"Tinatanong kita kung ano ang ginagawa mo dito." Mariin ang mga katagang lumalabas mula sa bibig ni James habang madilim ang mukhang nakatingin kay Jastin.

"Love, let go of him." Narinig kong nagsalita si Princess at akmang hahakbang nang masama itong tinignan ni James.

"Huwag kang makialam dito, Princess Shaina." Natigilan si Princess at napalunok.

Sa aming lahat ay si Princess lang ang may kakayahang amuhin si James at dito lang nakikinig ang leader ng Phoenix pero tila walang epekto iyon ngayon.

"Ang lakas ng loob mong magpakita dito pagkatapos ng mga ginawa mo. Wala ka na ba talagang kaluluwa?!" Dumadagundong ang boses ni James sa kabuuan ng kuwartong kinaroroonan namin.

"Phyton. Alam kong mali ako at-"

"Alam mong mali? Ano ba ang alam mo? Ah..." Nagpatango-tango si James at hinigpitan ang pagkakahawak sa kuwelyo ni Jastin. "Ang alam mo ay baog ka, ganoon ba?" Hinugot nito ang cellphone mula sa loob ng bulsa nito at may pinindot doon.

Pareho naming narinig ang boses ng isang babae doon.

"Panoorin mo kung gaano ka kagago at kawalang kuwentang lalaki." Mariing utos ni James.

Tumutok ang mga mata ni Jastin doon at lahat kami ay rinig na rinig namin ang mga pinagsasabi ng nasa video. Alam kong si Minerva iyon dahil kilalang-kilala ko ang boses nito. Takot na takot ang boses nito habang nagsasalita.

"I-I lied to him. P-Pineke ko a-ang r-resulta. H-Hindi s-siya baog a-at pinalabas k-ko lang na m-may lalaki s-si Krystal. J-Jastin is a h-healthy man. I-It's my f-fault. I-Ilang taon k-ko siyang p-pinaniwala n-na wala siyang k-kakayahang m-magkaanak. P-Please, have mercy on me. H-Huwag mo a-akong p-papatayin. A-Ako din ang n-nag udyok na p-patayin niya 'yong d-dinadala ni K-Krystal. M-Maawa ka sa a-akin."

Marahas kong pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa magkabilang pisngi ko. Pero kahit anong pigil ko ay patuloy iyong pumapatak na tila ayaw ng maubos pa.

Jastin look at me with tears in his eyes. His eyes was was full of regrets.

Paulit-ulit itong umiling.

"H-Hindi ko alam. I'm sorry. Hindi ko alam. Hindi ko alam. Patawarin mo ako, Krystal. Patawarin mo ako." Punong-puno ng luha ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.

Tinignan ko lang ito. Hindi ako nakakaramdam ng awa para sa binata. Ang mga luha sa mga mata nito, hindi pa iyon sapat. I want to see him suffer for what he did.

Malakas itong sinuntok ni James at napahandusay ito sa sahig. Muli itong kinuwelyuhan ni James at pinatayo.

"Isa lang ang masasabi ko sa'yo. Putangina ka!" Madilim ang mukha ni James at muling sinuntok si Jastin.

Walang nakialam at hindi lumalaban si Jastin. Hinahayaan nitong bugbugin siya ni James ng paulit-ulit. Nanatili lang akong nakatingin habang nagsusuka ito ng dugo. Putok ang gilid ng labi nito at halos hindi na maimulat ang isang mata.

"James!"

"Phyton!" Sabay-sabay na sumigaw si Prince, Rein, Sharmaine at Princess nang hinugot ni James ang baril mula sa likod nito.

Mabilis itong nilapitan ni Rein at hinawakan ang baril na hawak ni James. Nakatutok iyon kay Jastin.

"Phyton, he's still our friend." Mariing usal ni Rein.

Walang emosyon na tinignan lang nito si Rein.

"Wala akong kaibigan na pumapatay ng inosenteng bata. At higit sa lahat, wala akong kaibigang demonyo." Mapanganib na sambit nito at kinalabit ang gatilyo ng baril.

Dalawang beses nitong pinapaputukan si Jastin.

"Fuck!" Rein cursed and his eyes widen.

Sa kabila ng mga tama sa katawan ni Jastin ay nakuha nitong gumapang patungo sa akin. Hinawakan nito ang mga binti ko at napatingin ako sa duguang katawan nito.

"P-Pinatay ko ang anak natin. At alam kong walang kapatawaran iyon, Krystal. But please. Please, stay. Please, baby. I beg you. Don't give up on me. Please." Humagulhol ito ng iyak habang paluhod na hinawakan ang mga binti ko.

Paunti-unti ay inalis ko ang mga kamay nitong nakahawak sa mga binti ko at mariing napapikit. At sa muling pagmulat ng mga mata ko ay buong lamig ko itong tinignan.

"I'm done here, Jas. I gave up!" Umatras ako mula dito.

"Minahal kita pero dinala ako ng pagmamahal na iyon sa kadiliman. Hinding-hindi mo maaalis sa puso ko ang sugat at sakit, Jastin. Hindi mo na maibabalik pa ang kinuha mo mula sa akin. At pinapangako ko, ipaparamdam ko sa'yo ang impiyernong pinaranas mo sa'kin. Habang-buhay mong dadalhin sa konsensya mo ang pagpatay mo sa anak ko. Sa anak ko, Jastin. Hindi ka niya ama dahil wala siyang amang demonyo na katulad mo." Mariing usal ko at humakbang papalabas ng kuwarto.

Muli kong pinunasan ang mga luha ko at naikuyom ang mga kamao. Magbabayad ang mga taong pumatay sa anak ko. Hinding-hindi ko patatahimikin ang mga ito. At kailanman ay walang puwang ang kapatawaran sa puso ko para sa kanila.

I will give them what they deserve. I will make Jastin suffer. I will make him pay for what he did.

Ibabalik ko sa binata ang sakit at pait. Ibabalik ko ng doble. At sisiguraduhin ko na hinding-hindi na nito mapapasok pa ang puso ko. Ang isang katulad nito ay dapat pagdusahin at paluhain ng dugo.

To be continued...

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now