Hindi ito umimik at mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa akin. Sa mga panahong malungkot at nangungulila ako ay palagi itong nasa tabi ko. Hindi ako nito iniwan. Basta na lang kaming nagkaintindihan at naging magkasintahan. Inamin nito noon na gusto ako nito at tinanggap ko ito. Ito palagi ang karamay ko sa lahat ng bagay. Ito ang tumulong sa akin para pansamantalang makalimutan ang nakaraan. At ngayon ay mukhang kailangan ko na itong bitawan.

"What will happen to us now?" He asked.

Napabuntong-hininga ako.

"Come back to her. Alam kong mas magiging masaya ka sa kanya." I was talking about his ex-fiancee.

He pulled away from our embrace and let out a deep sigh.

"Alam mong hindi niya ako kailangan." Malungkot ang mga mata nito. Kahit paulit-ulit nitong itanggi, alam kong mahal pa rin nito ang ex-fiancee nito.

Alam ko ang nakaraan nito. Alam din nito ang mga pinagdaanan ko. Kaya siguro nagkasundo kaming dalawa at mas piniling tulungan ang isa't-isa. Mas pinili naming gamutin ang mga sugat galing sa nakaraan pero mukhang pareho naming hindi magagamot iyon. At ang tanging makakagamot niyon ay ang mismong mga taong nagdulot ng sugat sa mga puso namin.

Hinaplos nito ang pisngi ko.

"Mas kailangan mo ako ngayon." Malungkot akong ngumiti sa sinabi nito.

"I'm always thankful that you're always there for me, Drey. Pero panahon na para harapin natin ng nag-iisa ang nakaraan." Humilig ako sa balikat nito at pumikit.

Inakbayan ako nito at masuyong hinalikan sa noo.

"Still friends after this hurtful break-up?" Natatawang tanong nito.

I smiled.

"Walang magbabago, Drey. We're still friends no matter what." I murmured.

Nakaramdam ako ng antok. It's a pregnancy thing, I guess.

Hinayaan ako nito Adrian na makatulog sa balikat nito at nang magising ako ay maayos akong nakahiga sa kama ng kuwarto ko. Mukhang binuhat ako ni Adrian papasok dito.

Napatingin ako sa bedside table at binasa ang nakasulat sa maliit na papel.

I'm still here when you need me. Take care of yourself, Krystal.

- Adrian

Napangiti ako.

"Thank you, Adrian. Hope to see you happy with her in the future." I whispered.

I decided to see a doctor. Bumiyahe ako patungong J'Smiths Hospital at doon ko nakumpirma na buntis ako. Three weeks pregnant.

Nakaramdam ako ng kasiyahan at kaakibat niyon ay takot. Napabuntong-hininga ako at naisip si Jastin. That man, he's really a sharp shooter. Mula noon hanggang ngayon ay mabilis ako nitong nabubuntis.

Ilang linggo ko na itong hindi nakikita dahil na-extend ang misyon nito sa Palawan. He's with Rein na naging kapalit ko sa misyon.

Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan at ngumiti. Hindi ako makapaniwalang magkaka-baby na ako ulit.

Kasalukuyan na akong nagbibiyahe pauwi sa bahay nang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko iyon at pinindot ang loudspeaker.

"Krystal." Napakunot ang noo ko nang mahimigan ang panic sa boses ni Sharmaine.

"What happen?" Kaagad na tanong ko.

"S-Si Jastin. He's in a critical condition now. The helicopter is on it's way to transfer him to the J'Smiths Hospital." Bigla akong napapreno sa narinig.

"A-Anong nangyari?" Tanong ako. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa narinig.

"Pauwi na sila ni Rein nang sumabog ang sinasakyan nila. Rein wasn't there during the explosion. N-Nasa comfort room siya that time at si Jastin lang ang nasa loob ng sasak-"

Pinatay ko ang tawag at nanginginig ang mga kamay na pinaikot ko ang kotse pabalik sa J'Smiths Hospital.

Halos paliparin ko ang sasakyan sa pagmamadali. Panay ang malalakas na pagbusina ko. Nawala sa isip ko na buntis ako dahil sa sobrang pag-aalala.

Lord please, let him live.

Nagpatuloy ako sa pagmamaneho hanggang sa sumalubong sa akin ang isang sasakyan. Malakas na sumalpok ang kotse ko doon. Mahigpit akong napahawak sa tiyan ko para protektahan ang nasa sinapupunan ko.

Malakas na tumama ang ulo ko sa windshield ng kotse ko. Nanlalabo ang paningin ko at mas hinigpitan ang pagkahawak ko sa sariling tiyan.

"J-Jastin." Ang pangalan ng binata ang huling namuntawi sa bibig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.

To be continued...

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now