Chapter 1

71.6K 2.2K 267
                                    

CHAPTER 1

This update is dedicated to Noimelibutan (Noime Morilla Cuballes)
Thank you po ate for always believing on me. Thank you for all the praises and for loving my stories. Actually, nagkagana akong mag update dahil sa message mo kanina through messenger. Salamat po and I love you.😍😘💛🤗

MALAKAS AKONG NAPABUNTONG hininga at tumingin sa suot kong wrist watch.

"Hoy, Jastin? Ano ba? Anong oras na!" Pasigaw na sambit ko habang kumakatok sa harap ng pinto ng condo nito.

Muli akong tumingin sa suot kong relo. Ten minutes. Ten minutes na akong nandito sa labas ng pinto nito.

"Hindi ka pa rin lalabas? Well, I have no choice but to open the door!" Inis na usal ko at kusa ko ng binuksan ang pinto.

I have my ways, anyway.

Tuluyan akong nakapasok sa loob at napatakip ako sa ilong ko nang sumalubong sa akin ang amoy na iyon.

Amoy alak ang loob ng condo nito.

Inikot ko ang paningin ko at muli akong napabuntong-hininga. Yumuko ako at pinulot ang mga nagkalat na bote ng alak sa sahig.

Nang matapos ay sunod kong pinulot ang mga nagkalat na damit doon. Damit nito at damit ng babaeng dinala na naman nito sa condo nito.

"Sinong babae na naman kaya ang dinala mo dito?" Naiiling na sambit ko at hinagis sa sofa ang mga damit na napulot ko.

Muli kong inikot ang paningin ko at kapagkuwan ay napangiti.

It's been years. This place was so memorable for me.

Dito ko unang nakilala si Jastin.

Ang lalaking nagnakaw ng puso ko. Ang lalaking pinapangarap ko. Ang lalaking nagmamay-ari ng puso ko.

It was a love at first sight. Or maybe it was a love at first kiss.

But it was an unrequited love.

Jastin was pushing me away for years now. He don't see me as a woman. For him, I was just his co-agent. His co-worker.

And I don't know if he even see me as a friend. He is always so cold and distant. He is always rude and mean when it comes to me.

I sighed and shrugged my shoulders. Even if Jastin is treating me that way, I am still here for him.

Loving him even if he can't love me back.

Ganoon naman talaga kapag nagmamahal di' ba? Hindi basta-basta sumusuko? And I'm willig to wait for him. Kahit alam kong walang chance na mahalin ako nito.

'Ang martir mo.'

Ang mga katagang iyon ay paulit-ulit na sinasabi ng kaibigan kong si Amber. What can I do? Martir ba ang isang taong nagmamahal?

Martir na kung martir. Basta't ang importante ay masaya ako. Masaya akong mahalin ang isang Jastin Rivera.

"Who are you?"

Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Nakatapis ito ng tuwalya. Basa ang buhok nito na mukhang galing pa sa shower.

Sinuyod ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Matangkad ito at maganda ang pangangatawan. Maganda din ito.

She's a model, too. Natatandaan ko ang mukha nito. Isa ito sa mga nakakasama ni Jastin sa mga photo shoots nito.

Naglakad ako papalapit sa sofa at kinuha ang mga napulot kong damit nito. Inabot ko iyon sa babae.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora