Chapter 6: Types of Kai User

724 44 10
                                    

Chapter 6: Types of Kai User


( Hi! Maikli lang po 'to. Kung may tanong kayo sa chapter na 'to feel free to comment :)) Sasagutin ko. )

*******

[3rd Person's PoV]

"Ano yan?"

Agarang inalis ni Greco ang awra sa kamay niya nang marinig niya ang boses ni Virgel sa likuran.

"Oh? Pinagod ka ba ni Ginger?" Tawang tanong ni Asher pero di man lang ito pinansin ni Virgel dahil nakatingin parin ito kay Greco.

"Ano yung ginawa mo sa kamay mo, Greco?" Ulit na tanong nito. Nagkatinginan naman sila Greco at Asher.

"Ngayon ko nalang ba ipapaliwanag?" Tanong ni Greco kay Asher.

"Sige ngayon nalang dahil aalis narin ako mamaya. Mas mabuti ng may alam ako jan kahit papano." Sagot nito.

"Hindi ka ba dito matutulog? Gabi na." -Greco

"Hindi na. Pupunta pa ako sa Fuego para bisitahin ang mga tao dun." Sagot ni Asher

Ngayong sila nalang tatlo ang nandito, napabuntong hininga nalang si Greco at humarap sa dalawa. Mukhang wala na siyang choice. "Makinig kayong mabuti dahil isang beses ko lang itong ipapaliwanag." Umpisa niya. Seryoso namang nakinig ang dalawa sakanya.

Dahan dahang itinaas ni Greco ang kamay niya at tsaka ulit ito pinailaw. "Ang 'Kai' na tinuro sayo ni Ginger ilang buwan na ang nakakaraan ay isa lamang basic sa pagpapalabas ng enerhiya sa katawan. Ito ang pinaka unang pagsubok para ma master mo ang pag kontrol ng Kai."

"Basic pa yun sa lagay na yun?"Halos di makapaniwalang tanong ni Virgel.

"OP ako huy. Pinagsasabi niyo?" Kamot ulo lang namang tanong ni Asher dahil wala siyang ka ide ideya kung ano yang Kai Kai na yan.

"Kung iniisip mo na tayo lang ang may kakayahang gumamit ng Kai, lahat tayo ay may Kai energy sa katawan, at 30% lang ng tao sa buong mundo ang may kakayanang ipalabas ito. Di kasi ito basta basta natututunan." Inalis ni Greco ang ilaw sa kamay bago nagpatuloy "At may iba't iba uri ng mga Kai user. Depende sa kung saan pabor ang kanilang stilo sa pakikipag laban."

"Iba't ibang uri?"

"Physical User, Weapon User, Elemental User, Illusionist, at Extreme User." Tumingin naman ito kay Virgel. "Pinaka common na sa isang Kai User ang pagiging Physical User. 70% ng mga gumagamit ng Kai ay mga Physical User kagaya nating tatlo ni Ginger. Ang mga Physical User ay ginagamit ang sariling katawan para gawing sandata sa pakikipaglaban. Ginagamit nila ang Kai para mas mapalakas pa ang kanilang mga atake sa kalaban. Pwede mo rin itong gamitin para mapatibay ang depensa mo. Kung gano ka kapal ng Kai ang kaya mong ibalot sa katawan mo ay ganun din kahirap itumba ng kalaban."

"Wow naman! May pa physical physical user pa kayong nalalaman." Tawang singit ni Asher. "Eh ako? Anong klaseng user naman ako? Hehehe " Excited pa na tanong niya.

"Ikaw ay isang...drug user" Tawang sagot ni Greco kaya halos mag ugat ugat na ang noo ni Asher sa inis.

"GRABE KAA"

"Sunod naman sa pinaka common ay ang Weapon User. 40% ng mga Kai user ay ganito ang kakayahan. Ito ay mga taong nagbabase sa kanilang mga sandata sa pakikipaglaban. Kaya nilang ilipat ang enerhiya nila sa kanilang mga sandata para mas mapalakas pa ito pag ginamit. Kahit isang plastic pa na spada yan, pag ginamitan mo ito ng Kai ay kaya na nitong hiwain ang isang katawan o kahit matibay na bagay."

VULTURE (BOOK 3) [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon