DEAR IDEAL GUY: CHAPTER 27

100 9 0
                                    

C H A P T E R 27

GEO's P. O. V.

Inaayos ko na ang dadalhing damit para kay Alexa. Andito ako ngayon sa kwarto niya nililigpit ang mga kalat sa kwarto niya.Nagtataka nga ako eh, ki babaeng tao pero ang kalat-kalat ng kaniyang kwarto.

*bebep! Beeep!* anang tawag ni Kuya sakin, Oo! Sasama siya sakin sa pagbabantay kay Alexa ngayong gabi.

Nagmamadali na akong lumabas sa kwarto ni Alexa dala ang damit na susuotin niya para bukas.

"Oo! Andiyan na, subrang excited lang??" Naiinis kung sigaw nang makalabas na ako ng bahay namin.

Nang makalabas na ako ng gate doon ko lang nakita si Kuya na umiiyak na pala. Bakit kaya??

Di kaya nakukunsensiya dahil sa ginawa niya kay Alexa?

Haist! Kuya talaga akala ko ba wala itong kunsensiya?

Inilagay ko sa backseat ang bag na may lamang damit ni Alexa. At saka ako umupo sa tabi niya.

"Oh ano? Nakukunsensiya kana?"

"Hah?" Pagtataka niya.

Itinuro ko naman ang side mirror kung saan makikita ang mukha niyang umiiyak.

"Hah? Ito?? Wala 'to naalala ko lang kung paano din ako tinulongan ni Alexa noong ako din ang nangailangan ng tulong" sabi niya pa.

Aba!!! May puso nga talaga si Kuya.

"Or you just being heart broken, haist! Tama na ngayan at tara na at baka natatakot na ngayon yong pasyente natin doon sa hospital" sabi ko pa.

Napatingin naman siya sa akin ng naiinis.

Syempre siya kasi ang tinutukoy ko, hehehehehe! Kung alam niyo lang ang pag ka cold one niya ay ang pagkamatatakotin niyan sa hospital.

At pinaandar na niya ang sasakyan at saka pinaharurut ito at mabuti nalang at naka seatbelt kami.

Mga ilang minuto pa nakarating na kami sa hospital tinignan ko ang wristwatch ko 5:45 pm na.

Pinark na namin ang sasakyan sa parking lot ng hospital. At saka nag lakad papasok sa loob di naman madilim dahil 5pm pa naman pero pag 9 or 10 pm na pinapatay na nila ang ilaw sa hallway.

Papunta na kami sa kwarto ni Alexa.

Kumatok muna ako at saka kami pumasok sa loob.

Kaya pala walang sumagot kasi nanunood pala ng tv itong si Alexa.



CLEO's P. O. V.

Di ko alam kung bakit pero naalala ko lang kasi ang mga paguusap namin kanina ni Alexa bago kami bumalik sa bahay para kumuha ng damit niya.

*FLASHBACK*

Lumabas na muna sila Geo at Daddy kasama ang Doctor at kaming dalawa nalang ang nasa loob ng apat sulok na kwartong ito.

"Ahm... Shhkhajkahrry" pag hihingi ko ng sorry sa kaniya.


"Hah? Di kita maintindihan?"


"Ang sabi ko, shhghjrry!"

"Teka teka! Ako naman diba ang hospital pero parang ikaw 'yong may sakit... Ano ba talaga?" Tanong niya pa sakin.

"Haaaist! Sorry!" Sabi ko bigla sa kaniya.

"Hah??? Paki ulit nga?" Sabi niya na parang bingi at hindi narinig 'yong sinabi ko. Pinapainis niya talaga ako e.

Dear Ideal Guy Season 1 [ COMPLETED✔]Where stories live. Discover now