"Oo nga pala ate, alam niyo po ba kung saan ang bahay ng mga Salvatore?" magalang kong saad sa kanya. Natigilan naman siya sa pagpupunas ng estante.

"Doon ba ang patungo mo? Ano ka? bagong kasambahay?" Nagtatakang saad niya na ikinatango ko.

"Eh, ki' bata-bata mo pa, ah?" sagot niya.

Napakamot naman ako ng ulo sa sinabi niya "Kailangan po para sa pamilya, eh"

"Nako, sumabay ka na sa asawa ko. Trabahador siya sa hacienda nila, malayo layo pa ang babyahehin mo.

Tila nahiya naman ako sa alok ng ginang pero tinggap kona rin dahil wala akong alam sa lungsod ng manila.

"Tay malapit na po ba tayo?"inip kong sabi habang kagat labing hawak-hawak ang bag ko.

Sino bang hindi maiinip kung babyahe kayo nang napakahaba tapos ang sasakayan ay isang habal-habal.

"Oo, malapit na tayo san ka ba magtatrabaho? Sa hacienda o sa mansyon?" malakas niyang sigaw. Maingay din kasi ang motor kaya kailangang sumigaw.

"Hindi ko po alam kasi ang sabi lang po sa'kin na 'pag nandoon na daw po ko sila na daw po ang bahala sa'kin." Malakas ko ding sagot habang mariing hinahawakan lalo ang bag kong dumudulas.

"Sa mansyon na lang kita ibababa, ah!"

"Opo!"

Habang nasa daan ay may napansin ako na isang malawak na lupain at isang napakalaking mansyon. Meron din itong matataas na bakod na nakakagaw ng pansin lalo na't sa kulay ng mga 'to.

"Wow ang ganda naman, kanino pong lote yon?" Sigaw ko habang nakatitig pa sa rin sa mansyon.

"Sa magiging amo mo yan, mayaman sila kaya wag ka nang mag taka kung bakit ganyan kalaki ang lupain na nasasakupan nila."

Hindi na ako nakaimik dahil sa pagkamangha. Sino bang hindi mamamangha dahil parang palasyo ang style ng bahay at may magarang mga bakod din.

'Paniguradong sobrang ganda ng loob nito' Ani ko sa sarili ko. Hindi ko napansing nasa tapat na kami ng malaking gate ng mansyon.

"Salamat po manong!"

Habang paalis siya ay kinawayan ko naman ito at nginitan ng malaki para magpasalamat. Muli kong sinipan ngayon ang gate sa harapan ko at kulang na lang lumuwa ang mga mata ko sa taas.

'Grabe yung yaman ng mga ito. Wala atang makakalagpas na magnanakaw sa sobrang taas ng gate nila. Paano pa kaya sa mismong loob, baka hari't reyna ang magiging amo ko.'

"Magandang tanghali sayo, hija." Natigil ako sa pagkamangha nang may lumabas na isang matandang babae sa gate.

"Hello po, ako po pala yung magiging bagong kasambahay kung papalarin." nakangiti kong sabi rito at nagmano bilang paggalang.

"Napakagalang atskab hindi mo na kailangang mag apply dahil nagmamadali na rin sila Ma'am at may flight sila. Halika, pasok ka na at mag gagabi na, kanina ka pa nila hinahantay." Nakangiti niyang sabi at tinulungan ako sa pag dala ng mga bagahe ko.

"K-kanina pa po? Pasensya na po, nakatulog ako sa byahe po tapos hindi ko po alam kung saan ako sasakay kaya nagpahinga ako saglit," nahihiya kong saad.

"Ayos lang 'yon, sakto lang din ang dating mo dahil andito na si Sir." natatawa niyang saad. "Halika na dalhin mo na yang mga gamit ng makapag pahinga ka na rin,"

"Salamat po?"

"Tawagin mo na lang akong Nanay Yolly," ngiti niyang sagot na ikinangiti ko din.

Sinundan ko siyang pumasok sa loob at nagulat ako dahil sa ganda at lawak ng daan. Habang nag lalakad, merong isang puting sasakyan ang nag aantay sa'min ewan ko pero para siyang kakaiba at may sakayan din sa likod at ang haba ng leeg ng manibela nito.

Mr Badboy Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon