23. Missing Peace

Start from the beginning
                                    

"Sure ka?"

"Yeah."

"Bawi ako next time, ha?"

"Kahit huwag na."

Minsan, naiisip ko, kaya siguro gusto palagi ni Justin sa mga "friend" niya kasi ang boring kong kasama. Ganito lang kami palagi. Ang dry minsan ng topic, ang cold ko pa sumagot. Madalas, ang sungit ko pang magsalita. 'Tapos uwing-uwi pa ako kapag nasa labas kami.

Alam na niya 'to. Kapag ganito ang nangyayari, bibili na 'yan ng isang box ng donut at mag-aaya na siyang umuwi. Alas-otso pasado na kami nakabalik sa bahay ko. Hindi pala niya dala ang kotse niya pagpunta sa Terraces kaya nag-jeep na lang kami na may ruta ng pa-Philcoa para maibababa kami sa may Gate 2 ng subdivision namin.

Ilang buwan na lang at Pasko na naman. Malapit na rin ang birthday ko. Next week na—sa 15. Sakto, may book fair noon. Malamang na kakailanganin na naman naming mag-asikaso sa inventory ng books.

"Good night, love," sabi ni Justin at mabilis akong hinalikan sa labi bago yakapin. "Matulog ka nang maaga, ha? Uuwi na 'ko. Daanan ko lang sina Mama para ibigay 'tong donuts. Love you."

That's how we spent our day, and that's how we ended our night.

Pagpasok ko sa loob ng bahay, hindi ko alam kung masyado lang ba akong bangag nitong umaga bago kami umalis ni GT kasi napansin ko ang kitchen counter kong malinis at nakaligpit.

I'm sure hindi si Mommy o kaya si Daddy ang nag-ayos niyan. Mas lalo nang hindi si Justin dahil pinag-awayan na namin 'yan dati noong niligpit niya at hindi ko na alam kung saan ko hahanapin ang cutter ko.

Nakalagay sa box ang mga craft paper kasama ng mga ream ng copy paper. Nakaayos sa cupboard ang mga gunting, cutter, pens, markers, saka pencils na ginawan ng improvised dividers made of board. Para tuloy nagkaroon ng mechanic box itong drawer ko. May nabasa pa akong note sa cutting mat.

If there's something missing here,

You can message me any time.

We'll look for it. —GT

Talaga ba?

Napangiti na lang ako at dumeretso ng ligo saka nagbihis ng mas komportableng T-shirt para makatulog na.

Pagkahiga ko sa kama, nag-check pa ulit ako ng notification sa FB. Hindi pa rin tumitigil ang notif sa recent post ni GT. Ang dami talaga niyang fans.

May latest post pa siya, saying:

Don't buy that "Mamahalin mo pa rin ba ako kahit ganito ako?"

If that person really loves you,

gagawin niya ang lahat para maging deserving siya para sa 'yo.

Huwag mong ibababa ang self-worth mo dahil lang hindi niya kayang itaas ang self-worth niya."

I sighed and turned off my mobile data. At ang nakakainis, kahit simpleng post ni GT, mukhang balak pa yata akong puyatin.

Another sign na naman at kinuha ko ulit ang phone ko. Hindi talaga ako matahimik, nakakainis. Alas-nuwebe pasado pa lang naman. Pagbukas na pagbukas ko ng data, nag-chat agad ako kay GT. Hindi siya online. Active 33 minutes ago.

.

Eu Niz

Hoy, GT. Gising ka pa?

Just now


Delivered ang message. Ilang saglit pa, na-seen niya na rin.

The F- BuddiesWhere stories live. Discover now