"Thank you for staying here for Jastin, Rein." Inabot ko kay Rein ang isang tasang kape habang nagmumuni-muni ito sa balkonahe ng bahay.

Nagpasalamat ito at ngumiti.

"Para sa kaibigan ko." Anito at sumimsim ng kape. "At utos na rin ni James na tutukan ko si Jastin." Patuloy nito.

"I haven't talk to him yet. Especially about Jas-"

"He'll forgive Jastin soon, Krystal. Knowing James, hindi niya tayo matitiis. He have reasons why he don't talk to Jastin." Agaw nito sa sasabihin ko.

I sighed.

"It's already proven that Jastin didn't kill my baby." I murmured.

Tumingin si Rein sa akin at tumango.

"Alam ni Phyton ang bagay na iyon. He just can't accept the fact that Jastin hurt you, both emotionally and physically. You know James, one of his rules is not to hurt any woman in a physical way. Though he's aware that he hurt a woman before because of his wife. Because of Princess." Anito at muling sumimsim ng kape.

Naiintindihan ko si James. Nalulungkot lang ako para kay Jastin dahil kahit alam kong hindi nito pinapahalata ay apektado ito dahil hindi ito kinakausap ni James. Pero tama si Rein, hindi matitiis ni James ang isa sa amin. He maybe a strict leader pero si James ang may pinakamalambot na puso sa aming lahat.

"Uuwi ka na bukas, hindi ba? Baka sasabay na rin kami ni Jastin sa'yo at-"

Natigil ako nang tumunog ang cellphone nito. Kunot noong sinagot ni Rein ang tawag at bumakas ang matinding pag-aalala sa mukha nito nang marinig kung anuman ang sinabi ng caller.

"I have to go back to Manila." Anito at nagmadaling lumabas ng bahay.

Hinabol ko ito.

"T-Teka, may nangyari ba?" Nagtatakang tanong ko.

Lumingon ito sa akin.

"Sharmaine is in the hospital now." Tiim ang bagang na tugon nito. "Ang tigas ng ulo. Alam niyang bawal siya sa seafoods pero kinain pa rin." May galit sa boses nito pero mas lamang ang pag-alala sa boses na tila ayaw lang ipahalata sa akin.

Tumango ako.

"Take care of your way home, Rein. Huwag masyadong mabilis. You know Sharm, she's brave. Sharmaine will survive so don't worry."

"I'm not worried. She's my responsibility because I am her brother but I'm not worried." Kaagad na depensa nito.

Napangiwi ako. What's wrong with these two people? Parehong tinatanggi ang mga totoong nararamdaman.

"If you say so." Nginitian ko lang ito.

Tinignan ko lang ito na halos paliparin ang sasakyan papalayo sa akin.

"Not worried, huh?" Napailing ako.

Pumasok ako sa bahay at dumiretso sa kusina. Nakaramdam ako ng gutom kaya naghanap ako ng makakain doon.

Bahagya pa akong napapitlag nang may yumakap sa akin mula sa likod. Napangiti ako at napapikit. That smell. Gustong-gusto ko talaga ang amoy nito.

Nagmulat ako ng mga mata at pumihit paharap sa binata. At sa pagharap ko ay bigla nitong sinakop ng halik ang mga labi ko.

Napaungol ako nang kagatin nito ang ibabang labi ko na tila ba sabik na sabik at gigil na gigil ito sa akin.

Hinapit ako nito sa beywang at nag-umpisang maglakad dahilan para paatras akong naglalakad habang magkadikit ang katawan naming dalawa at hindi naghihiwalay ang mga labi.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now