DEAR IDEAL GUY: CHAPTER 48

101 8 0
                                    

C H A P T E R 48

ALEXA's P.O.V


Sumapit na ang August 1, 2012 at naging normal na ulit ang mga buhay namin nila ni Jolina at si Romeo naman back to school na rin siya.


"Ang ganda talaga ng tulang nakalagay sa bulletin board"


Rinig ko pa sa mga estudyante na dumadaan sa bench kung saan ako naka upo ngayon. Nag hahanda na kasi ang buong school para sa parating na ingranding js Prom na lagi daw ditong ginaganap. Partner daw ng mga seniors ay kaming nasa junior class.

Sa di naman kalauyan makikita ang bulletin board kung saan maraming mga babae na ang nagsi tompukan doon.


Baka kasi may maliit lang na announcement doon, At saka ako tumayo at naglakad papunta doon saka naman nag sialisan ang mga estudyante nang makarating na ako sa harap ng bulliten board. Para bang bumalik na ako sa dating ako... sa dating ako na nilalayuan ng mga kapwa ko estudyante.


"Nang minsan ay hindi ka ninais, pero ngayon ay namimiss
Mga ngiti mong kayganda, parang hugis ng buwan sa langit kapag tigsibol pa.
Ang mga mata mong nag-niningning na parang akoy na-aakit at kay ganda parang mga bituin sa langit"


Nakangiti naman akong binabasa ang nasulat sa isang perasong papel.


Nagulat naman ako sa nakita ko sa hulihan ng tula sa papel.


"To: Ideal Girl, from: Ideal Guy" Basa ko pa.


Napatingin naman ako sa paligid at iniisip kong nandito pa ang kung sino man ang nag post nito dito.


At saka naman ako nakramdam nang may kung sino sa likoran ko at nang lumingon ako sa kaniya ay nagulat naman ako kay Cleo habang nakangiti siya sakin.

Nakita ko namang may mga styrofoam ang kaniyang buhok.

"Teka sandali, may mga styrofoam ang buhok mo" Sabi ko sabay hila ko ng kwelyo niya pababa para makayuko siya at para maabot ko ang mga styrofoam sa kaniyang buhok at saka ko ito inalis sa kaniyang buhok at nang makatingin ako sa kaniyang mukha nakangiti lang siya sakin na parang timang.


Pero para sakin parang tinutunaw niya ako sa mga ngiti niyang 'yan.

"Sira!" Bintokan ko siya nang inilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko. Saka ako napatakbo papalayo sa kaniya.

MAXINE's P.O.V

Papunta na ako sa office ng school council nang makita kong hinihila ni Alexa ang kwelyo ni Cleo pababa papunta sa kaniya saka may kung anong inalis sa buhok ni Cleo na ikina gulat kong ginawa niya.... At wala namang ibang reaction itong si Cleo kundi nakangiti lang siya kay Alexa na ikina inis ko. Susugod na sana ako kung hindi lang ako pinigilan ni Arra na kasama ko ngayon.

"That girl!" Inis din ni Arrang sabi.

Napakuyom ako ng kamay para pigilan ang sarili ko na sugurin si Alexa.

"Lagot ka sakin mamaya!" Inis na sabi ko. Pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang kunware hindi ko nakita 'yon at saka ko naman nilapitan si Cleo at ibinigay sa kaniya ang dala kong bottled water.

"Nauuhaw ka na yata? sa dami kasi ng ginawa mo kanina" Sabi ko pa sa kaniya na kunwari I care for him.

"Hehehe! samalat babe" Sabi niya sakin.

"Oh? sino naman kaya ang gumawa nito?" Pagtataka ko pa nang mahagip ng mata ko ang tulang naka post sa bulletin board.

"Hindi ko nga rin alam kung sino ang nagsulat niyan" Sabi pa ni Cleo.


Dear Ideal Guy Season 1 [ COMPLETED✔]Where stories live. Discover now