Chapter 13: Ceremony

1.3K 50 45
                                    

Chapter 13: Ceremony



[3rd Person's PoV]


"MGA MAHAL NA MANUNOOD AT MANLALAHOK, INAANYAYAHAN ANG LAHAT NA SUMALI SA SEREMONYA NA GAGANAPIN SA FIGHTING ARENA MAKALIPAS ANG TATLONGPUNG MINUTO. INUULIT KO, INAANYAYAHAN ANG LAHAT NA SUMALI SA SEREMONYA NA GAGANAPIN SA FIGHTING ARENA MAKALIPAS ANG TATLONGPUNG MINUTO. MARAMING SALAMAT" 


Napatingala nalang ang lahat nung makarinig sila ng anunsyo sa buong Martin's Arena. Mga ordinaryong manunood, mga VIP, mga tanyag at kilalang tao sa larangan ng politika--lahat na, ay nandito ngayon para tunghayan ang kauna unahang paligsahang ilulungsad sa bansa.

"Masyado talagang matalino si Mr. Martin para makaisip ng ganitong klaseng proyekto." Wika ng isang politiko sa kausap rin nitong kapwa politiko.

"Balita ko ay magiging legal daw ang pagpatay sa paligsahan na 'to at naaprobahan na iyon ng Presidente." Sagot naman ng isa.

"Isa ang pamilya ni Mr. Martin na sumagip sa bayan ng Orquieta nitong kailan lang. Marahil ay malaki ang utang na loob ng Presidente sakanila kaya siya nito napapayag."

Habang ang iba ay abala at kanya kanya ng pag uusap, halos magsilabasan naman ang ugat sa noo ni Ish sa sobrang inis "Asan na ba yung dalawa??" Nag uusok ulo ng tanong nito.

"Papunta na yun." Sagot ni Elsa. Nandito ngayon sina Elsa, Hell, Maki, Stephan, Elrien, Gavin, Elfred at Felix para suportahan ang kupunan nila. Nandito sila ngayon sa may unahan ng entrance gate dahil hinihintay pa nila sina Asher at Virgel. 

"Halos isang buwan ring nawala si Asher. Ano kayang kagaguhang pinaggagawa nun" Nasabi nalang ni Felix. 

"Nangbabae lang yun." Tawang singit ni Elfred

"Wala namang bibili sa mukhang yun." Singit ni Elrien kaya nagtawanan nalang ang iba. 

"Inip ka ng makarating si Virgel pero alam mo na ba kung pano mo sasabihin ang nangyari kay Kael?" Tanong bigla ni Hell na ikinatahimik ng lahat. Napayuko nalang si Ish kahit kunot parin ang noo nito.

Oo nga pala. Hanggang ngayon ay di parin nila nasasabi kay Virgel ang nangyari kay Kael. "Ako na ang bahala sa bagay na yan." Matigas na sagot nito. 

"Bibili muna ako ng maiinom." Paalam ni Nica at tsaka ito naglakad. 

"Baka magwala si Boss tapos tayo yung pagtatapusin niya dito." Kinakabahang singit ni Maki. Minsan na niyang nakita dati kung gano kahalimaw ang Boss nila kaya ganun nalang ang takot niya.

"Sige lang, ikaw naman ang uunahin niya e." Biro ni Elfred kaya mas lalo pa itong natakot



**


Walang tao sa parte kung saan nakalagay ang isang vending machine kaya nagpasya si Nica na dun nalang bumili. At habang namimili siya ng iinumin, bigla siyang nakaramdam ng kaonting takot. Sobrang ikli lang ng panahon ng pagsasanay niya. 

Natatakot siyang baka siya pa ang maging dahilan para matalo sila. 

Gusto niyang tumulong. 

Gusto niyan--

Natigil siya sa pag iisip nung may maramdaman siyang  presensya sa likuran niya, at bago pa man siya makalingon, narinig na niya ang pagtawa nito--dahilan para mabato siya sa kinatatayuan niya. 

VULTURE (BOOK 3) [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon