Chapter 4

61.6K 1.9K 171
                                    

CHAPTER 4

"KRYSTAL. Wake up." Ang malumanay at baritonong boses na iyon ang nagpagising sa diwa ko.

And when I open my eyes, I saw Jastin looking at me with so much worry in his eyes. He was cupping my face.

"J-Jastin. W-What happened?" Naguguluhang tanong ko at paunti-unti ay bumalik sa isip ko ang eksenang nangyari kanina.

Nabangga kami!

Mabilis akong kumilos dahilan para mabitawan ako ni Jastin at tumingin ako sa paligid. Nasa loob pa rin kami ng kotse ni Jastin.

Jastin cupped my face again and our eyes met. I can't explain the expression on his face. He was like mad and at the same time, scared.

He simply checked my head as if he was checking if I am injured.

"May masakit ba sa'yo?" Hindi ko alam pero ang boses nito na laging malamig at galit kapag kaharap ako ay parang naging malambing ngayon sa pandinig ko.

Hindi ako nakasagot at dahil doon ay inangat nito ang laylayan ng damit ko na labis kong ikinabigla.

"What are you doing?" Gulat na tanong ko.

"I am checking if you have wounds." Mariing tugon nito habang ang mga mata ay abala sa pag inspeksyon sa katawan ko.

Iniinspeksyon nito ang katawan ko na para bang normal nitong gawain iyon. Lihim akong nakaramdam ng hiya at halos hindi ako makahinga sa ginagawa nito.

Nakita ko ang pagliwanag ng mukha nito at kapagkuwan ay inayos ang damit ko.

And in just snapped of a finger, his face changed into something dark.

"Wait me here." Anito at bumaba ng kotse.

Nabahala ako sa dilim ng mukha nito. At mukhang may ideya na ako kung ano ang gagawin nito.

Dali-dali akong bumaba ng kotse para pigilan ito but I was too late. Basta ko na lang nakita na nakabulagta sa semento ang may-ari ng kotseng bumangga sa amin kanina.

Namimilipit ito sa sakit. Kitang-kita ang lakas na pagsuntok ni Jastin dito. Nagtangka itong tumayo pero hinila ito ni Jastin sa kuwelyo at akmang susuntukin nito ulit ang lalaki nang pigilan ko ito.

"Jastin, stop it. You don't have to be violent like that. Hayaan na natin siya sa mga pulis." Sambit ko at dali-daling inagaw ang kamay nitong mahigpit na nakahawak sa kuwelyo ng lalaki.

Bumitaw ito at tumingin sa akin.

"You almost got killed." Madilim ang mukha nito.

"But I'm okay. We are okay. Kaya please, tigilan mo na 'yan. You're a model. Baka may makakita sa'yo dito at mabalita ka pa sa publiko na naging bayolente ka." Paliwanag ko.

Mataman itong tumitig sa akin at kapagkuwan ay walang imik na naglakad patungo sa kotse nito. Dumating ang mga pulis at pinaliwanag ko ang mga nangyari.

Dinampot ng mga ito ang lalaking bumangga sa amin. Kami ni Jastin ay sumunod patungo sa presinto. Nang matapos sa loob ng presinto at maayos na ang lahat ay halos wala pa ding imik si Jastin habang nagmamaneho ito.

Hanggang sa makarating kami sa harap ng bahay ko ay hindi na ito kumibo.

"Salamat sa paghatid." Mahinang usal ko.

Tumango lang ito pero ang mga mata nito ay nakatingin lang sa kalsada.

"Go see a doctor to make sure that you're okay." Anito sa malamig na boses.

Nasaan na ang lambing sa boses nito kanina? Nasaan ang pag-aalala nito kanina para sa akin?

Lihim akong napabuntong-hininga. Ano pa nga ba ang maaasahan ko? He's always like this. Treating me good and seconds later he will talk to me like I don't exist in his world.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now