20. #DatingTheIcePrincess lol

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ipu-pull out mo na ba 'ko?" dismayado ko pang tanong.

Kinuha ko na lang ang baso ko ng iced tea at ang kutsarang ginamit ko. Sumandok ako ng yelo roon pos nginata ko agad. Lalo ko pang iningayan ang pagkagat para naririnig ko ang lutong ng yelo.

"Why are you eating ice, babe," tanong ni Vincent. Sinulyapan ko lang siyang saglit at sumandok na naman ako ng isa pa. "Hindi ka ba nangingilo?"

Paki ba niya e sa gusto ko talagang naririnig ang tunog ng yelo kapag kinakagat. Bakit ba?

"Never kong nakitang nag-post ng photo namin si Justin sa FB niya," kuwento ko. Lalo lang tuloy akong nalungkot. "Parang nahihiya siya sa 'kin. Siguro kasi, hindi ako maganda."

"Maganda ka naman a. Occasionally nga lang, pero maganda ka pa rin."

Pinaikutan ko siya ng mata. "Hmmp! Huwag mo akong paasahin."

"Insecure ka, babe. Umaangat sa kuwento mo."

"Hindi kaya, hmmp!" Pinaglaruan ko na lang ang mga natitirang yelo sa cup ng iced tea ko.

"Insecure ka na, kulang ka pa sa tiwala, in denial ka pa. Sabi ko, love story. You told me your insecurities. Hindi ba kayo nag-uusap ng boyfriend mo?"

"Nagcha-chat siya o kaya text."

"Then? Gaano siya kadalas pumunta sa inyo?"

"Once a week, kapag day off niya o kung kailan niya gusto. Kaso, nitong mga nakaraang buwan, hindi na siya nakakapunta nang sobrang dalas. Nagcha-chat na lang kami o kaya nagte-text siya. For me, okay na 'yon. At least he made an effort to check up on me every day. 'Yon lang, alam kong mahal pa rin niya ako."

"Babe, never naging malaking effort ang i-chat o i-text ka."

Biglang nag-ring ang phone ko. Ang bilis pa ng pagkuha ko. Kanina ko pa hinihintay na mag-reply si Justin para magpaliwanag.


Vincent Gregorio

Babe, I love you.

Just now • Seen 1:22 PM • Sent from Messenger


Sinimangutan ko agad itong kaharap ko.

"Nantitrip ka ba, ha?"

Seryoso lang siya nang magtagpo ang mga mata namin habang hawak ang phone niya. "Did I exert some effort? Yung effort na deserve mo bilang girlfriend? If I messageyou like that every day without doing anything, does that mean you know I love you? Is that right?"

Napahugot ako ng hininga habang nakasimangot sa kanya. Tumunog na naman ang phone ko at nakita kong may friend request galing kay Vincent Gregorio.

"Add me. For professional purposes. I'm going to tag you for our project updates."

"Tsk." Ano pa nga ba'ng magagawa ko? E di, i-add siya. Malamang, uutusan din ako ni Boss Ayen na i-add siya for promotional purposes din.

"Suggestion lang, babe," sabi pa niya habang kinakalikot ang magara niyang phone na may logo ng kinagatang mansanas.

"Ano na naman?" naiinis kong sagot.

"Makipag-cool off ka muna sa boyfriend mo 'tapos hanapin mo muna ang sarili mo."

Akala ko, nagjo-joke na naman siya, pero hindi. Kanina pa siya seryoso habang tutok sa phone.

"Kasi, alam mo, toxic for you ang ginagawa mo at nata-transfer 'yon sa boyfriend mo. Nilalason ng insecurities mo ang isip mo. You pointed out what lacks in you instead of bringing up what's good and unique. And makikipagpustahan ako, you're that paranoid girlfriend na may makausap lang na babae ang boyfriend niya, nagseselos na agad at ginagawang assurance ang threats para lang masabing mahal ka pa rin."

The F- BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon