Starting In Her Mind

Magsimula sa umpisa
                                    

They really meant to be. Yvie is full of life while Bianca is full of love, she never hate someone kaya sobrang mahal sya ng lahat.

Kinabukasan, imbis na nasa library ako ng mga oras na 'to ay nasa community service kami ng kaklase kong hindi ko alam ang pangalan. Pinagtatanim kami ng TLE teacher sa harap ng classroom nya.

"Nakakainis ang init..." mahinang daing nya at naupo sa may plantbox. Sobrang pula ng mukha nya.

"Kasalanan mo ito tapos magrereklamo ka...." bulong ko habang nagtatanim ng mga halaman. Mahihindik talaga yung pamilya ko kapag nakita nila kong ganito ang pinaggagawa ko. Inirapan lang nya ko bago uminom ng tubig. Napailing ako ng napatingin ako sa labi nyang nakadikit sa bote ng tubig nya. Napalunok ako at muling napatingin sa mga halaman na tinatanim ko. Mas masamang makalapit sa kanya.

"What is your name again?" Tanong nya sakin habang sinasarado yung bote ng tubig.

"Yvie Arcelo." Saad ko at napatango tango lang sya pero hindi nakaligtas sa mga mata ko yung nakakalokong ngisi nya.

Napatingin ako sa may gate dahil parang may pinapagalitan yung guard at napatayo ako dahil si Gale yun. Bakit hindi sya nakakotse at bakit late sya? Kaya lumapit ako sa kanya, nagulat pa sya nung pagharap nya.

Napahawak ako sa braso nya at lumakas yung kabog ng dibdib ko ng makita kong may sugat sya sa pulsuhan nya.

"A-ano 'to? Are you trying to kill yourself?" At hinila ko sya sa may bench. Ang lalalim at ang dami.

"I'm fine...." she said in low voice at parang wala sa sarili.

"Your fine? Really?.....I know your not!" Mahinang singhal ko. But she just smiled at me....a faint smile.

"If I lost my track can you drag me back from the right track  where you walking? I want to spend my life having you with by my side....." she said and pain passes through her eyes.
Napalunok ako. At tumango sa kanya at parang doon sya nabuhayan at sinabing pupuntahan na nya sina Shann.

Nababahala ako sa kaibigan kong yun, madalang kase syang mag open up sa amin ng problema nya.

Nang pagpasok namin sa Math subject namin, mga ilang minuto ay may humahangos na estudyante papasok ng room namin at parang galit na galit.

"Sinong sumira ng plot namin sa TLE?" Sigaw nya sa galit at napataas talaga yung kilay ko tapang nito! Wala pa naman si Ma'am at parang nag extend pa sya sa kabilang section.

"Yvie Arcelo." Sabi nung bagong kaklase namin at nakaturo sa akin kaya napatawa ako.

"Tang ina!" Parang nataranta si Yvie.

Nagulat kami ng may nagliliparan ng gamit doon sa sumugod sa amin. Si Gale nagwawala na sa galit! At hindi sya maawat nina Carol.

"Hindi ka lalayas!? Tang ina nyo babalian ko kayo ng mga buto!" Napatulala ako sa pagwawala ni Gale at talagang susugurin nya yung grupo ng mga estudyante sa may pintuan ng classroom namin at ang dami lang umaawat sa kanya.

"Tang ina kapag may nasira talagang kami agad?" Talagang namumula sa galit si Gale. Ewan kung matatawa ba ako o ano dahil si Carol nakikibato na din ng gamit habang nasa likod ni Gale. Sino bang hindi magdududa sa amin dahil laging pasimuno yung section na 'to sa gulo.

After ng sigalot na yun ay pinaupo namin sa gitna yung kaklase namin na nagturo sa pangalan ni Yvie. Sabi na eh may gagawin syang kalokohan.

Hinihilot ni Yvie yung sentido nya habang nakaharap sa bago naming kaklase.

"Ganito kase yun Roian...." panimula ni Yvie. Owkay! Roian pala pangalan nya! Nakita ko na napapakagat labi sya sa kahihiyan. Nilabanan kong mapangiti kase ang cute ng gesture nyang yun. Kainis! Itanggi ko man pero nagsisimula na syang mag invade sa isip ko....

Inside Her Mind (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon