Mahina itong natawa.

"I'm sorry. I just want to surprise you." Anito at inilayo ang katawan sa akin. "Surprise!" Malapad ang ngiti nito habang nakatingin sa table.

Tinignan ko iyon at ngayon ko lang napansin na maayos iyong naka-desinyo. May candle lights at wine. May iba't-ibang klaseng pagkain at maganda ang desinyo ng bulaklak sa gitna.

"I prepared all of this." Anito.

I looked at her intently and kissed her on the lips.

"You don't have to do this. And don't joke like that again. Pinakaba mo ako ng husto." Sambit ko.

"Sorry, Jas. I won't do it again." Anito at humilig sa dibdib ko.

"I prepared this for you. Gusto kong makabawi at humingi ng sorry kasi sinasaktan kita. I'm sorry, Jas. Sana mahal mo pa rin ako kahit sinasak-"

Sinapo ko ang mukha nito at mariin ko itong hinalikan sa mga labi.

"I understand. Parte lang 'yon ng pagbubuntis mo at naiintindihan ko. Hurt me all you want and I won't mind. And Krystal, kahit ano pang gawin mo hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko sa'yo." Malamlam ang mga matang sinalubong ko ang tingin nito.

"Mahal na mahal kita at hinding-hindi magbabago 'yon." Sambit ko.

Pinunasan ko ang mga luhang pumatak sa magkabilang pisngi nito.

"Pregnant women." Naiiling na sambit ko.

Pabiro ako nitong kinurot sa tagiliran.

"Ikaw kaya ang magbuntis? Akala mo ganoon kadali? Sa araw-araw na nakikita kita gustong-gusto kitang sakalin pero kapag wala ka naman hinahanap-hanap kita. Sobrang hirap." Suminghot ito.

Mahina akong natawa at masuyo ko itong hinalikan sa noo.

"I know and I'm thankful dahil ikaw ang ina ng magiging anak ko." Usal ko.

Ngumiti ito.

"Maselan lang talaga 'yong paglilihi ko. I'm sorry." Anito at masuyo akong hinalikan sa labi.

"I told you, I understand. Handa pa akong tumanggap ng hampas at kalmot mula sa'yo." Natatawang turan ko.

Nagtawanan kami at ako na mismo ang umalalay sa asawa ko para maayos itong makaupo sa isang silya. Umupo ako sa tabi nito.

"No wine for you." Usal ko.

"I know. Water only, please." Anito.

Kaagad akong nagsalin ng tubig sa wine glass at inabot iyon sa asawa ko. Nagsalin din ako ng wine sa wine glass ko.

Masaya kaming kumain at panaka-naka ko itong sinusubuan.

Hinugot ko mula sa bulsa ang cellphone ko at may pinindot doon.

Tumayo ako at inilahad ang palad sa asawa ko.

"Dance with me, my wife." I smiled at her.

Inabot nito ang kamay ko at nakangiting tumayo. Nangunyapit ito sa batok ko at ang mga kamay ko ay nasa beywang nito.

Sinabayan namin ng malumanay na sayaw ang kantang pinatugtog ko.

The Gift.

Inihilig ko ang ulo ng asawa ko sa dibdib ko at sinabayan ang kanta doon sa parte na 'yong lalaki na ang kumakanta.

"Watching as you softly sleep. What I'd give if I could keep. Just this moment if all of time stood still. But the colors fade away and the years will make us gray. But baby in my eyes you'll still be beautiful."

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now