18. Garden of Peace

Start from the beginning
                                    

Ako na lang ang anak sa bahay at sobrang bihira ko pang kausapin sina Mommy at Daddy kasi palagi nila akong sinesermunan. Siguro kasi mga senior citizen na kaya sobrang dami nilang kuwento kay GT na parang nakahanap sila ng bagong anak maliban kay Justin. And I'm not sure if that's good news or what. Ang bilis makuha ni GT ang loob nila. Hindi kaya nanggagayuma ng tao 'to?

Inabot kami ng nine ng umaga sa almusal pa lang. Si GT na ang nagsabing kailangan na raw naming "pumasok sa office." He bid goodbye to my parents like he was their son. At ang nakuha ko lang kina Mommy ay:

"Huwag mong bibigyan ng sakit ng ulo 'yang boss mo, Eunice! Kukurutin talaga kita sa singit, bata ka!"

I love you too, Mom.

I wore my usual clothes: T-shirt, pedal pusher, and sandals. And GT looked at me like I did something wrong.

"Fan ka ba ni Dora?"

"Paki mo ba?" sabi ko nang pairap at sumakay sa kotse niya.

Never akong sinundo ni Justin at hinatid papasok sa opisina namin sa Manila. Malay din kasi niyang nag-oopisina pala ako. Kung sunduin man niya ako, hindi iyon dahil sa trabaho. And speaking of Justin, nag-check ako ng text niya.

Justin:

love gud am pasok nako work ily


Kaka-scroll ko ng previous message niya, naalala ko ang chat niya kagabi. Tumaas agad ang kilay ko nang may mapansin ako.

Unang chat niya kahapon, alas-kuwatro pa lang iyon. Ang sabi niya, nasa bahay na siya. 'Tapos bigla niyang sinabing "Love uwi na muna ko" after an hour. Saan galing 'to? May iba pa ba 'tong pinuntahan?

Nag-drive na si GT at hindi ko siya inintindi dahil ito na naman ako sa inis ko kay Justin.


Eunice:

Saan ka galing kahapon?

Justin, umayos ka, ha.

Magkasama na naman ba kayo ni Shanaya?

Mag-reply ka agad kapag nabasa mo 'to.


Ibinalibag ko rin sa backpack ang phone sabay simangot sa daan.

"Babe? May problema ka?" tanong ni GT.

"Huwag mo 'kong simulan, naiinis na 'ko," warning ko sa kanya. At mukhang nakaramdam siya kasi tumahimik din at hindi na nangulit.

Kapag nasa office ako, ang alam sa bahay, namamasyal ako. At 'namamasyal' lang ako kapag pinagtutulungan ako nina Mommy. Ang alam din ni Justin, namamasyal din ako para magpalamig ng ulo kapag nabubuwisit ako sa kanya. Madalas akong maglayas at alam na alam nilang lahat 'yon dahil lahat ng pressure ko, nasa bahay. Kampante lang sila ngayon kasi alam nilang wala na akong ibang mapupuntahan kundi ang bahay ko rin—na katabi lang ng bahay nina Daddy. Liban lang talaga sa ibang pagkakataon na tinotopak ako kaya ako umaalis, at iniisip naman nilang naghahasik ako ng lagim somewhere else.

Kapag may bumabagabag talaga sa tao, kahit alam nilang hindi sila mare-reply-an agad sa text o kaya sa chat, iche-check pa rin nila ang phone, as if namang masasagot agad sila.

Nag-online ako at pinuntahan ang account ni Justin. Walang bagong post maliban sa tagged photo ng team niya kahapon.

Gabi na ang text niya na uuwi raw muna siya. Saan siya galing?

The F- BuddiesWhere stories live. Discover now