KABANATA XIV

21 1 0
                                    

MONICA'S POV

Ano kaya yung sinabi ni Ken kagabi ?

Sana sinabi mo na lang na hindi mo ko kayang mahalin pabalik

Hindi ko maintindihan

Anong dapat na sinabi ko na lang na hindi ko siya kayang mahalin pabalik ?

Eh eto ngang mahal ko na siya ? hindi lang mahal, adik na ako sa kanya, gusto ko na nga siyang rapin, joke

Baka naman binibiro lang ako nun ! baka nagpapamiss.....

Oo nga baka nga

Walang hiya yun, sinira niya ang gabi ko dahil sa pagbibiro niya

Sasabunutan ko siya kapag nakita ko

Heto ako ngayon nagluluto ng tanghalian, hindi pa gising sina kuya

Uminom kasi sila kasama yung mga kuya ni Ken

 Haaist, mga lalaki talaga

Lalalala

Lalalala

DingDong

Ahy may tao

Nag punas ako ng kamay na puno ng sebo 

"SANDALI LANG" sigaw ko

Pagkatapos kung punasan yung kamay ko  lumabas ako ng bahay at pumunta sa gate

Hinanap ko yung kung sino man yung nagdoorbell, wala naman

Pero may envelope na nakaipit sa mailbox

FROM: ?

TO: MIGZ ALCANTARA

Kay kuya

Binuksan ko ito tutal hindi pa siya gising....bakit ba ?

AKO NA ANG NAKIKIUSAP SAYO BALIKAN MO NA ANG ANAK KO.......MAHAL NA MAHAL KA NIYA, GAGAWIN KO LAHAT, MAHALIN MO LANG SIYA, NAGMAMAKAAWA AKO

Huh ? Caps Lock pa talaga huh

Baka tatay o nanay  ito ng isa sa mga babae ni kuya

Ngayon lang ako nakabasa ng ganito

Masyado pa lang private kaya binalik ko sa dating ayos yung envelope at pumunta sa kwarto ni kuya Migz, na kung saan saan na napunta yung mga katawan niya sa kama

Nilagay ko ito sa bibig niya para mapansin niya agad pag nagising siya

Ako na ang bastos

Bumalik ako sa pagluluto

Lalalalalala

Lalalalalala

"aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhh " nakakagulat naman sigaw ni kuya Migz

Ahy baka nabasa niya na yung letter

Nakarinig ako ng yapak

At biglang bumulagta sa akin si kuya Migz na kakagising lang

"Magbihis ka nga kuya, nakakadiri ka" sabi ko

Nakaboxer lang kasi. Kahit kapatid nila ako babae parin naman ako noh

Sinunog niya yung envelope

"Huy ! bakit mo sinunog ?"

"wala kasing kwenta, haaaist, sobra na talaga tong kapogihan ko" ang feeling talaga

Hindi ko na lang siya kinausap

Buti na lang hindi pa gising si kuya Veron kung hindi siguro nasa North Pole na ako

United LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon