10. Walang Poreber

Start from the beginning
                                    


Hmp! Ang arte naman pala niya. Pero kung ako rin naman, aayawan ko rin sila.


Niz (Editorial)

Walang avail writer sa PH Rom?

Ayen (CEO)

Looking for undiscovered si GT.


Hindi na ako nag-reply kay Boss. Binasa ko ang lahat ng entry. Skim and scan, actually. Sadly, masyadong pinilit ang entries nila.

Hindi naman sa nanghuhusga agad, pero kasi, may mga story talaga na first paragraph pa lang, alam mo nang may K. Importante ang opening ng story to catch the reader's attention e. First impression 'yon. Kailangang may naho-hook agad sa unang bitiw pa lang ng linya. At hindi pa tapos ang audition. Ibig sabihin, may paparating pang ibang sakit ng ulo.

Sorry sa mga 'to, walang pumasa sa kanila. Hihintayin ko na lang ang next batch.

Lumabas ako ng cubicle at pumunta sa area ng team ko. Almost eleven in the morning na pero dalawa pa rin sina Ayrang naroon. Aside kay GT na busy sa monitor niya—na ang alam ko, post 'yon ni Butch dati bago mag-resign.

Ang dami naming naka-pend na ie-edit, at ngayon pala ang monthly evaluation, muntik ko nang makalimutan. At dahil wala ang staff ko, mapipilitan akong tumoka ng trabaho habang tinitingnan silang magtrabaho. Sobrang bihira ko pa naman silang makasama sa opisina. Pag-upo ko sa post ni Mariz, nagtaka agad sina Ayra.

"'Te Niz, mag-e-edit ka?"

Hindi naman isinasara ang PC ng team, ini-standby lang. Binuksan ko ang account ni Mariz at nagbukas din ng GDocs.

"Sino'ng active ngayon?" tanong ko pa. Sumagot ang dalawa at pati si GT.

Binuksan ko ang isang manuscript at invited sila to edit that—kahit si GT.

Associate ko siya, magpasa siya ng activity niya.

The manuscript was Pichi's story. This is for manuscript critique. Teen fiction. Mabuti't nandito sina Ayra dahil forte nila 'to. I told them to flag all errors na makikita nila sa story premise at 'yon ang kailangan kong i-check pagkatapos. Forty thousand words lang naman.

Ang tahimik sa buong floor. Kung may mag-ingay man, sobrang hina pa. Boses ko lang yata ang naririnig kong nagsasalita.

I started to read. Waiting ako sa flags ng tatlong kasabayan ko. Unang chapter pa lang, even the first paragraph, may error na. Nag-insert ako ng comment kasi mabilis ang pacing. Kararating pa lang sa gate ng lead character for flag ceremony, after ng isang sentence, recess na nila without further explanation. Kapag hindi naman nakakatulong sa plot development, kailangan nang i-cut kasi aksaya sa word count.

Bago pa man ako maka-scroll pababa, may another comment na naman. Comment ni GT, saying he agreed with my flag and he suggested what to insert para mapabagal ang pacing while keeping the plot execution.

I pointed out all the error and GT dropped all possible suggestions for the plot's improvement. At sa loob ng two and a half hours, natapos namin nang tahimik ang paglalagay ng inline comments habang nagla-lunch pa. At wala man lang akong nakitang flags mula kina Ayra.

"Guys, what happened? Comments?"

"Wait lang, 'Te Niz, nasa chapter four pa lang ako," sagot ni Ayra. Kumain pa kasi sa labas kaya natagalang humabol.

"Same." Pati rin si Yeng.

Tiningnan ko si GT na tumutungga ng C2 habang nakatitig sa monitor. Tahimik lang siya ngayon. Himala.

The F- BuddiesWhere stories live. Discover now