26. Brainstorming

Start from the beginning
                                    

Nabo-bore ako. Kinuha ko na lang ang phone ko na kanina ko pang paggising hindi ginagalaw. Nag-aabang ako ng text kay Justin kaso wala na naman. At ang weird ng feeling na hindi ako naiinis. Nakakapanibago, ha.

Nagbukas na lang ako ng mobile data at nag-check ng FB. Hindi pa rin tumitigil ang notification sa post ni GT na naka-tag ako. At ang mas nakakaloka, ang dami ko nang friend requests!

Pag-check ko, puro si GT ang mutual friend, maliban sa ibang friend din ang ibang authors na friend at kakilala ko.

Oh my god. Sorry, hindi ako nag-a-accept ng mga stalker.

Saglit kong sinulyapan si GT. Ubos na pala ang kinakain niya. I tried to check Gregory Troye's FB page for update, and I saw na posted na pala ang upcoming project niya pero hindi pa naman detalyado. Si Admin Desha ang nag-post. New project ahead and collaboration with Althea Doe ang nakalagay. Ang daming reactions at comments. Hundreds na rin ang shares. All of them seemed to look forward to that project. They even asked who Althea Doe was. Well, kung U-Niz ang nakalagay rito, ewan ko na lang kung magtanong pa sila. Ang kalat pa naman ng pangalan ko online bilang tirador ng mga pangit na kuwento.

Sanay naman ako sa pressure sa editorial process, but not in writing. Kasi sa lagay naming dalawa ni GT, we wouldn't hire editors. We would do the editing ourselves.

I knew he was paying for social media managers and admins kaya hayahay siya sa buhay niya. It was unexpected lang talaga na I would be working with Gregory Troye. Dream come true, I thought, hanggang sa malaman kong sakit pala sa bangs ang tao behind GT.

Ang weird talaga na ang tahimik ni GT, hindi ako sanay.

"Hoy, GT," tawag ko. "May problema ka?"

Hindi ako sure kung narinig niya ako or what. Wala namang nakapasak sa tainga niya para hindi ako marinig kahit katabi lang niya ako.

"GT, heard me?" Kinalabit ko na siya at doon lang siya lumingon.

"Oh. Babe. What?"

"May problema ka ba?"

"A, uhm . . ." Hindi siya agad nakasagot. Parang naghanap pa ng sasabihin sa akin pagbalik ng atensiyon sa kalsada.

"Meron?" tanong ko.

"Sorry, babe, nagpa-polish kasi ako ng outline sa utak ko. I can't type that right now"—sinulyapan niya ako—"driving, you know? I avoid distraction. Baka kasi mawala."

A, kaya pala nananahimik. Kawawa naman 'tong nilalang na 'to. Sige na nga, i-assist ko na.

"I'll type it for you," alok ko na lang. Kinuha ko sa bag ang tablet ko para matulungan siya.

Naintindihan ko naman siya. Kapag naman kasi umaandar ang imagination at pinupulido ang idea, nagsi-space out din talaga ako. Some of us tend to stay inside our minds to finish the whole scenario, at dama ko 'yan nang bongga.

"I'll buy your last night's idea," deklara ko na agad. "Game. Strong, independent woman then handsome bummer. How will we start this one? Setting."

"Contemporary romance ang goal ko for the genre, not really erotic. But since sex is very crucial, we'll see what will happen kapag natapos na ang first draft. I want the setting to start sa isang bar."

"Kaya pupunta tayo roon," sabi ko habang nagta-type ng details.

"Independent women—especially, city girls—have this manner na ginagawang outlet ang pag-inom sa bar. To chill . . . recreational actions. Pressured sa work, so pampabawas ng toxicity sa environment."

"That's sad, ha?" komento ko habang iniisa-isa ang keywords ng sinabi niya. "Naghahanap ka ng peace sa alcohol." Tiningnan ko siya. "Then what? She will meet the bummer."

The F- BuddiesWhere stories live. Discover now