Chapter 2: Fear

994 56 27
                                    

Chapter 2: Fear


*********


Hi Guys~ Ayoko na magdrop ng mga excuses hahaha sorry sa matagal na update. Hope u enjoy~ 


**********


[3rd Person's PoV]



"40,000." 

"40,000?"

"Yes, Mr. Martin. Ganyan karaming tao ang kaya ng kapasidad nitong arena na kinatatayuan natin." Sagot ni Sandro--isa sa mga arkitekto na kinuha ni Celo para sa proyektong ito.

"Hmmn." Kasalukuyan silang nasa loob ngayon ng arena at sinusuri ang buong paligid. "Sa wakas." Dahan dahang kumurba ang ngiti sa mga labi ni Celo habang nilalasap ang amoy ng arena. "Naaamoy mo ba?"

"Anong amoy, Sir?" 

"Pera." Lumanghap pa ulit ito ng isang beses "Naaamoy ko ang limpak limpak na perang makukuha ko sa plano kong 'to." 

"Mawalang galang na pero hindi ko talaga maintindihan ang punto mo, Mr. Martin." Naguguluhang usal ni Sandro. "Kayo ang gumastos para mapatayo 'to, at ikaw rin ang magbibigay ng premyo sa paligsahan na magaganap, hindi ba? Kaya pano mo nasabing limpak limpak na pera ang makukuha niyo dito?"

"Bawing bawi ko lahat ng pundo na inilaan ko dito pag sa akin mismo mapupunta ang skultura na yun. Bilyon bilyon ang halaga nun." Ngising sagot ni Celo. "Ilagay natin na halos isang buwan ring magaganap ang paligsahan. Isipin mo ang kita ko sa ticket palang ng mga manunood, diba? Simple math, Sandro. At syempre sunod sunod na endorsement na yan. Sisiguraduhin kong sa loob ng isang buwan na yan mababawi ko na ang pundo ko rito."

Mejo nakukuha na ni Sandro ang gustong mangyari ni Celo sa paligsahan na 'to. At sa mga naiisip niya, isa lang ang gusto niyang kumpirmahin. "Kampante ka ba na mananalo ang kupunan mo sa paligsahan at makuha niyo ang skultura na yun?" 

"Sa ngayon hindi pa." Sagot ni Celo bago lumawak ang ngisi niya "Pero ako yung tipo ng tao na pag may gusto, ginagawa ang lahat para lang makuha ito." Dugtong nito. Napailing nalang si Sandro. Halimaw talaga to si Marcelo pagdating sa pagpapayaman. 



******


Staff of Persephone

Saladin's Gauntlet

Pipe of Beelzebub 

Sword of the last Samurai 

Vulture of Death


"Di ako makapaniwalang nakumbinsi ni Marcelo ang isang Royal Family sa Spanya na gawin bilang isa sa pa premyo sa proyekto niya ang isa sa limang natatanging bagay sa buong mundo." Nasabi nalang ni Ish habang kaharap ang laptop niya. Kasalukuyan niyang binabasa ngayon ang kasaysayan ng limang mga bagay na yun. Isa sa nag mamay ari ng isa sa limang natatanging bagay sa mundo ay ang Alfonso Family ng Spanya. Hawak nila ang Vulture of Death na napanalunan ng pamilya nila sa isang auction noong taong 1997 sa Britanya. Nagkakahalaga ito ng 500 Million USD o katumbas na yun ng halos 25 Billion pesos. 

VULTURE (BOOK 3) [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon