Chapter 3

3.9K 205 25
                                    

"I WOULD like to visit my friend, Leo Vasquez in Room 1522." Nasa reception si Argus ng condominium na tinitirhan ni Leo. Sinadya niyang puntahan na doon ang binata upang once and for all ay malaman na kung ano ba talaga ang nangyayari rito. He is already finding it weird na ilang araw nang hindi nagpaparamdam ang binata. Dati naman ay hindi natatapos ang isang araw nang hindi ito tumatawag o nagte-text sa kanya para ipaalam ang mga nangyayari o para kumustahin man lang siya. Pero iba na ang nangyayari ngayon. Kahit text ay wala siyang natatanggap mula kay Leo. Tatlong araw na ang nakakaraan mula noong subukan niyang kontakin ang binata sa landline nito sa condo pero 'di rin niya ito nakausap.

"Room 1522, sir?"

"Yes."

"Sir, Room 1522 is currently vacant."

"You mean walang tao ngayon. Hindi pa umuuwi si Leo?"

"No, sir. I mean, wala nang tenant ngayon sa Room 1522. Umalis na po yesterday iyong dating tenant."

Parang gustong sumabog ng utak ni Argus sa sinabi ng receptionist. "Sinabi ba kung saan siya lumipat?"

"Sorry, sir. Wala pong iniwang message si Mr. Vasquez para sa mga maghahanap sa kanya."

Nanlumo si Argus.  This is it.  Wala nang duda.  Pinagtataguan na nga siya ni Leo.

"Thank you,  miss." Matipid na nginitian ni Argus ang receptionist. That's one good thing about him.  Nagagawa pa rin niyang ngumiti kahit sobrang panlulumo na ang nararamdaman niya sa loob.

Nilisan na ni Argus ang condo. May paraan pa naman para makita niya si Leo. Alam naman niya kung saan ito nagtatrabaho.  Baka pwede niya itong puntahan doon.

Pero nagdalawang isip siya.  Obvious naman na pinagtataguan na siya ni Leo. Kailangan pa ba niyang maghabol?  Ipagsisiksikan pa ba niya ang sarili niya?

Pero gusto lang naman niyang malaman kung ano ang dahilan ng biglang pagbabago ni Leo.  Masama ba 'yon?  Kung sana nag-away sila o may kung anong pinagkagalitan,  okay lang na biglang magbago ang binata.  Kaso wala.  Basta na lang ito hindi nagpakita nang wala siyang kaalam-alam kung bakit.  At kailangan nilang magkaliwanagan.  Iyon lang ang gusto niya.  "Kung ayaw na talaga ni Leo,  fine!  But he should have balls to tell it straight to my face para 'di ako mukhang tanga dito," bulong ng isip niya.

Hanggang sa pag-uwi ng bahay ay upset pa rin si Argus. Hindi ito nalingid sa kanyang ina na kilalang-kilala siya.  Sa mga pagkakataong gusto niyang sarilinin ang problema,  hindi niya magawang magtago sa kanyang ina dahil kabisado na nito kung kelan siya masaya at kung kelan may mabigat na dinadala.

"Alam kong may problema ka, at nalulungkot ako dahil hindi mo ako isinasali sa problema mo," bungad kay Argus ng mama niya.

"Ma,  normal lang naman sa tao na magkaproblema." Pinilit ni Argus na magpakawala ng ngiti. "Huwag kang mag-alala kaya ko naman."

"Si Leo ba?"

Marahang tumango si Argus.

"Iniiwasan ka?"

"Baka busy lang, Ma. Alam mo naman "yung trabaho niya. Paiba-iba ng oras.  Papalit-palit ng shift."

"Huwag mong ituon ang sarili mo sa iisang tao lang.  Lumabas ka, meet new other people.  It's time para bigyan mo naman ng panahon ang sarili mo.  Pahinga ka muna sa trabaho.  You've been working really very hard. Dapat binibigyan mo rin ang sarili mo ng time para maglibang."

"Thanks, Ma. Don't worry,  I'm still okay.  Alam mo naman na 'pag hindi ko na kaya sa'yo rin ako unang lalapit. Ikaw lang ang puwede kong takbuhan."

Niyakap si Argus ng mama niya.

"I love you, Ma. Thanks for being so understanding. This kind of life will not be this easy if I don't have a mother as supportive as you."

Mas hinigpitan pa ng mama niya ang pagyakap sa kanya at marahang hinagod ang kanyang likod. Ganoon silang mag-ina,  walang maraming usapan.  Sapat nang mga damdamin nila ang mag-usap at magkaintindihan.

KINABUKASAN ay maagang umalis ng bahay si Argus.  Napagpasyahan niyang pumunta sa opisina ni Leo. Kung tama ang pagkatanda niya, morning shift si Leo ngayong buwan.  Bakasakaling makita at makausap niya ito doon. Buo pa rin ang pag-asa niyang mapag-uusapan pa rin nila ang problema,  kung meron man.

"Sorry po,  sir.  Absent daw po si Mr.  Vasquez," sabi ng receptionist kay Argus.

"Ahh,  puwede ko na lang bang makuha 'yung address niya or phone number para makontak ko siya.  Importante lang kasi,  miss." Nakaramdam siya ng inis sa sarili niya. Natatandaan niya, humingi si Leo ng calling card sa kanya noong unang beses silang magkita. Dapat pala humingi rin ako sa kanya. Para sana alam ko man lang kung ano ang direct line niya sa opisina.

"Naku,  sir.  Wala po kaming ganyang detalye ng mga empleyado dito.  Kahit ako po,  hindi ko personal na kilala si Mr.  Vasquez. Alam mo naman po sa mga BPO companies."

"Sige,  'di bale.  Pasensya na,  ha?"

"Walang anuman,  sir.  Kung may maitutulong nga lang po ako."

Nginitian ni Argus ang kausap.  Sa ganitong mga pagkakataon,  masarap pa ring makita at marinig ang genuine concern ng isang tao kahit ang totoo'y wala naman itong maitutulong para masolusyunan ang problema.

"Sige,  miss.  Thank you."

Mabigat ang mga paa na nilisan ni Argus ang opisina.

SI LEO ay hindi pumasok sa trabaho nang araw na iyon. Nagmukmok lang ito sa bahay at inubos ang oras sa panonood ng telebisyon. Nang magsawa ay kinuha ang ang isang magazine sa drawer niya at humiga sa kama para magbasa. Paminsan-minsan ay bumibili si Leo ng mga ganoong klaseng magazine na naglalaman ng larawan ng mga hubad na kalalakihan. Para sa kanya, mas okay na ang ganoon kesa naman lumabas pa siya at maghanap ng panandaliang aliw sa mga lalaking bayaran. At least sa pagbabasa ng magazine, alam niyang wala siyang makukuhang sakit o ano mang problema.

Pero hindi makapag-concentrate si Leo sa ginagawa niya. Nagsusumiksik pa rin kasi sa utak niya si Argus. Totoo, mahal na mahal niya ito at sobrang sakit sa loob niya na pinagtataguan niya ito ngayon dahil sa sobrang pressure na nararamdaman niya sa kanyang pamilya kasabay na rin ang takot na ano mang oras ay mabuko ng kanyang pamilya ang iniingatan niyang lihim na pagkatao.

Bumangon si Leo at ibinalik sa drawer ang magazine. Pagkatapos ay muling humiga at pinilit ang sarili na makatulog. Mas okay yata na tulog siya dahil kahit pansamantala ay makalilimutan niya ang lahat ng kanyang mga problema.


This Beki Love - ARGUS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon