13

118 9 1
                                    

Daryl Na

"Bigyan mo nga ako ng isang apple juice.."

Taas kilay akong tinitigan ni Vince hyung. Tangna..bakit ba sya ang bartender ngayon? Naalala kong tanga pala sya...

"Hoy ikaw na bata ka, bakit ka nandito?"

"Hyung, hindi na ako bata! Legal na akong pumunta dito..." Mas inaasar na ako ng matandang to ah.

"Luh relax...highblood mo boi. Mas matanda ako sayo bata.."

Takte naman ng tandang to oh! Andaming satsat!

"Bar to, Daryl. Bakit ka naman hahanap ng apple juice dito?" Takang tanong nya.

Hindi ko sya pinansin, imbis ay inilihis ko ang atensyon ko kay Princess na tahimik lang na umuupo sa table malayo sa amin habang may hawak na baso ng alak.

"Ahhh, ok"

Tumango tango pa ang matanda na para bang nagegets na nya kung bakit ako nandito...

"Teka lang.." umalis muna si Vince hyung at may kinuha sa loob..

Hindi ako mapakali habang binabantayan ko ang kilos ni Princess..

Nyemas ng babaeng to..nagpapakalasing para lang sa isang lalaki? Tsk tsk....kung ako na lang kasi, wala ka na sanang problema ngayon..

Pero ano namang magagawa ko? Di ko sya mapipigilan. Tanga ako eh...ano namang laban ko kay Jayce?

"Eto na martyr boi" sinamaan ko muna ng tingin si Vince hyung bago ko hinablot sa kanya ang isang malaking bote ng applejuice.

Bumalik ako sa table namin. Iyong babaeng lasinggera, nakaupo lang at tahimik na pinaglalaruan ang keychain ko hawak hawak ang baso nyang wala nang laman.

Ubos nya agad?!!! What the?!

"Hoy babae, eto na apple--beer mo." Inilapag ko ang bote ng Beer, pero ang totoo ay apple juice ang laman non.

Walang sabi sabi nyang sinalinan ang baso nya. Pinagmasdan ko lang ang maganda nyang mukha, gulo gulo na ang buhok nya at namumula na rin ang mata nya sa kakaiyak.

Ayokong magalit kay Jayce pero di ko mapigilan..GAGO NYA LANG! He missed a precious stone...more precious than diamonds and pearls...he missed a one and only Princess Kim.

"Teka" kumunot ang noo nya, sumimsim sya ulit sa baso at sinamaan ako ng tingin pagkatapos.

"Beer ang sabi ko hindi apple juice"

"Huh? Beer naman iyan ah." Best actor ako lam mo iyon? Inosente ko peste hahahahaha

Tinitigan nya ako ng matagal. Ewan, pero bakit ako naconscious? Alam ko namang wala akong hiya sa kagwapuhan ko, pero tangina lang! Tiklop ako sa babaeng to, pag dating talaga sa kanya nababakla ako..

"Ang cute mo Nana kooo" pinisil pisil nya ang pisngi ko, grabe tong babaeng to. Ilang pulgada na lang ang distansya ng mukha nya sakin.

Damn those lips...

Puta ka Daryl, tumino ka kundi makakatikim ka ng sapak sa dalawa nyang kuya....

"H-hoy babae, b-bata pa ako.." ay nyemas! Ang bakla mo Daryl!

Napatigil sya sa pagpisil sa pisngi ko, tinitigan nya ako ng matagal.

I weirdly glanced at her...tumawa ba naman ng napakalakas? Tapos andami pa, baliw na tong babaeng to tsk tsk..pero mahal ko naman...

Hindi pa sya nakapagsalita bigla na lang pumikit ang talukap ng mga mata nya. Bago pa sya masubsob sa mesa hinarangan ko nya iyon ng braso ko. May binulong pa sya bago sya nawalan ng malay.

"I love you..."

I smiled bitterly...

Alam ko namang hindi iyon para sakin kundi para kay jayce. Pero tanga ako eh, tatanggapin ko na lang iyon para sakin..

Ngayong oras nagpapasalamat ako kay Jayce, binigyan nya ako ng oras para makasama tong babaeng baliw na to, binigyan nya ako ng lakas ng loob...

"I love you too princess.."

APPLE JUICE (Minju x Jaemin) ✔Where stories live. Discover now