Bigla namang lumambot ang anyo ni Ralf dahil sa nakita niyang takot at histerya sa mukha ko.

Marahil ay nahuhulaan na niya kung ano ang dahilan ng labis na takot ko na tawirin ang tulay na ito.

"It's all right, Ivan," malumanay niyang sabi sa akin. "Lampas tuhod na lang natin ang tubig at kaya nating tawirin iyan dahil hindi naman kalakasan na ang agos."

Umiling ako. "No! H-hindi ako tatawid sa tulay na iyan." matigas na sabi ko na may bahid pa rin ng takot. Kahit ano ang mangyari ay hindi ko talaga tatawirin ang tulay.

"Hihintayin ko na bumaba ang tubig." sabi ko sa kanya.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Ralf. Itinaas niya ang kamay niya at hinawakan niya ako sa baba para itaas ang mukha ko paharap sa kanya.

Nakita ko ang malalamlam na mga mata niya. Napilitan ako na salubungin ang mga iyon.

"I won't let anything happen to you, pangako," sambit niya. Halos bulong na lang iyong lumabas mula sa bibig niya.

Nakita ko ang mga mata niya na naglakbay sa kabuuan ng mukha ko na tila ba minememorya niya ang bawat bahagi nito.

Nagtagal ang mga mata niya sa medyo nakaawang ko nang mga labi at hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas at pagbaba ng adams apple niya.

Sa paglunok niya ay mabilis na pumasok sa isip ko na hahalikan na naman niya ako kaya mabilis ko siyang itinulak saka ako lumayo sa kanya.

Mabilis kong ibinalik sa huwisyo ang isip ko saka ako nagbigay ng malaking distansya sa pagitan naming dalawa.

He was a good kisser. Alam ko iyon dahil sa tuwing hinahalikan niya ako ay nawawala ako sa sarili kong katinuan dahil sa sarap at kilabot na dulot ng mga halik niya.

Hindi ko alam pero kakaiba ang mga labi ni Rafael. Hindi iilang lalaki na ang nahalikan ko. Halos lahat ng naging boyfriends at flings ko ay natikman ko na ang labi.

Ngunit iba ang pakiramdam kapag si Rafael  na ang humahalik. Kagaya na lamang ng ginawa niya sa akin kagabi. Hindi ko na hahayaan pa na maulit iyon dahil hindi siya ang lalaki para sa akin.

"Huwag mong sabihin sa akin iyan, Ralf. Dahil hindi ako katulad ng mga magulang ko na hindi matinag ang pagtitiwala sayo. Kung bakitbay hindi ko alam." malamig na sagot ko sa sinabi niya kanina.

"At kung hindi dahil sayo ay hindi naman talaga ako dapat aalis sa lugar na ito noon. Hindi sana ako ihahatid ng mga magulang ko sa kabisera. At hindi sana nalunod si Mama!"

Hindi ko naman talaga gustong sabihin iyon pero huli na para bawiin ko pa. Iyon ang unang pumasok sa isip ko para mapagtakpan ang nararamdaman ko.

"Fuck you!" marahan pero nag-iigting ang mga bagang ni Ralf nang sabihin niya sa akin iyon.

Marahas niya akong hinawakan sa isang braso at pinetserahan niya ako gamit ang kabilang kamay niya. Saka ko sinalubong ang galit sa mga mata niya.

"Huwag mong ibigay sa iba ang sisi para lang mapagtakpan ang sariling guilt mo, Ivan!"

Parang patalim na humihiwa sa dibdib ko ang tinig niya. Bumabaon sa puso ko ang bawat katagang sinabi niya.

Pero mas pipiliin ko pa na malunod na lamang sa ilog na ito kaysa ipaalam ko kay Ralf na nasasaktan ako.

Kahit paano ay totoo ang lahat ng sinabi niya. Kasalanan ko rin kung bakit namatay si Mama. Pero hindi ko aaminin kay Ralf iyon.

Matapang ko siyang tiningala dahil mas matangkad siya sa akin. Saka ako umismid.

Beloved Bastard (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon