Prince I: Bestfriends

436 7 0
                                    

Naglalakad na ako papunta sa school

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Naglalakad na ako papunta sa school. Alam kong late na late na ako sa first subject ko. Sigurado naman akong pagagalitan ako ng bestfriend ko nito.

College graduate na kami ngayong taon. Ipinanganak at lumaki ako sa Baspein pero no'ng elementary ako, nagpumilit ako sa Daddy ko na umuwi na lang ng Montaumont at dito na lang mag-aral. Noong una, ayaw pumayag ni Daddy. Hindi naman sa ayaw kong mag-aral sa isang maganda't pinakatanyag na school doon. Ang totoo niyan, proud nga akong mag-aral do'n kaya lang hindi ko lang talaga vibes 'yung mga blockmates ko. Hindi sila gano'n ka-friendly kahit pa nga sabihing may kanya-kanyang grupo sila. And I don't belong to either of them kasi feeling ko, makikipag-plastikan na lang ako 'pag sumali pa ako sa kanila kaya naman minabuti ko na lang na dito na sa Montaumont mag-aral. Hindi nga ako nagkamali ng desisyon dahil nakilala ko kahit papaano 'yung bestfriend ko ngayon.

Dito na ako sa room ng first subject ko matapos kong kumuha ng late slip. Dalawang oras kasi 'to.

Inabot ko 'yung late slip ko kay Mrs. Lopez pagkapasok ko ng room. Tinanong niya ako kung bakit late na late na akong pumasok ngayong araw na 'to na usually nauuna akong pumasok sa klase. Hindi ko naman pwedeng sabihin na may kinausap lang akong bata sa labas, magmumukha naman akong tanga no'n. Sinabi ko na lang na nakalagay na po diyan sa late slip ko, binasa niya ito at tumango saka niya ako pinaupo.

Pagkaupong-pagkaupo ko, sinermunan na agad ako ng magaling kong bestfriend. Magkatabi lang naman kasi kami ng upuan sa second row ng klase na 'yon tapos nasa gitna pa kami pareho.

"Hoy bruha ka, bakit ngayon ka lang pumasok ha? Late na late ka na oh!"

Bulong lang 'yung panenermon niya sa akin dahil alam namin pareho na kahit mabait 'yung guro namin sa subject na 'to, strict pa din 'yun 'pag maingay 'yung klase.

"Mamaya na lang impakta 'pag vacant na natin," sabi ko.

"Dali na bruha, sabihin mo na!"

"Ngayong oras pa ng klase??" sarkastikong tanong ko.

Natahimik siya. Pero hindi na ako tumingin sa kanya dahil alam ko na nakasimangot siya niyan. Deretso na lang 'yung tingin ko sa blackboard na sinusulatan ni Ma'am kahit wala na akong maintindihan sa mga lecture niya ngayong araw na ito.

Bumabalik 'yung diwa ko sa batang nakilala ko sa daan kanina lang. Kamusta na kaya siya? Sana'y OK lang siya. Sana'y hindi siya maging apektado sa mga narinig niya. Sigurado naman ako na narinig din niya 'yung pag-uusap ng mga bata.

Charlemagne Xyle.

Sana makita ulit kita. Kung hindi man bukas, sana mamaya pagdaan ko.

"Hoy bruha, vacant na natin. Hindi ka pa ba tatayo? Tapos na nga 'yung pangalawang subject natin na nakatulala ka diyan."

Nagulat ako ng tapikin ako sa balikat ng bestfriend ko. Hindi ko na pala namalayan 'yung oras sa pagmumuni-muni ko sa batang iyon.

"Tara na nga!" Tumayo siya bigla at hinila ako palabas ng room. Habang hila-hila niya ako, panay ang satsat niya. Hindi naman siya excited nito 'no? Hinayaan ko na lang siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Prince Of Darkness (I'M YOUR SLAVE) (under major revamp)Where stories live. Discover now