Wala akong dalang kahit anong gamit kaya dinaanan ko na lang si Boss Ayen sa post niya para magpaalam na uuwi na. Sinabihan lang niya ako ng "Ingat pauwi" 'tapos dumeretso na ako sa desk ng team ko.

"Mag-update kayo sa email ng status ng changes kanina, ha?" paalala ko pa kina Yeng.

"Yes, Ate Niz. Ingat."

"Ingat din pag-uwi," sabi ko, at di-sinasadyang madako ang tingin kay GT.

Nginitian na naman niya ako. At ang nakakainis, kulang na lang, magkaroon ng flashing neon lights sa noo niya na nagsasabing, "Aw, tampo ka pa rin?"

Ang laki ng respeto ko kay Gregory Troye, pero dito sa Vincent na 'to, wala talaga akong amor. Ang lakas ng saltik sa utak, naiirita ako.

Umalis na ako sa office at dumeretso sa sakayan. Mahirap sumakay ng van sa Rotonda every four in the afternoon hanggang seven in the evening kasi rush hour. At ito na naman ako't lalaban sa traffic. Quarter to six na at malamang, nine pa ako makakauwi nito sa bahay. Sana lang may mag-offer na ihatid-sundo ako sa Rotonda daily. Si Justin naman kasi, hindi ko alam kung paano sasabihan ang trabaho ko nang hindi magdadaldal sa ina ko. Isa ring nakakainis. Mas loyal pa siya kay Mommy kaysa sa akin.

May nagbaba ng pasahero sa terminal ng Rotonda kaya agad ang pakikipagbalyahan ko sa mga naghahabol din sa biyahe. Kapag ganito, nagiging mandirigma talaga ako nang wala sa oras. Doon ako pumuwesto sa backseat ng 18-seater van. Nakakaloka kasi ang liit ng braso ko 'tapos pahahatakin pa ako ng pagkalaki-laking pinto bilang part-time door manager ni Kuya Driver. Dapat talaga hiniram ko na lang ang motor ni Kuya Pat. O kaya nag-board na lang ako malapit sa Mayon street.

Matapos magbayad, kinuha ko agad ang phone ko. Naka-airplane mode ako kanina para walang istorbo sa buhay. Pagbukas ko, meron akong 44 unread messages na sunod-sunod na nag-vibrate at pinuno ang screen.

Message ng 8080.

Message ng 4438.

Message ng online banking.

Message ni Daddy.

Message ng telecom.

Message ng alerts.

Message ni Mommy.

Message ng online shops.

Inbox ng single?

Pero bago ang lahat ng 'yan, nakita ko muna ang message galing kay Justin na huli ko nang binuksan. Saving the worst for last.

Justin:

Love san ka

Love

Loooooove

Eunice Riodova San Miguel wer na u d2 na me

Loooove misyu

Love ngaun lng dumating cake na pnagawa q pra ky mama last bday nia

nagus2han nia decoration.. fave niya rin.. choco 2.. dko masend photo blocked mko eh..

Love i luv u

Galit kpa

San ka

Sunduin kta

Eunice

Love call aq

Ptay ba fone mo

Bat nka off loc mo

San kna love

Love answer the phone

Love buhay kpa ba

Nag aalala nko

Rereport na kmi sa pulis


Tumawag agad ako sa kanya. Sinagot niya sa ikatlong ring 'tapos pinatay ko rin agad bago ako nag-text.

Eunice: Buhay pa 'ko. Nasa QC lang ako. OA mo. Biyahe na 'ko pauwi.

Nakapag-reply siya agad.


Justin:

Knabahan tlaga q kala q nasalvage kna

Bat dka ngreply

San k galing

San ka ngaun sunduin kta

Wag mona ulitin 2 ahh

Knabahan tlaga q puta

Ay sorry sa cuss

Pro kac

Wag mo na tagla uliting 2

*tlaga


O, e di, naramdaman mo rin ang naramdaman kong tarantado ka.

Ma-unblock na nga 'to. Hmp!


♥♥♥

The F- BuddiesWhere stories live. Discover now