Chapter 8: Training Level: Hell

768 44 17
                                    

Chapter 8: Training Level: Hell


Kisuke Urahara of Bleach as Noah of Jack of all Trades


( Hi heheh :))  )


************


[3rd Person's PoV]


Alas kwatro palang pero pinili na ni Greco ang bumangon sakanyang higaan. Magiging abala na siya mamaya sa pagsasanay kay Virgel kaya magsasaing nalang muna siya at magluluto ng uulamin.

Kusot mata lang niyang binuksan ang pinto dahil sa sobra pang antok. Mejo napatagal kasi ang pagtulog niya kagabi dahil sa mga iniisip niya. Ngayon lang ulit bumalik sakanya ang mga alaala na yun matapos niyang ituro kila Virgel ang iba't ibang uri ng Kai User. 

Pilit man niyang binabaon sa limot ang pangyayaring yun pero sa tuwing napag uusapan na ang tungkol sa Kai, isang tao lang ang patuloy na bumabalik sa utak niya. 

Papunta na sana siya sa kusina nang mapansin niyang bukas ang pintuan sa labas at may taong nakaupo doon. Nakatalikod ito sa gawi niya kaya di niya makita kung sino ito. 

"Sino yan?" Tanong niya at mejo napalingon nang bahagya ang ulo nito sakanya. Di niya parin makita ang mukha, pero ang postura nito, ang buhok, parang pamilyar. "Virgel?" Tanong niya pero imposible naman dahil maiksi at kulay itim ang buhok nito.

"Master.." Mahinang sagot nito pero sapat na para marinig niya. At ang boses na yun, hindi siya pwedeng magkamali. Nakita niyang dahan dahan itong tumayo habang nakatalikod parin at pansin niya ang unti unting paglabas ng awra ng kai at pumalibot agad sa buong katawan nito--kakayahan ng isang physical user. "Nagawa ko.." Wika nito at nakita niyang dahan dahang kumikislap na parang kidlat ang kanang braso nito. 

"Hindi.." Nasambit nalang ni Greco sa pagkabigla habang dilat na dilat pa ang mga mata. 

Hindi lang kidlat ang nakita niyang elemento na pumapalibot sa taong 'to kundi pati narin ang lumalagablab na apoy sa kaliwang braso nito. 

"Itigil mo yan!" Sigaw ni Greco sa sobrang takot. Dahan dahang lumingon sakanya ang lalaki at nakita niya kung pano dumaloy ang dugo sa bibig at ilong nito habang nakangiti sakanya. "Nagawa ko, Master." 

"RIZEEE!!" (ree-zeh hindi ra-yz) Sigaw niya at sinubukan niya pa sanang tumakbo papalapit sa studyante niya para pigilan ito pero nahuli nalang niya ang sarili na nakatingin sa kisame habang hinihingal.

...........


........................


Ang lakas ng pagkabog ng dibdib niya


Napatingin siya sa orasan. Kaka alas kwatro palang. Dahan dahan siyang bumangon at napahawak nalang sakanyang sintido at napatakip ng mukha habang inaalala ang panaginip niya. 

Maya maya pa ay ramdam mo nalang ang panginginig na balikat niya. 


****


Ilang minuto ang lumipas ay lumabas si Greco sa kwarto niya para magsaing at magluto ng ulam. Pero paglabas niya, nagulat siya nang makita niya si Virgel na nakaupo sa sahig sa sala habang nakatingin sakanya. Agad rin naman siyang nakabawi at umakto na hindi nagulat. "Excited kana ata sa pagsasanay." Usal niya bago pumuntang kusina at naghilamos. 

VULTURE (BOOK 3) [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon