"That was awesome!" si Alexa na nakipag high-five pa.




Habang tuwang-tuwa ang dalawang nasa unahan. Ang dalawa namang nasa likuran ay halos hindi maipinta ang mga mukha.




"Awesome? You two almost killed us!" ang sumbat naman ni Yuna.




"We just saved your ass," kibitz-balikat na tugon ni Jessica na nilingon ang pinsan mula sa rearview-mirror.




"Yeah... thank you very much!" sarkastikang tugon ni Yuna. "But I couldn't enjoy my freedom when I'm dead."




"But you're still alive. Huwag kang mag-alala, matagal daw mamatay ang masasamang damo," pabirong turan naman ni Alexa, malawak na nakangiti.




"Ah, gano'n? pasalamat ka't good record ka ngayon sa'kin, kung hindi... baka masabunutan kita," mahinang angil ni Yuna dito.




Hindi naman iyon sineryoso ni Alexa at napangiti lang. Nagkatawanan silang dalawa ni Jessica.




"We are so going into jail for all of that. Kaya't huwag kayong magsaya," wika pa ni Yuna.




"Fuck. My parents are going to kill me. But anyway, I'll call our lawyer to settle that immediately. So don't worry," tugon ni Alexa.




"Just make sure of it. Hindi ako tumakas sa mga magulang ko para makulong lang," irap ni Yuna.




Napatingin silang tatlo kay Reign na nakapagtatakang tahimik lang kanina pa. Sapo nito ang sikmura habang nakangiwi.




"You okay there, Reign?" ang tanong dito ni Alexa.




Reign mumbled incoherent words as a reply.




"Huh?" nagkatinginan ang tatlo. Wala silang naintindihan sa sinabi nito.




Maya-maya pa ay para itong napapadigwa. Naalarma naman si Yuna na katabi nito.




"Hey! Don't you dare."




Hindi na nga nagtagal at tuluyan na itong nagsuka.




"Ew! Nakakadiri ka!" tili ng katabi na napasiksik sa gilid.




Napangiwi naman ang dalawa pang iba.




"You will need a thorough car-wash, Alexa," si Jessica.




"That's fine." Kumuha muna si Alexa ng tubig mula sa gilid ng upuan at iniabot iyon kay Reign. Malugod naman iyong tinanggap ng huli.




"Wait... saan nga pala tayo pupunta?" naalalang itanong ni Jessica.




"Oo nga pala... Damn. We need to detour. Iliko mo sa kaliwa. May alam akong alternate route," Alexa directed.




"Hindi ba tayo makikita ng mga bodyguards kapag bumalik tayo?" nag-aalalang tanong ni Yuna.




"Nah. Ibang daan 'to."




Ilang sandali pa ay narating nila ang isang may kalumaan nang repair shop.




"Ipasok mo diyan," turo ni Alexa.




Nang makapasok ay nauna nang bumaba si Alexa. Sinalubong siya ng isang lalaking namumutok sa muscle ang katawan.




"Sage..." kinamayan ito ni Alexa. "Ready na ba iyong ipinahanda ko sa'yo?"

Aya's Confusion(Book 1)[Gxg] Where stories live. Discover now