DEAR IDEAL GUY: CHAPTER 2

458 17 1
                                    


C H A P T E R 2

ALEXA's P. O. V.

Pagkapasok namin sa classroom, grabe ang napakaingay kanina ay tumahimik. At napunta sa amin ang kanilang atensiyon kay ayon nakatingin lang sila sa amin. Sabay tawa nilang lahat.

Mga baliw hmp!

Naghanap naman kami ng puwedeng maupoan. Ayon may nakita naman kami kaso naka one line lang ang upoan tatlong magkakasunod sa gilid.

"Girl, gora na... No choice na tayo"-Sabi pa ni Miming.

Saka naman kami doon umupo, ako sa gitna si Jolina ang nasa harapan ko si Miming naman sa likoran ko.

"Nandito na sila, ang the Shakers Band!"-Sigaw ng isa sa mga lalaki.

Nagsitilian na man ang mga babaeng parang kulang sa bakuna. Ayon tili dito, tili there, tili every where... Ganon na ba talaga sila ka gwapo para tilian ng mga girls? Umupo ako ng maayos. Bigla namang may kung anong nagpatingin sa'kin sa may pintoan.

Mistulang artista ang aking nakita, dahan-dahang lumalapit na may pa-eslow motion pa hindi ko na ipinikit ang mga mata ko nakatitig lang ako sa kaniya, parang anghel na nahulog mula sa langit. Nagbigla naman ako ng batukan ako ni bakla, ayon nasira ang pagtingin ko esti! Naputol ang pangtali sa buhok ko iwan ko sa baklitang ito..

"Ikaw talaga Miming, ang sira mo din ano?"-Anang nangigigil kong lingon sa kaniya.

"Ay Dzai! don't me, napansin ko kasing nababaliw kana naman"- sagot niya sa'kin.

"Iwan ko nga sayo"-Sabay talikod ko na sa kaniya. Di ko na napansin na umupo na tuloy ang lalaking nakabanggaan ko kanina sa hallway. Oo! Siya yong lalaking mukhang artista esti! Anghel pala.

Nagsipasok naman ang iba pang mga kalalakihan, wait? Sila ba yong the shakers band? Whoaaaa!!! Mahilig pa naman ako sa music.

Maya maya pa andiyan na ang professor namin, nag bigay lang siya ng rules and regulation sa classroom.

Una bawal ang gumamit ng cellphone while the class are not yet dismissed.

Pangalawa bawal ang malate ng 15minutes. After 15minutes wala ka pa dito sa classroom na ito ibigsabihin absent kana.

Pangatlo at the last but not the list, bawal ang mag boyfriend girlfriend sa classroom kasi nga diba one big family tayo dito, so you should think about it.

Napatingin naman ako sa kinauupoan nong the shakers band, di ko naman alam na nakatitig din pala itong aking mister ay esti! Si Mister cute guy. Nakangiti lang siya sakin. Ehem! Ene be weg ke nge pere keng sere? Ayon wala na kinilig na si ako. Napatingin ako kaagad sa harap ng pisara habang napapakilig, mabuti nalang naka bunghay ang buhok ko, 'di naman siguro halata na nagba-blush ang pisngi ko diba?

"Hoy! Ang sabi ko ikaw na ang sunod na magpapakilala"-Anang hawak ni Jolina sa ulo ko. Di ko namalayan kanina pa pala sila nagsimulang mag pakilala sa isa't-isa. Napatayo kaagad ako, naririnig kong nagpipigil pa ng tawa si Miming, iwan ko ba diyan sa baklang 'yan.

"Ahm??? Hi! I'm Alexa Barbara Buraot,"-Pagpapakilala ko sa kanila ayon di na nakapag pigil ng tawa si Bakla nakikisama na sa mga tinatawanan ako. Ayon ganyan yang bakla na yan sa'kin, akala ko ba best friend ko 'to?

"Shhht!"-Pagpapatigil ng prof namin sa kanila. Napatingin ako kay Mister Cute guy. Hindi siya tumatawa. So? Ano to dapat na ba akong matuwa nito? Wag ka ngang tanga Alexa!

"You may now seat, Mis. Buraot."-Sabi ng professor sa'kin. Napatawa na naman sila. Napayuko na lang akong umupo saupoan ko.

Bakit ba subrang napaka naman nila?

GEO's P. O. V.

Di ko naman aakalain na dito pala siya makikita ulit at ito pa, iisa kami ng section. Nursing din siya, haist! Hindi naman sana ito ang kukunin ko kaso, itong si Mike ang sabi para maiba daw kami sa ibang kaklase namin noon dito daw kami sa nursing course para daw dag-dag pogi points sa mga girls. E, hindi ko naman gawain 'yon.

