"Sabi ni Mama hindi ka pa daw kumakain simula kaninang tanghali..." kinuha nya yung pagkain sa gilid.

Napatingin ako sa knuckles nya. May sugat ang mga iyon at parang sariwa pa. Hinawakan ko yung mga kamay nya at parang nagulat pa sya.

"Nakikipag away ka?" Nanggigilid na yung luha ko. Nakipag away ba sya dahil sa problemang hinaharap ko?

"Nabastos kase si Shann...pinagtanggol ko sya. Kain na tayo Babe.." at nasa tapat na ng bibig ko yung kutsara na may pagkain at hindi ako makatanggi dahil sa mga titig nya.

Habang kumakain kami ay kinuwento nya yung buong araw nya sa office. It seems na minomotivate ako ni Cyrll na ihakbang lang namin yung mga paa namin sa mga problemang dumadating sa amin.

Pagkatapos namin kumain ay kumuha ako ng panlinis ng sugat.

Habang nililinisan ko sya ng sugat ay nakatitig sya sa mukha ko na parang kinikilig.

"Date tayo ngayon..." sabi nya at napatingin ako sa wall clock.

"Nang 10:30pm?" Pinagloloko ba nya ko kaya diniin ko yung bulak sa sugat nya ng magising sya.

"Ouchh! Naman Babe!" At hinihipan nya yung kamao nya.

Nang makarecover sya ay hinila nya ko patayo at nilagay nya yung dalawang braso ko sa balikat nya at sya naman ay humawak sa bewang ko. And she starting humming a song.
I smiled when we start dancing slowly.

"Title?" Nakangiting tanong ko dahil I'm starting to like it kahit hindi ko pa naririnig yung exact lyrics.

"Gorgeous by Taylor Swift." She said.

"You're so gorgeous
I can't say anything to your face
'Cause look at your face
And I'm so furious
At you for making me feel this way
But, what can I say?
You're gorgeous" kanta nya.

Hinalikan nya ko sa tungkil ng ilong ko.

"Date with me tonight please..." malambing na saad nya.

"In the middle of the night?" Natatawa at hindi ko makapaniwalang tanong.

"May specific time ba ang date?" Naguguluhang tanong nya kaya napatawa ako.

Shann's POV

"Tang ina! Hindi kayo titigil!" Bulyaw ko sa dalawang argggh! Nevermind!

Kinuha ni Yuri kina Gale at Hunter yung mga lobo at iba pang pangdecorate dahil sa totoo lang hindi sila nakakatulong. At nginitian lang sila ng  girlfriend ko.

Kakainis kanina pa sila nag aaway na dalawa. Imbis na makakauwi na para makapagpahinga nagtatagal kami sa pag aayos ng biglaang date ni Cyrll eh lalo pa kaming nagtatagal sa dalawang 'to!

"Let me do this girls....and please stop fighting and it may end it in something called 'romance'" pang aasar ni Yuri at parang nandiri yung dalawa sa narinig.

Matutuwa na sana ako kay Gale dahil ramdam ko nais nyang makabawi sa kapatid nya pero hindi kase nya gusto yung ganitong ka-chessy na gawain. Wala namang asukal sa katawan to!

Si Gale lumapit kay Yuri at parang ang dami nitong tanong.

"Wala bang mas mabilisang way para gumaling ako?" Tanong ni Gale kay Yuri.

"Kung meron man sana ginamit na kay Cyrll noon pa man." Banat naman ni Hunter.

"Duktor ka ba? Dami mong alam ah." Malditang sabi naman ni Gale.

"I'm the one who help Cyrll to go out in this establishment......sa ayaw at gusto mo ako ang makakasama mo...siguro takot ka sakin?" Sarcastic na tanong ni Hunter.

"Why on earth I will be scared of you?" Naniningkit ang mga mata ni Gale habang nakatingin kay Hunter.

"Ay! Kaya pala pinaalis mong lahat ng speaker ko sa Garden....dahil may trauma ka sa music at anytime na magpatugtog ako hindi mo kakayanin. Nalagyan nga kita ng tattoo sa leeg mo ng mahimatay ka sa isang classical music.Sobrang hina!" Napahinto ako at napangiwi. Hayop na Hunter na 'to talagang sinasagad si Gale.

"Ma-oover come ko yun! Wag kang atat....idadahilan mo pa yung pagpass out ko sa warehouse....bakit hindi mo aminin na talagang sinadya mo na markahan ako para ipakita sa buong mundo na inaangkin mo ko! What a selfish act of yours!" Doon ako napatawa....ito yung kayabangan ni Gale noong High School kami. Nagyayabang sya para hindi sya matalo sa diskusyon. And it's freaking effective.

"What? Are you out of your mind......." namumula na din sa galit si Hunter at parang hindi sya makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig ni Gale.

"Yeah! Kaya nga nandito ako sa Garden remember..." sarcastic na turan ni Gale.

Nabigla kaming lahat ng may lumipad na bagay at tumama iyon sa noo ni Gale. At parang nag dead air yung paligid at tunog lang ng nabitawang box ni Yuri yung narinig namin.

Bago pa man sumabog sa galit si Gale ay sinipa sya ni Hunter sa binti nya kaya lalo syang namilipit sa sakit. Pareho kami ni Yuri na nagpatay malisya na walang nakita.

Hunter walk out na parang walang nangyare. Si Gale namimilipit sa sakit.

Paulit ulit syang nagmumura.

"Uhmm! Magpapadala pa ko ng isang nurse para mag assist sayo. Don't worry gagaling ka as far sinusunod mo yung mga therapy sessions mo eh." Sabi ni Yuri na parang pinapakalma si Gale.

Papatapos na kami ng may nagsalita sa likuran ko.

"This...wow!"

Napatingin kaming lahat kay Roian na sobrang manghang mangha sa dekorasyon na ginawa namin.

Kainis! Wala na! Hayop kase sina Gale at Hunter eh!

Si Cyrll hindi maipinta ang mukha sa sobrang pagkadissappoint dahil hindi ito natapos at nandito pa din kami kase surprise ito eh!

Tumaas yung kilay ko at tinuro ko yung kapatid nya. Sampalin nya yung kapatid nya bakit sakin masama ang tingin nya.

At nakatingin sa amin na BAKIT-AKO look! Husay ng Gale na 'to sya naman ang dahilan bakit nagtagal dahil nag aaway silang dalawa ni Hunter kanina.

"Surprise??" Alangan sabi ni Yuri kay Roian.

Napatawa si Roian at hinila nya si Cyrll para makalapit sa ginawa namin.

"This is amazing....thank you!" Napangiti kami ng binigyan ni Roian ng isang mabilis na halik sa labi si Cy. Ngiting panalo si Cyrll. Hindi na sya galit sa amin.

"Love yung reward ko mamaya!" Sigaw ni Yuri na nakakatitig sa dalawa. Gago!

"Oo..manahimik ka lang dyan...." alangan kong suway kay Yuri na nasa kabilang side, nang aagaw sya ng eksena at nagtawanan silang lahat.

Makakabalik na kami sa dati. Malapit ng maayos ang lahat at ngayon hindi na ko papayag na mangyare ulit yung dati na gumuho ang lahat sa amin.

Hindi na ko yung Shannon dati na pinanuod lang lahat at walang lakas para lumaban.

..............................

Thank you for reading

Vote and comment guys

~dark19



Inside Her Mind (GirlxGirl)Kde žijí příběhy. Začni objevovat