Special

101 5 0
                                    

Daryl Na

"Prinsesitang hilaw." Tawag ko sa jowa kong abala sa pagseselpon.

"O?" Walang gana nyang sagot. Ngumuso ako dahil hindia man lang nya ako pinansin.

Hmmp!

Tumahimik na lang ako at nagpatuloy sa pagluluto ng paborito nyang bread popcorn.

Ilang minuto akong naging tahimik pero wala pa rin syang pakialam! Panay selpon pa rin sya!


Ha! Baka naman may sidechi--......sideboy itong prinsesitang to?

Mas dumulim pa ang mukha ko ng makita ko syang ngiting ngiti habang nagbabasa sa selpon nya.

Pabalik balik ang tingin ko sa kanya at sa bread caramel na niluluto ko. Hoy! Pirnsesitang hilaw! Pansinin mo ko!

"Lalabas ka ba mamaya?" Tanong ko sa kanya para naman mapansin nya ako. Isinuklay ko ang kulay blonde kong buhok pabalik kasi nga gwapo ko.

Oo na....ako na papansin

Pake nyo naman? Palibhasa kasi wala kayong mga jowa. Magjowa kayo tapos doon kayo magpapansin.


"Tinatamad ako eh." Kibit balikat nyang sagot. Bumuntong hininga ako at binagsak ko ang kutsara.

Bigla naman syang napaangat dahil sa ginawa ko. Nginusuan ko lang sya. Pinaningkitan nya ako ng mata dahil sa ginawa ko.


"Nagpapapansin ka nanaman ba ha baba?" Hindi ako sumagot at sumubo na lang ako ng bread popcorn na nilagay ko na sa plato.

Masamang tingin ang ibinigay ko sa plato ng niluto ko habang nilalamon ito.

Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Princess at tumayo ito sa pagkakaupo sa dining table. Lumapit sya sa akin at magaan akong niyakap mula sa likod.


Biglang nawala ang inis ko at napalitan iyon ng di mapigilan na ngiti.


"Happy 1st anniversary raw bati ng mga kaibigan ko." Hinalikan nya ako sa pisngi. Hindi ko naman mapigilang makilig dahil sa ginawa nya.


Peste nababakla ako sa babaeng to.


Kumuha ako ng isang piraso ng bread popcorn at isinubo iyon sa kanya na ngayon ay nagpapacute sakin.

"I love you, nana." Ngumiti sya at ipinatong nya ang baba nya sa balikat ko.


"Lol l love me too." Pagbibiro ko. Pinaningkitan nya ako ng mata dahil sa sagot ko.

Tumawa lang ako ng mahina at hinalikan sya sa noo. "Love you too hon."

Ikiniskis nya ang mukha nya sa balikat ko at ramdam ko ang pag amoy nya sa pabango ko.

Shet! Binabaliw ako ng babaeng to!


"Woy walang poreber!" Pareho kaming napalingon sa taong pumasok sa bahay ko. Halos magsalubong ang kilay ko ng ngumiti sya sakin ng inosente.


"Mukha mo feeling inosente ka." Nakasimangot kong sabi kay Royce na bagong dating. Para siguro mangsira ng araw ng mga magjowa na karaniwan nyang gawain.

Tss sana tamaan ka ring ulol ka. Isinusumpa ko! Maiinlab ka sa duwendeng kauri mo! BWAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA


"Inosente naman ako ah." Pagtatanggol nya sa sarili nya.


"Utot mo Royce Huang." Binelatan sya ni Princess na hindi pa rin umaalis sa pagkakayakap sakin. Wala rin naman akong reklamo. Hehehehehe


"Bawal feeling virgin dito! Shoo umalis ka na!" Pagtataboy ko sa kanya.

Ngumuso sya at umupo sa harapan namin. Kumislap ang mata nya ng makita ang bread popcorn na nasa harapan namin.

At sabi ko nga patay gutom ang pandak na to. Halos ilamon ba naman ang buong plato.


"Aalis kami mamaya, baka nakakadistorbo ka." Sarkastikong wika ni Prinsesitang Hilaw.

Nagkibit balikat lang sya at nagpatuloy sa pag kain.

"Edi sasama ako." Ngumisi sya saming dalawa.


"ROYCE!"

APPLE JUICE (Minju x Jaemin) ✔Where stories live. Discover now