PROLOGUE

109K 2.4K 288
                                    

PROLOGUE

Their first meeting. Hope you enjoy kahit medyo sabaw.🤭😅😂

"SIMPLE LANG naman ang gagawin mo. Just guide him to get out from his condo. Pinagkakaguluhan siya ng mga fans niya and you have to help him. Allergic 'yan sa mga tao, lalo na sa mga fans niya." Paliwanag ni Amber mula sa kabilang linya.

Inayos ko ang suot na earpiece at napairap ako.

"If he don't like his fans, he shouldn't work as a model to begin with. He should quit from his work." I sarcastically said.

Amber just laughed.

"He's a client, Krystal. Bawal tayong magreklamo. Just do what Phyton wants. Mukhang importante sa kanya ang kliyenteng 'yan. Ikaw na ang bahalang dumiskarte." Ani Amber at pinatay na ang tawag.

Napabuntong-hininga ako at inayos ang suot kong damit.

Phyton told me to help this model out from his fans.

What the hell? Simpleng bagay hindi man lang ba magawan ng paraan kung sinumang model na 'yon? Wala ba itong bodyguard o personal assistant para alalayan ito?

Napailing ako at bumaba mula sa kotse. I don't know the client's face. Hinihintay ko pang ipasa ni Amber sa akin ang details tungkol sa kliyente daw namin.

I was just from my family gatherings when James called me. Kaagad ako nitong pinadiretso sa isang condominium dahil nangangailangan daw ng tulong ang kaibigan nito.

And this will be my first day as an agent of SPIC. As one of the member of Phoenix.

And Amber, I still haven't met her and the rest of the Phoenix. Tanging si James pa lang ang nakita at nakilala ko dahil ito ang pinaka-leader ng Phoenix. Ang iba ay nakakausap ko pa lang sa telepono katulad na lang ngayon na kausap ko si Amber.

Napatingin ako sa dala kong tablet nang tumunog iyon. Mukhang pinasa na ni Amber ang hitsura ng lalaking aalalayan ko daw ngayong gabi.

Napabuntong-hininga ako at uminom ng pineapple juice na in can na kanina ko pang bitbit. Habang umiinom ay binuksan ko ang tablet at naibuga ko ang iniinom nang makita ang litratong bumungad sa akin.

Jastin Rivera.
30 yrs old.
Bachelor.
A model and an owner of a prestigious modeling company in Philippines.

Napasipol ako sa nakita. I know that a model like him could be this handsome but I didn't expect him to be more handsome.

Paano pa kaya kapag sa personal?

Sandali akong napatitig sa mukha nito na nasa litrato. Mukhang makinis ang mukha. Lalaking-lalaki ang dating. Napakatangos ng ilong nito at mukhang napakasarap halikan ng labi nito. Napakaganda din ng kulay ng mata nito. Abuhin ang mga mata nito at sa tingin ko ay ang mga matang iyon ang pinaka-asset nito.

He was half-smiling at the picture. May aura na masungit at mukhang lapitin ng mga babae. Well, he's a model indeed. Sa apog ng mukha nito, tila marami itong napaluhang babae.

"Krystal, are you there?" Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Amber mula sa earpiece ko.

Napakurap ako at tumikhim. Teka. Nawala ba ako? Saan ako napunta? Anong nangyari?

Napayakap ako sa sarili nang maramdaman ang lamig ng gabi at muling napatitig sa litrato.

"I-I'm here." Mahinang tugon ko.

"Okay ka lang ba?" May pagtataka sa boses ni Amber.

Tumango ako kahit hindi nito nakikita. Wala sa sariling hinagis ko ang hawak na tablet sa loob ng sasakyan ko at paulit-ulit na tumikhim.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now