Payong

20.1K 33 0
                                    

"Lisa! Ano ba gumising ka na nga. Anong oras na oh. Puyat ka kasi ng puyat. Puro ka cellphone. Ayan hirap na hirap kang gumising. Bilisan mo malilate ka na." Saad ng ina ni Lisa.

Hirap talagang gumising si Lisa sa umaga. Lalo na at gabi-gabi silang magkausap ni Carlo sa cellphone.

Nakasimangot na bumangon si Lisa sa kanyang kama.

"Gising na" sagot ni Lisa sa ina.

Sa buong oras na pagaasikasu ni Lisa sa sarili para pumasok ay binubungangaan sya ng kanyang ina sapagkat mabagal ang kilos nya.

"Good Morning ma'am. Sorry I'm late." Bati ni Lisa sa kanyang guro. Ganto ang laging senaryo sapagkat lagi naman syang late.

Pagkaupo ni Lisa sa pagitan nina Jasmin at Danielle ay agad nagkwentuhan ang tatlo

"May transfer sa kabilang section. Ang gwapo be." Pagbubukas ni Jasmin sa kanilang paksa.

"Kaya nga e. Lagi ka kasing late e. Hindi ka tuloy nakakapagflag ceremony. Hindi mo tuloy sya nakita." Dagdag ni Danielle.

"Hanapin natin mamaya. Hihihi."

Buong klase ay nagkwentuhan lang ang tatlo tungkol sa nasabing lalaki.

Uwian~

"Uy una na ko ah." Nagmamadaling paalam ni Danielle sa kanila.

"Pupunta ka na naman sa jowa mo nu?" Tanong ni Lisa.

"Syempre alam nyo na. Hahahahaha" sagot naman ni Danielle.

Napailing na lang ang dalawa habang tinatanaw ang kaibigang papalayo.

"Lisa una na ko ah. Ang dami pang inuutos sakin ni mama e."Pag papaalam ni Jasmin sa kanya.

"Sige lang. Kaya ko naman umuwi magisa nu." Natatawang saad ni Lisa

Si Lisa ang nakatuka sa araw na iyon para maglinis ng kanilang classroom. Kaya sya ang naiwan mag-isa.

Pagtapos ni Lisa isara ang pinto ng kanilang classroom ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Agad agad hinanap ni Lisa ang kanyang payong ngunit wala syang dala.

Biglang bumukas ang pinto ng katabi nilang classroom at iniluwa nito ang isang gwapong lalaki.

Matangkad, maputi, may bangs, matangos ang ilong, mapanga at mapungay ang mata. Pawisan ito sapagkat katatapos lang nitong maglinis ng classroom.

"H-hi" nahihiyang bati ni Lisa ng mahuli syang nakatitig sa lalaki.

Napangiti ang lalaki ang sapagkat hindi na makatingin si Lisa sa kanya ng deretso.

"Hello. I'm Nico. Ikaw?" Naglahad ng kamay si Nico sa harap ni Lisa.

"Lisa" Nakangiting saad ni Lisa at tinanggap ang kamay ni Lisa. "Ikaw ba yung transfer?"

"Ah oo ang saya nga e. First day ko dito pinaglinis ako hahahahaha."

"Bakit naman?"

"Ang swerte ko kasi e. Pangalan ko yung nabunot para maglinis."

Sabay na nagtawanan ang dalawa.

"Oh mejo mahina na ang ulan. Tara?" Yaya ni Nico kay Lisa. Sabay hakbang para lumabas sa silong ng kanilang classroom.

Napansin ni Nico na hindi gumalaw si Lisa.

"Wala kang payong nu?" Hula ni Nico.

"Oo e. Pagumuwi akong basa mayayari ako kay mama"

"Ito oh. Share na lang tayo sa payong ko." Offer ni Nico sa kanya.

Nahihiya pa si Lisa. Kaya naman hinigit na sya ni Nico upang magsalo sila sa payong nito.

"Pasensya ka na ah. Baka naiilang ka. Mabilis kasi ako magkasakit kahit kunting ulan. Hindi ko din naman kayang iwan ka lalo na at papadilim na." Pagpapaliwanag ni Nico.

"Ok lang nu." Sagot ni Lisa at napangiti.

Masayang nagkukwentuhan ang dalawa habang naglalakad palabas ng kanilang school at nakasilong sa iisang payong.

Kinagabihan nagbukas ng facebook si Lisa katulad ng nakasanayan.

Nico Rosales sent you a friend request

Napangiti si Lisa at inaccept si Nico.

Hindi katulad ng mga nakaraang gabi na si Carlo ang kausap nya. Ngayon naman ay si Nico ang dahilan kung bakit sya nagpupuyat.

(灬♥ω♥灬)


Lisa's SEXcapade (COMPLETED) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz