KEN'S POV
Blink blink
"Ken ?"
"Ken"
Unti unti na ako nagising. Andito na pala ako sa kwarto
"tara sa labas, kumain ka na" –Papa
"sige susunod na lang ako dun" lumabas na si Papa
Kailangan ko munang maghugas ng katawan. Saktong pagkabukas ng pintuan ng C.R lumabas si Louis. Tinignan niya lang ako tyaka niya ako nilagpasan. Naiintindihan ko naman siya kung bakit siya galit sa akin. Hinihintay ko nga suntok niya kanina eh. Masyado kasi siyang bayolente pero kanina walang dumapong kamay sa akin. Sana naman intindihin niya rin ako
Bahala na
Minadali ko na ang pagligo. Tyaka ako lumabas para kumain. Mag isa ko na lang kumakain ng breakfast, kumain na daw sila eh. Dito sa rooftop sila kumain kaya dito na rin ako kakain
Wala man lang makausap
"Ken" napalingon ako
Napangiti ako nung makita ko si Monica. Seryoso ata siya
Umupo siya sa harapan ko
"ahm...ano...kumain ka na ba ? kuhanan kita sa baba ?" pagpresenta ko
Taena, natetense ako. Nawala na lang pagkatense ko nung hinawakan niya kamay ko. Tyaka pinabalik niya ako sa pagkakaupo
"kumain ka lang, tapos na akong kumain eh, patapusin muna kitang kumain" sabi niya
Nagsmile na lang ako at nagpacute habang kumakain. Nung tapos na akong kumain niyaya niya ako sa man made waterfalls, pero yung tubig na bumabagsak mainit . Kaya parang man made hot spring na rin haha
"maliligo ba tayo ?" pabiro kong sabi
Hinampas niya ko sa braso
"bastos ka talaga Ken"
"Pero..... sumeryoso na siya
"ano yun Monica ?" tanong ko
Mukha kasi siyang kinakabahan
"ang gusto ko magsabi ka ng totoo sa akin"
"why so serious ?" biro ko
BINABASA MO ANG
United Love
HumorIn the name of Love, there is a law that says, 'You shall only love one for one true love can only be found in one’s heart' In the game of Love, there is a rule that says, 'Whoever falls in love first is a loser' But there is a fact about love that...