58

56 3 0
                                    

Daryl Na

Hayysss salamat..sabado ngayon. Makakapagpahinga na ako..

Kinusot kusot ko muna ang mga mata ko bago ako bumangon. Dito ako sa sahig natulog, alangan namang patulugin ko ulit si princess dito.. malamig pala talaga hehehehhe

Sinilip ko ang kama..

Wala sya..

Bumaba ako para makapagluto...baka naman lumabas iyong prinsesitang hilaw na iyon..

Gulo gulo pa ang buhok ko pero yaan nyo na..gwapo pa rin ako.

'Gwapo ako' -Daryl Na 2k19

Mamamatay akong gwapo hehehhehehehe

Pagdating ko sa kusina bigla akong nagulat..

Holy cow.

Bakla ko..

Ang prinsesa...pinagsilbihan ako.. Nakahanda na ang mga kubyertos sa mesa.

May nakita akong magandang anghel na nakatalikod sakin..abala sa pagluluto ng almusal..

Sana pati sa pagtanda ko ganito parin ang maaabutan ko tuwing umaga...

Asa ka Daryl..

Si Jayce parin laman ng puso nyan, Pero sana lang naman iyon eh..

Sana

"Oy Nana" nginitian nya ako..

Inilipat na nya ang prinito nyang itlog at porkchop sa pinggan..Wala sa sarili akong napangiti..

I'm falling for this girl day by day....

Pero mali eh..

Tama..

Mali to.

Umupo ako sa harapan nya..

"Naghanda ako ng almusal. Kahit papaano para makabayad ako sa pagpapatuloy mo sakin.." nakaingiting wika nya..

"Sus! Kahit wag na! Pero....pwede na rin naman." Nagkibit balikat ako at kinuha ko na ang kutsara't tinidor.

Habang abala ako sa pag kain di ko maiwasang di mailang..

Alam kong gwapo ako pero wag mo namang ipahalata..

"Ang pogi mo." Nakangiti nyang sabi...pinisil pisil pa nya ang namumula kong pisngi..

Teka...Hindi namumula ang pisngi ko..sadyang mainit lang talaga..

Puta..ba't ba ako nababading??

"Uhh pupunta pala ako mamaya sa kaila Royce." Sabi nya..

"Ha? B-bakit?" Bakit ba close sila ngayon ni Royce?

Teka..bakit ba ako nagseselos??? OY SINO NAGSABING NAGSESELOS AKO? uhhh curious lang...

"Magpapractice kami para sa foundation day.."

Naalala ko pala na sila iyong nanalo sa pesteng mapeh na iyon...tsk. mas magaling akong kumanta kesa sa kay Royce noh..

"Sige...umuwi ka ng maaga ah."

Napakurap sya ng ilang beses pagkatapos ay lumapad ang ngisi nya..

Anyare sa babaeng to?

"What?" Tanong ko.

"Wala.."

Napabuntong hininga na lang ako..

Princess....

Mali eh...pero bahala na. Ikakasal na ako sa susunid na buwan. Matatali na ako kay Mira kaya lulubusin ko na to..

APPLE JUICE (Minju x Jaemin) ✔Where stories live. Discover now