"And what do you expect? Magsuot ako ng long gown sa beach party?" Sarkastikong tanong ko.

Dumilim ang mukha nito at narinig ko ang pagtunog ng mga ngipin nito dahil sa pagpipigil. Namumula ang buong mukha nito. Hindi ko alam kung naiinis ba ito o nagagalit. Sa anong dahilan? Dahil lang sa suot ko?

Sa hindi ko inaasahan ay hinubad nito ang suot na sleeveless shirt at walang sabi-sabing isinuot nito iyon sa akin.

"Subukan mong hubarin 'yan, malilintikan ka sa'kin." Mariing babala nito nang akmang hububarin ko ang shirt nito.

Tinaasan ko ito ng kilay.

"Are you threatening me?"

Humigpit ang pagkakahawak nito sa akin.

"I'm just telling you what can I do if you won't behave." Anito at hinila ako.

"Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko habang pilit na inaalis ang kamay nito sa akin.

"Uuwi na tayo." Tugon nito.

Hinugot ko ang kamay mula dito.

"You were enjoying earlier and you even ignored me. Bakit bigla-bigla gusto mo ng umuwi?"

He sighed in frustration.

"Krystal, let's go back to the rest house." Iritadong sambit nito.

"Ako ang madedesisyon kung uuwi na ako o hindi. Bakit hindi ka na lang mag-enjoy? Enjoy na enjoy ka naman kanina habang nakikipagharutan, hindi ba? Bumalik ka na doon sa babae mo!" Hindi ko mapigilang magtaas ng boses at kapagkuwan ay natigilan.

Maging ito ay natigilan at ilang sandali lang ngumisi ito.

Humakbang ito papalapit sa akin at hinapit ako sa beywang.

"Are you jealous, Krystal?" Tanong nito habang matiim na nakatitig sa mga mata ko.

Napalunok ako at buong tapang na sinalubong ang mga mata nito.

"Wala akong dapat ikaselos. Sino ka ba sa buhay ko?" Mariing usal ko at itinulak ito.

Humakbang ako at tinalikuran ako.

"Just admit that you're still inlove with me, Krystal." Natigil ako sa paglalakad nang marinig ang sinabi nito.

Nilingon ko ito at masamang tinignan. Peke ko itong nginitian.

"Ang taas din naman ng kompiyansa mo sa sarili, ano? Ang kapal ng mukha mo." Nanggigigil na wika ko.

Naglakad ito papalapit sa akin. At sa magkalapit na mga katawan namin ay nilapit nito ang bibig sa tenga ko.

"Tama naman, hindi ba? Mahal mo pa rin ako, Krystal. " Bulong nito.

Naikuyom ko ang mga kamao at nagpupuyos sa galit na tinalikuran ko ito. Naglakad ako pabalik sa rest house.

Imbes na pumasok sa loob ng bahay ay dumiretso ako sa dalampasigan at gigil na sinipa ang buhangin.

Nasa ganoong eksena ako nang may humila sa akin at walang sabi-sabing sinakop nito ng halik ang mga labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko at sinuntok-suntok ko ito sa dibdib pero hindi ito nagpapatinag. He kissed me deeply and pulled me closer to him.

Buong lakas na itinulak ko ito at dumapo ang palad ko sa pisngi nito.

"How dare you kiss me, you bastard!" Sigaw ko.

Pero sa halip na tumigil ito ay mas lalong naglakas ang loob nito. Ikinulong nito ang mukha ko sa mga palad nito at mariin akong hinalikan.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon