"Sorry sa abala..." sabi nya.

"Okay lang...ako naman yung nag offer." Sabi ko. Sa totoo lang kumakalma yung buong sistema ko kapag nasa malapit sya at naaamoy ko yung perfume nya.

"Bakit ayaw mo sakin?" Tanong nya at doon ako nabigla. Hindi sa ayaw ko sa kanya kundi umiiwas ako baka magulat na lang ako sa sarili ko na lunod na lunod na ko sa pagkagusto sa kanya.

"Hindi noh...hindi naman talaga ako palakibong tao...bakit mo naman nasabi yan?" Tanong ko pero nanlalamig na yung mga kamay ko.

"Wala...sobra iwas mo sakin...sabi nga nina Shann may gusto ka daw sakin kaya todo iwas ka eh..." kwento nya doon ako nagulat at napasuntok ako sa busina ng sasakyan ko!

"Mga gago talaga!" Hindi ko maiwasang mainis! Mga hindi man lang sinalba yung dignidad ko ng mga hayop na yun! Bakit ko ba sila naging mga kaibigan?

Nakita ko na napaigtad din sya sa paghiyaw ko pero wala akong pake dahil nahihiya ako! Sobrang nakakahiya!

"O eh anong sabi mo nung sinabi nina Shann yun? Nag assume ka noh?" Wala na pakapalan na lang ng mukha 'to!

"What? Feelingera ba tingin mo sakin? Hindi ako naniwala noon noh...pero sa inaasal mo ngayon....napapaisip na ko." Nakangising sabi nya kaya naningkit yung mga mata ko sa kanya.

Kaya ang ginawa ko inalis ko yung seatbelt ko at dinakwang ko sya at sinadya ko na ilapit yung labi ko sa labi nya ng isang pulgada. Napalunok sya at hindi nya mawari kung sa mga mata ko ba o sa labi ko sya titingin.

Kaya ang ginawa ko ay akmang hahalikan ko sya sa labi pero nagpigil ako at imbis ay nilihis ko sa bandang tenga nya. She smell so sweet.

"Wag gawing talent yang pagiging feelingera." Natatawang sabi ko at muling bumalik sa kinauupuan ko at nagseatbelt. Saktong umandar na yung traffic.

"Jerk!" Bulyaw nya sakin at hinataw nya ko sa braso.

"Goodnight Miss Assuming." natatawang sabi ko at sukat pabalibag nyang sinara yung pintuan ng kotse ko. Kita mo 'to! Hinatid na pero maninira pa. Nagbubukas sya ng gate nila ng bigla akong nagbusina kaya napaigtad sya sa gulat kaya napatawa ako ng ang sama ng tingin nya sa gawi ko.

Kinabukasan ay may pa emergency meeting si Yvie at Shann.

"Anong kurso yung kukunin natin?" Tanong ni Yvie.

Napaikot sa ere yung mga mata ko. It's fucking 6:30am! Inagahan namin yung pagpasok sa school ng dahil lang dito? Sana nagtext na lang sila sakin regarding this.

"Engineering Management." I said.

"Okay!/Deal!/Settled!" See ang dali nilang kausap. Si Roian napatawa sa kanila dahil talagang sabay sabay pa sila.

Mayamaya ay dumating si Gale at parang pinipilit nyang dumilat sa sobrang pagkaantok. Natatawa ako dahil alam kong magwawala ito.

"Jusko! Simulan nyo na ang meeting...talagang namumuti na yung dugo ko sa kakulangan ng tulog!" Tumabi sya sakin at walang sabi sabing napasandal sa balikat ko yung ulo nya at hikab sya ng hikab.

"Tapos na yung meeting..." sabi ni Carol kaya napadiretso ng upo si Gale.

"Tang ina paano? Bakit?....wag nyong sabihin na 5am nandito na kayo?" Naguguluhang tanong nya pero nasesense ko nagsisimula na syang magalit dahil hindi sya sinama. Tinaasan ko ng kilay sina Shann at Yvie. Bahala silang magpaliwanag.

"Cyrll will explain it to you...cafeteria lang kami..." sabi ni Yvie at nagmamadali silang lahat na umalis.

Tang ina ako pa din?

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now