Nadidisappoint ako sa sarili ko kanina sa classroom namin dahil pinagtatawanan nila si Alexa, dahil sa kaniyang last name, ano ngayon kung ganon last name niya? Haist! Bigla ko nalang nayupi ang soda in a can dahil sa nadadala parin ako sa pagkakainis ko sa sarili ko.

"Hoy! Napano ka ba hah?"-Sungit na tanong sakin ni Mike.

"Wa-wala wala,, sorry!"-Sabi ko sa kanila sabay tayo ko at nag lakad na papalabas na sana ako kaso may daanan akong babae na bigla nalang itong natapilok kaya naman tinulongan ko ito.

"Mis. Okay ka lang?"-Tanong ko kaagad sa kaniya.

"Aw! Ang sakit"-Sabi pa niya na namimilipit sa sakit.

"Gusto mo ba dalhin na kita sa clinic?"-Tanong ko pa sa kaniya.

"Nako wag na, kaya ko naman---Aw! "-Sabi niya at sinubokan niyang tumayo, pero dahil sumakit ang paa niya ay na out of balance ito at nagkalapit ang mga mukha namin sa isa't-isa, para bang sinasadiya niya o ano? Buti nalang nahawakan ko siya bago pa makalapit ng tuloyan ang mukha niya.

"I think you are okay."-Sabi ko sabay iniwan ko na siya kaagad at tuloyan na akong lumbas ng cafeteria, 'di ko pinansin ang mga nakatingin samin sa may pintuan ng cafeteria.

"Geo!"-Tawag niya sakin. Kilala niya ako pero siya hindi ko siya kilala, sino ba siya sa inaakala niya? Akala niya siguro mauuto niya ako sa mga the moves niya. Nako! Luma na yan.

Naglalakad na ako sa hallway pabalik sa classroom namin. Nakita ko naman sina Shantal kasama ang mga kaklase naming mga babae na ginagalaw ang mga gamit ni Alexa.

"Ano sa tingin niyo ang ginagawa ninyo?"-Anang tanong ko sa kanila na hindi nila ako napansin na kakarating ko lang.

"Geo, ahm?? hali ka tulongan mo kaming sirain ang gamit ni Mis. Buraot na pangit pa."-Lait pa ni Shantal kay Alexa habang natutuwa pa mabuti na lang wala dito si Alexa.

"Akin na nga yan."-Sabi ko sabay nilapitan ko sila saka ko naman kinuha ang mga gamit ni Alexa sa kanilang mga kamay na may galit pa na tuno ng boses sa kanila.

"Ano ba? Geo, she is a freak! kaya hayaan mo na lang kami."-Sabi pa ni Shantal na iniagaw sakin ang mga gamit ni Alexa.

"Sabing akin na 'to!"-Taas ng boses ko sa kanila. Natakot naman sila saka naman nila akong hinayaan na ibalik sa bag ni Alexa lahat ng gamit niya. Nang hawakan ko ang isang note book na kulay pink na puno ng desinyo.

ALEXA's P. O. V.

Papasok na kami sa cafeteria nang makita ko kung paano tinulongan ni Geo si Ating makating higad. O! My Geo! Pero buti nalang nakuha naman agad ni Geo na arte lang 'yon ng babaeng higad na ito para makaisa kay Geo.

Nang palabas na siya, tumalikod ako kaagad para di niya ako makita. Saka naman kami pumasok sa cafeteria para bumili ng makakain namin. Nang kapain ko ang bulsa ko naiwan ko pala ang wallet ko.

"Sandali lang, Jolina at Romeo naiwan ko yata ang wallet ko sa bag ko, sandali lang huh, babalikan ko lang classroom natin."-Nagmamadalit kong balik sa classroom namin.

Nadatnan ko namang hawak ni Geo ang bag ko at ang note book kong may mga nakasulat para sa Ideal guy ko. Oh! No! Napatakbo agad ako para hablotin ang note book ko.

"Ano ba Geo akin 'to! Bakit ba nangingialam ka ng gamit ng may gamit huh?"-Sungit kong sabi sa kaniya. Ayaw ko lang kasi na may makabasa ng laman ng notebook ko. Noooooo!!!

"Let me---"

"No! Sa susunod wag kang basta-bastang nangingialam ng gamit ng hindi sayo!"-Galit ko sa kaniya. Saka ko naman kinuha sa kamay niya ang bag ko. At saka inwan ko na sila sa classroom at dinala ko nalang ang bag ko sa cafeteria.

~•~

Dear Ideal Guy Season 1 [ COMPLETED✔]Där berättelser lever. Upptäck nu