KABANATA XXV

20 1 0
                                    

KEN'S POV

"Sobra na talaga, hindi ba niya alam na nagseselos na ako ? manhid ba siya para hindi yun mapansin" niyaya ko sila Nicolo at Nathan dito sa bahay

Gusto ko sana sa bar para uminom kaya lang minamata kasi ako ng mga kuya ko ngayon, baka pagalitan pa ako kaya dito na lang sa bahay. Damayan lang nila ako buong gabi okay na yun.

"Mga tol, overnight kayo dito please ?" kailangan ko sila ngayon para naman mabawasan tong kalungkutan ko

Hindi ako umuwi sa bahay nina Monica dahil ayokong makita si Gino. Nabwibwisit lang ako

Paksh8 siya, gago, tarantado, lahat na ng mura gusto kong sabihin sa kanya.

Nagtinginan silang dalawa

"bawal tol" sabay nilang sabi

Tinignan ko sila ng masama

"grabe kayo aa, sige na nga umalis na kayo, she* kayo" sabi ko

Pero mukhang naawa naman sila sa akin kaya pumayag na rin sila na dito mag overnight. Yes

Nagtext si Monica

Hoy Ken, na saan ka ?

Nireplayan ko siya na dito muna ako sa bahay

At nasaktan talaga ako nung sinabi niyang 'k' lang

Inaasahan kong pipilitin niya akong matulog sa bahay nila pero hindi. Ang sakit umasa. Shet

Hindi niya na ba talaga ako mahal ?

Pinagpalit na ba niya ako sa gagong Ginong yun ?

Ano bang meron yun na wala ako ? Eh ang sungit sungit naman ng lalaking yun

Kung kapogihan naman ang pag uusapan, angat naman ako. Ano ba talagang nagustuhan niya dun ?

"tol ? alam mo, tama nga sabi ni Monica OA ka" –Nicolo

"bakit naman ?"

"alam mo na ngang mahal ka nung babae tapos ganyan ka pa, parang hindi ka nagtitiwala sa kanya eh" –Nathan

"tyaka ilagay mo naman yung sitwasyon mo kay Monica, paano kung ikaw yung makita niyang may kasamang ibang babae ? magseselos din yun natural, kaya lang hindi na yun lalalim kasi may tiwala siya sayo, hindi niya iisipin yung iniisip mo ngayon kasi nga may TIWALA SIYA SAYO" –Nicolo

"wow" binatukan ko sila isa isa

"kayo ba yan mga brad ?" binatukan nila akong dalawa

"seryosong usapan kasi. Problema kasi sayo, iniisip mo na agad yung mga negatives" –Nathan

"Nag papaapekto ka kasi, kung nilambing mo na lang yung babae para mas mapahamal sayo at siguraduhing hindi kanya ipagpapalit edi okay pa tsk tsk" –Nicolo

Nakakagago lang ang mga to

Bakit ganyan sila makapagsalita, masyadong pormal, hindi ako sanay, parang ang dating nila tuloy sa akin, imbes na matuto ako sa mga words of wisdom nila, nakakairita ang dating sa akin.

Natatawa tuloy ako

Pero sa bagay tama rin ang mga sinasabi nila

Infairness sa mga to ah

"parang hindi ka naman nakikinig eh, nakakawalang gana" –Nicolo

"huwag na kung ganyan ka Ken, hindi ka talaga marunong makinig" –Nathan

United LoveWhere stories live. Discover now