-The Memories-

168 25 33
                                    

When I was ten, my older brother died after saving me. Simula no'n, pakiramdam ko nawalan na ako ng halaga sa bahay at sa buhay ng mga magulang ko. Naging sobrang busy na rin sila pareho sa trabaho nila to the point na halos katulong na lang namin ang tumatayong nanay at tatay ko.

Alam kong ako ang may kasalanan kung bakit namatay si kuya. Hindi ko man naririnig sa mga magulang ko na sinisisi nila ako, pinaparamdam naman nila sa akin.

Nagmistula akong hangin sa loob ng tahanan namin. Pero sa labas, sa eskwelahan o kung saan man ako magpunta, marami ang pumapansin sa akin at gustong makipag-usap. Pero hindi  sila ang gusto kong makausap at makasama. Isa pa, hindi naman totoo ang ipinapakita nila.

When I turned 11, lumipat kami ng bahay dahil ibinenta na ni dad ang bahay namin. Ayaw ko sana dahil naroon ang mga alaala ni kuya pero wala akong boses. Isa pa, alam ko namang kaya nila iiwan ang bahay dahil lagi no'ng ipinapaalala si kuya sa kanila.

Pero kahit nasa bago na kaming bahay, hindi pa rin nagbago ang sitwasyon namin. Gano'n pa rin. Madalang lang akong pansinin nina mommy at daddy.

Saka ko nakilala si Ellah. Magkapit-bahay kami. Nang malaman niyang may bago silang kapit-bahay, binisita niya kami at nakipagkaibigan siya sa akin. Tinatanggihan ko siya no'n dahil ayaw kong makihalubilo sa kahit na kanino. But she was very annoying; she kept on visiting me and she tried her hardest to win me as her friend.

She was really a bother hanggang sa naging magkaibigan nga kami. Naging matalik na magkaibigan. Ipinakilala niya rin ako sa mga pinsan niyang sina Ryle at Kierth, na naging mga kaibigan ko rin. Silang tatlo ang naging mga totoo kong kaibigan. Lalo na si Ellah.

Si Ellah ang naging takbuhan ko sa tuwing nasisikipan na ako sa loob ng bahay namin. Siya ang nakikinig sa akin kapag gusto kong magkwento. She was my confidant. She was my shoulder to cry on. She made me laugh and smile; she became the reason why I smiled again.

Tinulungan niya akong makabalik muli sa mundo ko na itinapon ko dahil hindi ko na kaya. What's more, kinausap niya ang mga magulang ko at siya ang nagsabi sa kanila ng mga bagay na gusto ko sanang sabihin sa kanila. Pinag-ayos niya ulit ang relasyon namin ng mga magulang ko.

Saka ko nalaman, hindi naman talaga galit sina daddy at mommy sa akin. Mas sinisisi pa nga nila ang mga sarili nila dahil sila raw ang nagpabaya kaya nawala si kuya. They also asked for forgiveness for letting me feel that kuya's death was my fault.

Ellah was my savior. She was the most beautiful part of my life.

At kung kailan nagiging maayos na ang takbo ng buhay ko, she was diagnosed with Leukemia.

Bigla akong kinabahan. Natakot ako. Nangamba sa posibleng mangyari. But Ellah was a real fighter. Kahit may sakit, pinilit niyang lumaban at pinilit niyang maging normal ang buhay niya. Natuwa ako because she was fighting for her life.

Sabi niya sa akin, gagaling siya. Sabi nya sa akin, matagal na panahon pa kaming magkakasama. Sabi niya sa akin, hinding-hindi niya ako iiwan. Sabi niya, mabubuhay siya. Sabi niya, ako ang magiging kapares niya sa debut niya. Sabi niya, may ipagtatapat siya sa akin.

Ngunit isang araw, nagising na lang akong wala na si Ellah. Hindi na niya nakayanan. Tuluyang bumigay ang kaniyang katawan at tuluyan na siyang namaalam. Ni hindi man lang niya ako hinintay. Ni hindi man lang siya nagpaalam sa akin.

Ellah left me. She left before I could tell her my feelings. She died without even knowing that... I love her.

Hindi ko matanggap ang pagkawala ni Ellah. Nahirapan akong tanggapin na wala na siya. I felt very sad and lonely. I was overwhelmingly stressed. I was depressed.

Until I had an emotional breakdown.

Pilit kong kinalimutan ang nangyari. Pilit kong kinalimutan si Ellah. Ayaw kong maalala na wala na siya at kailan man ay hindi na siya babalik pa; kaya ibinaon ko si Ellah sa aking alaala.

I lost my memories of her. A part of me was gone.

Nagbalik ako sa dati kong buhay. I became detached and aloof again. I started to doubt people and hate them again. Lumayo ako sa mga magulang ko sa paniniwalang sinisisi pa rin nila ako sa pagkawala ni kuya.

I started to become the old me.

Everything about me was starting to be a mess again. Until she came – no, until she returned and helped me realize the things that I failed to realize and helped me get back my life.

Sabi ni dad, I might have created Ellah in my mind.  The doctor said I had repressed memories, and I showed signs of PTSD from the incident.

But I doubt it. Ang alam ko at ang paniniwalaan ko, bumalik talaga si Ellah para sa akin. Alam kong hindi siya matahimik dahil sa akin kaya panandalian siyang bumalik para tulungan ako at ipaalala sa akin ang mga bagay na nakalimutan ko na at pinilit kong kalimutan. I'm sure she asked God to give her a chance to see me, and God granted her wish.

That sounds annoying. Hindi ko tuloy lubos maisip kung pa'no niya kinulit ang Diyos para lang makabalik siya kahit sandai. Well, that's Ellah. She is really annoying. And she's the most beautiful nuisance in my life.

I decided to visit her grave. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko lang alam kung saan ako magsisimula.

"Ellah..."

Ang dami kong gustong sabihin.

Saka biglang umihip ang hangin. Malakas kaya't napapikit ako. And when I opened my eyes, there she is. She's smiling like she's for real. Bumuhos ang mga luha mula sa aking mga mata, pero hindi ko inalis sa mukha ko ang ngiting nais niyang makita.

May sinabi siya. I did not hear it pero ramdam ko ang nais niyang ipahiwatig. I replied. And then... she disappeared.

Mahal kita.

Mahal din kita.

It's 3:58. Exactly 3:58.

Time Spent With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon