Tinutukan ito ng mga tauhan ni Minerva pero mabilis nitong binaril sa ulo ang dalawa. Kumilos din si Clyde at Rein at sa isang kisap-mata lang ay napatumba ng tatlo ang mga tauhan ni Minerva.

Mabilis na lumapit ang babae sa akin at tinutukan ako ng baril sa ulo.

"Papatayin ko ang babaeng 'to!" Sigaw nito.

Si Jastin ay hindi nakakilos at tumiim ang bagang nito.

"Sabay-sabay tayong sasabog lahat dito." Anito at idiniin sa ulo ko ang dulo ng baril nito.

"You have two minutes only and this whole place will explode. Sasabog tayong lahat. Isasama ko kayong lahat patungo sa impiyerno at-"

Hindi ko inaasahan ang ginawa ni Jastin. Pinaputok nito ang hawak na baril at napahandusay sa mismong harapan ko si Minerva. Dilat ang mata nito habang duguan ang ulo.

"Mauna ka sa impiyerno." Mariing sambit ni Jastin at napapitlag ako nang muli pa nitong barilin ng dalawang beses sa ulo si Minerva.

Hinagis nito ang hawak na baril at mabilis akong nilapitan.

Nanginginig at nanlalamig ang mga kamay nito nang hawakan ako.

"Clyde!" Malakas na tawag nito kay Clyde.

Mabilis na lumapit si Clyde at tinignan ang bomba sa katawan ko. Clyde is expert on defusing a bomb and he was doing his best to defuse the bomb on me.

Ilang segundo na lang ang natitira at halos hindi humihinga si Jastin habang mahigpit nitong hinahawakan ang kamay ko.

At everyone sighed in relief when the time bomb stops at exactly one second.

Tila nanghihinang napaupo si Jastin sa semento pero kaagad din akong tinignan at ikinulong sa mga bisig nito. Mariin ako nitong hinalikan sa noo.

"God, I was so scared to hell." He muttered.

Naririnig ko ang mabilis na pagtibok ng puso nito dahil sa sobrang takot.

Bahagya itong lumayo sa akin at kapagkuwan ay tinanggal ang mga natitirang lubid sa katawan ko. Mahigpit ako nitong niyakap.

Inalalayan ako nitong tumayo. Nabuwal ako at kaagad ako nitong hinapit sa beywang. Nanginginig ang mga tuhod ko. Lahat ng takot na naramdaman ko kanina ay lumabas ngayon.

Napahagulhol ako ng iyak at si Jastin ay ikinulong ako sa mga bisig nito habang hinahalik-halikan ang ulo ko.

"Shhh. I'm here. I'm here, baby. Stop crying, please. You're making me worried." He murmured.

"I-I was so scared. A-Akala ko hindi na kita makikita ulit." Usal ko at mas lalong lumakas ang iyak ko.

"Baby..." Anas nito at tila hindi alam ang gagawin. Hinahaplos nito ang likod ko at pilit akong pinapatahan.

"I'm sorry. It's all because of Minerva. But she's gone. Hindi na niya tayo magugulo. Wala na siya. Shhhh. Don't cry, Krystal. Don't cry, please." Hinalik-halikan ako nito sa gilid ng labi.

Hinuli nito ang labi ko at hinalikan ako. Tinugon ko iyon habang sumisinok dahil sa pag-iyak ko.

"Hello? May tao dito, love birds! Mamaya niyo na ituloy 'yan." Narinig naming reklamo ni Rein.

We both pulled away from our kiss and looked at each other. Muli ako nitong niyakap ng mahigpit.

"Thanks to our driver, he called me immediately before he died. We owe him a lot." Anito at napabuntong-hininga.

We really owe him a lot. Tutulungan namin ito, lalo na ang pamilya nito bilang pasasalamat sa ginawa nito.

"Paano mo ako nahanap?" Tanong ko nang maghiwalay kami at nagkatinginan.

"Through your phone." Anito at hinalikan ako sa noo.

"Papunta na si Sharmaine dito to investigate." Lumapit si Rein sa amin.

Tumango si Jastin.

"Thank you for saving me, Rein, Clyde." Nakangiting usal ko sa dalawa.

Clyde smiled.

"Mukhang hindi lang kami ang pasasalamatan mo." Usal ni Clyde at tumingin sa kung saan.

Nakita ko si Prince na nakangiting tumingin sa akin. Prince is our sniper and I expect that it's him who shoot the enemies earlier from afar. Pero alam kong may mga kasamahan ito. Hindi nito kayang patumbahin ang labing-dalawang tao ng halos sabay-sabay.

At katulad ng inaasahan ko ay may mga kasamahan ito. Napatingin ako sa limang lalaking kasama nito. Seryoso ang mukha ng dalawa nitong kasama at ang dalawang lalaking magkamukha ay may ngiti sa mga labi

At halos mapaawang ang labi ko nang makilala ang isa pang kasama ni Prince.

Si Adrian!

Anong ginagawa nito dito?

Nagsalubong ang mga mata namin ni Adrian at sumaludo ito bilang pagbati.

Nagtatakang tumingin ako kay Prince.

"Everyone, meet the Phoenix's snipers." Simula ni Prince at hinawakan sa balikat ang isa nitong kasama.

"This is Tracker." Pagpapakilala nito sa lalaki.

Sunod nitong tinignan ang katabi ng pinakilala nitong si Tracker.

"And that one is Kurt. And the twins, Storm and Thunder. And of course, pamilyar na kayo sa pinsan ni Sharmaine, si Adrian." Pagtatapos ni Prince.

Napakurap ako. Adrian is part of the Phoenix's snipers?

Naramdaman ko ang mahigpit na paghapit ni Jastin sa beywang ko na tila ba pinoprotektahan ako nito. Napatingin ako dito at nakita kong madilim ang mukha nito.

"Are you okay?" I asked.

Mukhang alam ko na kung bakit biglang sumama ang aura nito. He's jealous and I want to confirm it.

Humakbang ako pero mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa beywang ko.

"Where are you going?" Medyo salubong ang kilay na tanong nito.

"I will just talk to Adria-"

"Don't you dare." Anito at mas lalong dumilim ang mukha.

Lihim akong napangiti. He's really jealous.

Muli akong napatingin sa mga kasamahan ni Prince. Finally, the Phoenix's snipers revealed their faces. Looks like James allowed them to exposed themselves. And I never thought that Adrian is part of their team.

Mukhang kakailanganin ko ng maraming lakas at pasensya dahil alam kong magseselos itong katabi ko. Siguradong magseselos itong lalaking mahal ko.

To be continued...

A/N: This is the main reason why I bring Minerva back to life.🤣 Because I want to introduce "The Snipers" of Phoenix.😊

Adrian, Tracker, Kurt, Thunder and Storm. Nice to meet you, my snipers.🤗😘

The end is near. Ready to say goodbye to our Jastin and Krystal?🤗😍

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara