GT na nakatayo lang at nakapamulsa sa gitna ng kuwarto.

"Okay, babe, ito ang gagawin natin."

Pagkasabi niya n'on, gumawa agad ako ng krus gamit ang mga daliri ko.

Late na akong nag-react na bakit krus? Ano si GT, engkanto? Pero mukhang wala naman siyang paki sa reaction ko.

"I want you to look at this place very carefully, observe, check what's in here, feel and indulge in the feeling. Then I want you to narrate everything."

Connected pa rin ba 'to sa project namin?

"And if you're not getting it, this is the place I want you to visualize for our novel's bed scene."

A, 'yon naman pala e.

Deal.


♥♥♥


I HAD never been to a motel, and I didn't expect na ganito pala ang loob. Maganda naman. Parang may lalabas na geisha any time 'tapos sasayawan kami. Nasa kama ako nakadapa at nakaharap sa may direksyon ng TV. Nasa harap ko ang tablet kong connected sa bluetooth keyboard, at gaya ng utos ni GT, "Narrate everything." Good news dahil may Wi-Fi ang motel na 'to. Clap. Clap.

Nanggaling ako kanina sa bathroom. Nakakainis kasi ang taas ng salamin, pero mababa naman for GT. Ang unfair, kainis!

Sa dresser, may nakapatong doong malaking plastic bag. Naroon nakalagay ang dalawang white towel, yang pinaka-kumot namin, dalawang red slippers, may maliit na white soap, may maliit ding sachet ng shampoo, then dalawang disposable toothbrush, saka maliit na sachet ng toothpaste. Hindi ko tuloy alam kung iuuwi ko ba o iiwan ko na lang kasi bayad naman namin 'yon. Wala, remembrance lang naman na nakapag-motel ako once in my life.

The F- BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon